Chapter 1

20 1 0
                                    

Janice Pov'

2 years na ang nakalipas nang nangyari ang insidenteng iyon. Lahat pa nga ng Tao sa mansyon lalo na ang mga magulang ni Shiela ay natakot dahil baka grabeng trauma ang inabot niya, kaya labis ang pagtataka namin ng pagkauwi namin ay masiglang Shiela padin ang bumungad sa kanila. Tuwing tatanungin ko naman siya ay ngiti lang ang itinutugon niya. Nag aalala ko kasi higit sa lahat ako ang laging kasa-kasama niya at lagi ko siyang nakikita na malalim ang iniisip.


Natatakot ako na baka kung ano na ang pumapasok sa isipan niya. Na baka may gawin siyang hindi maganda. Sa loob din kasi ng dalawang taon ay nagsanay lang siya sa pakikipaglaban. Nag hohome study lang kami gaya ng hiling niya sa mga magulang.


Katulad niya ay nagsanay din kami nila kuya Stan at kuya Shin sa pakikipaglaban. Medyo kaya ko na din naman pero hindi ako kasing galing nilang tatlo. Hindi ko alam kung sadyang lampa lang ako o ano.



Pagkatapos ng araw na yun, nabago ang buhay naming apat. Kailangan namin magpalakas para maprotektahan ang mga sarili namin pero hindi yon ang pinaka reason, dahil ang rason ay kailangan naming magpalakas para protektahan siya, ang anak ng taong pinagsisilbihan ng mga magulang namin kabilang kame at yon ay si Shiela.


Hanggang ngayon ay hindi parin namin alam ang mutibo ng mga gustong pumatay samin ng araw nayon pero pakiramdam ko na si Shiela talaga ang pakay nila. Wala naman kasi silang mapapala samin. Anak lang kami ng katiwala ng negosyanteng buenvinido, ang pinaka tanyag na negosyante sa Iba't-ibang bansa.

"I'm ready for tomorrow. What about you?" Nagulat ako ng biglang may nag salita sa tabi ko. Napangiti nalang ako, hindi ko manlang napansin na nakalapit na pala siya sakin.

" ready for what Patrick?" I ask him back

Pinsan siya ni Shiela. And guess what? He's my boyfriend.

"First day naten sa Fama bukas gaga! Kala mo naman idedate ka, ambisyosa!" Na patingin naman ako kay Sheila walajo to! Nakikinig pala samin.

Napasimangot nalang tuloy ako. Naudlot ang KILIG ko, peste! Nandun na eh, bwisit talaga!




Shiela's Pov'

Tatawa-tawa akong bumalik sa kuwarto ko. Nainis ko nanaman si Janica. Asar na asar nanaman siguro sakin yon dahil sumingit ako sa pag momoment nila ng pacute na boyfriend niya haha.


Nauhaw ako kaya no choice ako kundi mag punta sa kusina. Pag dating ko sa likod bahay tanaw ko yung dalawang lalaki na busy sa pag eensayo. Dahil sa nangyari ng araw na yon wala na silang ginawa kundi ang magsanay para hindi na daw maulit ang nangyari non.

Naagaw ang atensyon ko ng lalaking nag hubad ng damit at peste lang! Ang sarap pagmasdan ng abs niya. Pakiramdam ko tutulo laway ko sa nakikita kong ayos niya.

Maya maya pa naramdaman kong parang may humawak sa baba ko at ganon nalang ang gulat ko ng sumigaw itong taong naka hawak sa baba ko


"Kuya Shin naglalaway na si Shiela dito dahil dyan sa abs mo. Peram ng damit mo ng mapunasan ko!" Sigaw ni Janica kaya agad akong napatakbo pa balik sa kuwarto ko. Na kalimutan ko na ngang uminom ng tubig! Narinig ko nalang na tawa ng tawa yung bruha

Nakakahiya naman talaga! Humanda ka talaga saking babae ka.

Si Janica ang naging bestfriend ko simula pagkabata, kaya alam na alam niya kung gaano ko kagusto ang kuya Shin niya. At hindi na sekreto yon dahil sa kadaldalan ng babae na yon alam kong sinabi niya na sa kuya niya yon at kada mapapatanga ko kay Shin eh labis na hiya ang inabot ko dahil sa babae na yon.

Tok tok tok

Hindi ako nagsalita. Ayokong may makausap ngayon. Badtrip ako! Waaaa.

"Pasok na ko ah" nanlaki mata ko ng makilala ko yung kumakatok sa Labas ng pintuan ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Shin pagkaupo niya sa gilid ng Kama ko. Tango lang naman ang isinagot ko

"Be ready for tomorrow and be careful. You don't have to worry because i promise you that i will protect you no matter what." Sinsero niyang sabi sakin Sabay yakap sa akin. Alam ko nag aalala sila para sakin dahil baka maulit ang nangyari noong araw na yon. "Because your a sister to me." Dugtong niya pa at dahil don parang kinurot ang puso ko. Gusto ko siya pero kapatid lang ang Turing niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang masaktan.




--
Sorry for the wrong typos and grammar.

FEARLESS KYOUMOU(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon