Chapter 3

10 1 0
                                    

"Shiela's pov

Break time na kaya papunta na kame sa cafeteria pero malayo palang kami ay rinig na namin ang tawanan ng mga nasa loob. Ang dami din tao sa entrance kaya ewan ko nalang kung makapasok pa kami.

"Anong meron?" Usisa ni Janica sa lalaking nakasalamin and at the same time nakaharang din sa dadaanan namin. Expected na kay Janica na magtatanong yan. Usisera kaya yan!

"Ah eh ano po. Ano si-sila" napasimangot ako at hindi narin siguro nakapaghintay ng sagot to si Janica kaya nakisiksik na siya at hindi na hinintay ang mabagal na pagsagot ng lalaking to.

"Ganda ng girlfriend ko no?" Nakangising tanong ni Patrick na may pagmamalaki ang tono dun sa lalaking napagtanungan namin AY ni Janica lang pala.

Dumiretso na ng lakad ang tatlong lalaki kasunod ni Janica. Hindi ko alam pero ang bilis nila nakapasok sa kumpol na NASA dadaanan at iniwan pa ako! Take note INIWAN AKO!

"Ang lakas talaga ng loob mo! Kebago-bago mo ako na agad ang binangga mo!" Pasigaw na salita ng isang babae at halata sa boses nito ang pagkagalit.

Napataas naman ang kilay ko. Nako may bully pala dito.

"Pasensiya na nagmamadali kasi ako kanina tsaka Malay ko ba kung anak ka ng may-ari ng university na to." Inosenteng sagot ng isang babae. Ang hinhin ng boses niya pero may yabang ang dating. Basta parang ganon.

"Aba! Sumasagot! Hindi rin ako ANAK ng may-ari ng university na to no. Ang cheap!" Maarteng sabi ng babae at talagang pinagdinaan pa na hindi siya anak Ng may-ari. Aba kay arte din naman pala neto.

Hindi ko alam kung paano pero nakarating nalang ako dito sa pinakaharap. (Tanga lang) curious ako eh kaya nakipagsiksikan na ko. Aba masaya kaya manood ng mga ganito

"Ha? Eh bakit kita kikilalanin muna eh hindi ka naman pala anak. Siguro isa ka sa mga student council?" Nagtataka padin na sagot at tanong ng babae.

"Of course not! Sikat ako dito kaya dapat kilalanin mo ko!" Nakangising sabi nung babae. Siya ang babae na nakaharap ko kanina at nasa tabi nito ang dalawang babae na kasama niya din kanina. At ang kaharap niya ay isang babaeng nakalugay ang buhok at natatakpan ang kanyang kanang pisngi ng kanyang buhok. Siya ang babae na bumangga sa kanya kaya siya napaupo.

Napansin ko din ang Salamin na suot niya kanina na durog na sa sahig. Malamang ay sinira ng pesteng babaeng to.

"Ay peymus naman pala!" Narinig kong medyo malakas na sabi ng isang boses at alam ko kung sino yon. Walang iba kundi si Janica na pakealamera.

Parang natatawa naman ang mga Tao sa loob ng cafeteria kasama na ko doon.

"Ha! Ikaw nanaman? You bit-- aw!" Kung gaano siya mabilis na nakalapit kay Janica ganun din ang boyfriend at mga kuya nito. Agad na hinawakan ni shin ang kamay niya na sana ay ipang sasampal niya kay Janica. Too bad for her masyadong protective tong mga to kaya humanda siya for trying to hurt they're sister and girlfriend.

"Don't you dare to hurt her or else?" Nakakalokong sabi ni Stanley. Kahit Loko at maLandi yan seryoso yan pag dating sa gantong bagay na kahit maganda ka pa, hindi siya mangingiming saktan ka.

Pabalibag na binitawan ni shin ang kamay nung girl umalis na rin ito kasunod ng mga kasama namin. Ngingiti-ngiti naman akong dumaan sa harap niya. Halatang banas na banas naman siya sa ginawa ko. haha

--
"Nandito tayo para mag-aral at hindi para makisawsaw sa gulo ng iba Janica." Seryosong sabi ni shin. Kanina pa niya pinagsasabihan si Janica pero wala lang kay Janica yon dahil tuloy lang to sa pagkain.

"At nandito tayo sa cafeteria para kumain. Oh common kuya kumain ka nalang mamaya ka na manermon jan." May pagkairitang sagot ni Janica. Kahit kailan talaga walang modo to haha

Magsasalita na sana ko pero may isang boses ng babae akong narinig mula sa likuran ko.

"Can i join to your lunch guys?" Makapal na sabi ng babae na to. Yung babaeng bumunggo sa nakaaway ko kanina.

Napataas ang kilay ko. "Of course no--" naputol ang sasabihin ko ng bigla na siyang umupo malapit sa tabi ko. "Sana hindi ka nalang nagtanong no? Ang kapal mo ah!" Singhal ko sa kanya.

"Thank you" inosenteng sagot niya. At sobrang nabwisit ako.

"Nang-aasar ka ba? Lumayas ka dito sa table namin hindi ka pwede dito!" Galit na sabi ko. Pesteng to!

"Shiela! Don't be like that!" Mariin na sabi sakin ni shin na Medyo napalakas ang boses.

"I don't like her to be here and we don't know her. Malay mo isa siyang--" nabigla ako ng biglang tumayo ang babae na nasa tabi ko sabay yuko.

"Pasensiya ka na. Sige aalis na ko madami pa naman table eh." Sabi niya sabay talikod. Na guilty naman ako pero bigla nanaman napalitan ng inis dahil sa sinabi niya ng humarap siya ulit. "Mainit yata ulo mo. Meron ka no? Bukas nalang ha?" Pahabol niya pa at bago ko makapagsalita nakaalis na siya.

Peste!
Peste!

--
Lame update. Sorry. Wala talaga ko sa wisyo mag isip ngayon hehe

FEARLESS KYOUMOU(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon