Clarissa Pov.
Nandito kami sa office ni HM. 2 grupo lang ang pinadala kaming Queens And Knights.
"Ano po ba ang pag uusapan natin HM? "-Grey
" Hintayin mo na natin si hook. Diba Knights siya. Bakit Hindi niyo siya kasama Grey? "Kanina pa yun waka ahh
" I'm sorry ma'am. I'm late. "Hayys salamat nandito na siya.
" So ngayon. Kaya ko kayo pinatawag dahil may mission kayo. "-HM
" Mission!? What kind of mission ma'am? "Grabe talaga itong Yesha Natalie na nakilala ko. Sobrang excited.
" Kailangan niyong mahanap ang nawawalang sapphire. Bibigyan ko kayo ng sampung araw para mahanap niyo. Dapat limang bato ang madadala niyo dito. Dahil kong hindi, papasukin tayo ng Dark ACADEMY. maghanda na kayo ngayon dahil sa araw na ito magsisimula kayong maghanap. Btw. Ipapartner ko kayo. Ang magsasama ay si Natalie and Grey pupuntahan niyo ang Ereneo Province. Clarissa and Blake pupuntahan niyo ang East Province. Bella and Drew pupuntahan niyo Magical Forest. Cassie and Mike pupuntahan niyo Dark City. And lastly, Sheena, Kent and Ash pupuntahan niyo Berana City. And you may go now"bakit si blake pa ang partner ko. Lintek. Pupuntahan pa namin ang East Province. Arggggghhhhh Ano naman tong pakulo ni HM.
Pumunta na kami sa sarili naming dorm para maghanda na sa lakad naming mamaya 7 pm pa daw. "Bakit ikaw pa ang nakapartner ko Clarissa. Tsk"anong akala ng mokong to. Ginusto ko ba yun? Hindi naman. Tangina. " Tangina mo Blake. Ginusto ko ba yun. Hindi Hindi Hindi. "Sigaw ko sa kanya nakakapikon. Tinawan lang nila ako at inirapan ko lang si Blake.
6pm na tapos narin kami lahat. Iba iba yung sasakyan namin kasi iba iba yung lugar ang pupuntahan namin. East Province. Nakapunta narin kami dito ng mga Queens and Knights. Maganda dito at tsaka tahimik. Delikado rin pag gabi. At ito pa ang pupuntahan namin ngayon ni Grey. Binigyan pala kami ni HM ng tag iisang mapa.
Natalie's Pov
Tapos na kaming maghanda. At kapartner ko pa si Grey. Sana si Clarissa nalang yun. Nagsuot ako ng Jacket syempre ang lamig daw sa labas sabi ni Grey. At naka pants narin ako. Sinuot ko ang kwentas na binigay ng totoo kung ina. Well, suot ko na daw to. Kaya susuotin ko ulit. Kulay sapphire din siya. Pero iba ang naramdaman ko sa school na ito simula nong una. Sobrang gaan ng pakiramdam ko dito.
"Yesha.halika aalis na tayo. 7pm na" Kanina pa pala itong mokong to.
"I'm coming".
Ang sasakyan namin ay isang van na kulay sapphire. Sumakay na kami ni Grey at umalis. Yung iba daw nauna na..... Boring di man lang ako kinausap. Kaya ako nalang ang una.
" Amm grey?!"tawag ko sa kanya
"Yes? " Grabe ang cold talaga niya promise.
"Maari mo bang I kwento ang Enyo Province, enyo ba yun? Basta yung pupuntahan natin" Bigla nalang siyang natawa. Nakalimutan ko kasi eh.
"Sure.Ereneo Province yun. Konti nalang ang tumira doon dahil sa Dark Academy. Kaya kailangan natin mag ingat. ""Ok" Yan lang yung nasabi ko. Wala na ako ng magagawa eh.
"Amm yesha? " -grey
"Bakit? "
"Iba ka talaga sa babae nakilala ko"-grey
" Bakit naman? "
"Kadalasan kasi tumawag sa akin ay Prince Grey, babe. Tsk ayoko talaga non ok lang sa akin na Prince Grey. "-Grey
Tinignan ko siya ng two seconds at binalik ko ang tingin sa salamin. " Di kasi ako katulad nila grey. Mabait naman talaga ako. At isa pa kadiri naman. Pero Ok lang ba sayo na tawagin kitang Grey wag lang ang Prince? "Ayoko ko talagang sabihin ang whole name niya. Nakakatamad." Oh sure! Basta ikaw"sabi niya and smile.. Malayo pa ang ereneo kaya natulog nalang ako.
.
.
.
.
.
. Ereneo Province*"Yesha gising na nandito na tayo.. Yohooo" Nandito na nga kami sa Ereneo. "Let's go" Yaya niya sa akin. Tumango na ako at sumunod sa kanya. Simula na nga pala namin to. Kaya nilabas ko na yung map. Sarili kong map ito. At may sarili rin map si Grey.
Kung saan kami naghanap pero wala kaming nakita na sapphire. Hanggang sa may nakita ko sa aking peripheral version ang isang cave at napakadilim kaya tinawag ko si Grey. "Grey! May cave doon. Puntahan natin" Lumingon siya at hinawakan niya ang braso ko. "What's problem? " Tanong ko sa kanya"wag tayo pumunta diyan. Delikado may namamatay na taga sapphire diyan. Hindi na nakalabas ".sabi niya sa akin. Di naman ako nakaramdam ng takot. " Grey subukan lang naman natin ah. Please lang 10 days lang ang binigay ni HM natin dito. Sige na subukan lang natin"Gusto ko talagang puntahan ang cave na yan. Actually naka pout ako ngayon gusto ko talagang pilitin to eh. "Ok fine. " Hayy sa wakas pumayag na rin. "Ka pag may nangyari sayo O sa akin lagot tayo kay HM. " Pahabol niya ng sabi. Kinaladkad ko siya papuntang cave. Grabe sobrang dilim naman. Kaya gumawa si Grey na torch.
Pinasok talaga namin yun. Nandito na kami sa gitna ng cave sobrang layo na namin. Pero wala pa rin kaming nakita na sapphire. "Umalis na tayo dito bago pa dumilim Yesha" Sabi niya sa akin. Tumango nalang ako. Gusto ko pa talaga itong pasukin kaso wala ng choice.. Aalis na sana kami ng may nakita akong liwanag sa unahan. "Grey! May liwanag doon. Bilisan mo!" Tawag ko sa kanya. Hanggang sa makalapit na kami. Ay may kulay Green na bato. Parang bottom ito ah. At tsaka nandoon din ang isang pintuang bakal at may nakaukit na "sapphire".baka nandito na ang limang bato. Pinindut ni Grey ang Botton at Hindi ito bumukas. Sinubukan niya ulit pero ayaw talaga.
" Subukan ko nga Grey"
Huminga ako ng malalim at pinindut yung kulay green Kaya bigla nalang bumukas ang pinto. Nagulat si Grey non kaya pumasok na kami at napa wow nalang kaming dalawa dahil sa ganda ng lugar. Maraming butterflies, birds, green grass at tsaka ang linis ng ilog. "Sino kayo" Narinig namin ang boses ng isang babae at papalapit ito sa amin. Kaya naging alerto kami.
"Taga Sapphire Academy kami. " Sabi ni grey. At bigla siya nagpakita sa amin. Naka cloak na Silver siya.
"Anong ginagawa nyo dito? At pano kayo nakapasok ng basta basta sa tahanan ko? " Tanong niya ulit. Kaya ako mismo ang sumagot.
"Nandito kami upang hanapin ang nawawalang mga bato sa sapphire academy. Nakapasok kami dahil pinindut namin yung green button doon sa labas. Ako nga pala si Yesha Natalie Villar at siya naman si Prince Grey Montereal. Kayo po? "
"I'm Emily. Tagapangalaga ng sapphire. Actually, marami tumangka pumatay sa akin dahil hindi ko binigay ang 5 stone sapphire. Inaalagaan ko ito ng mabuti kaya ngayon nandito na kayo. At ito na ang inyong hinahanap".binigay niya sa amin ang limang bato. Niyakap ko siya at nagpasalamat. Well, ganyan talaga ako eh pag may tumulong sa akin niyayakap ko.
Tinuro niya sa amin kung saan ang lagusan deretso sa academy. "Emily.maraming salamat. At sobrang ganda mo. Utang namin to sayo" Yumuko ako upang magbigay galang sa kanya. "Naku, nambobola kana naman Princess Yesha. Wala yun" Ngitian niya lang ako. At umalis na kami ni Grey.
Nandito na kami sa Academy. At dumiretso sa office ni HM. "Oh! Ang dali niyo ah 2 days palang kayo. Nahanap niyo na ba? " Tumingin ako kay at tinignan niya rin ako. Sinenyasan ko siya upang siya nalang ang magpaliwanag kay HM. Pagod kasi ako. "Amm HM. Nahanap na namin. " Binigay ni Grey ang limang bato at nagulat si HM at natuwa. "Saan niyo ito nakita? " Tanong niya ulit. "Sa cave ng Ereneo HM. " Lumabas na ako papuntang dorm ko. Magkasama kami ni Grey. "Hey Yesha! Mission Accomplished" Sabi niya at ngumiti sa akin"yeah.Mission accomplished "sabi ko. Pinky swear?. Ang cute na talaga. " Pinky swear"."Bye Yesha. Goodnight".*dug dug dug* tanginang puso to. Ngitian ko lang siya at "Goodnight Grey".tsk weird ang bait niya ngayon ah.