Shiela's pov"Gusto ko na nga sabing umuwi! Nawala ako sa mood kaya pwede ba hayaan mo na ko?" Iritang sabi ko kay Shin. Nakakabadtrip kasi talaga ang babaeng yon.
"Kailan ka pa natutong umakto na parang bata? You look like a brat with that attitude." Singhal niya sakin.
"Kapag sinabing gusto kong umuwi, brat at isip bata na agad? Oh common!" Galit na sabi ko.
"Kanina mo pa kasi pinagpipipilitan yang gusto mo!" Sigaw niya.
Hindi na ko sumagot at tumalikod nalang. Nakakainis! Hindi porket gusto ko siya didiktahan na niya ko kung ano ang gagawin ko.
"Shiela! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Janica
"Wag kayo mag alala hindi ako uuwi! Lalanghap lang ako ng sariwang hangin. Nakaka suffocate dito!" Sabi ko ng hindi sila nililingon.
Gusto kong sumigaw. Ewan ko pero sobrang inis ako ngayong araw na to! Nag simula lang naman ang badtrip ko dahil sa babaeng yon.
Bakit ba kasi makakakilala lang ako eh yun pang babae na yon? Bwisit. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa mapunta ko sa mapunong parte. Sa likod to ng university. May napansin naman akong parang nagtataas baba ng paa. Nakahiga ito at hindi ko malaman ang itsura niya. Lumapit ako ng konti at para kong nagsisi bigla kasi naman ung babae kanina pala ang nandito.
"Hi" Nakangiting sabi niya pero nakapikit siya. "Masarap tumambay dito lalo na kapag marami kang bagay na gusto kalimutan" sabi pa niya
"Masarap talaga tumambay dito lalo na kapag wala ka!" Singhal ko "tsaka paano mo naman nalaman na masarap tambayan to eh bago ka lang?" Tanong ko
"I just feel it." Sagot niya
"Psh! Oa!" May pa feel it feel it pang nalalaman to. Ang arte.
"Bakit ba ang sungit mo saken? Allergic ka ba sa magaganda?" Siya.
"Hoy anong sabi mo? Sinasabi ko ibang maganda ka? Ha! Ang feeling mo! Mahangin ka masyado!" Sabi ko. Kung sa ibang kwento sa lalaki naiinis ang babae dito sa istoryang to sa babae ko naiinis! Bwisit.
"Oo naman. Maganda ko, magandang maganda! Sabihin na ng lahat kahit na ikaw pa na pangit ako, i don't care basta alam ko sa sarili kong maganda ko. I can let people insult me but not my self." Nakangiti at mahinahon na sabi niya.
"Tsss. K." Sabi ko nalang
Maya-maya may narinig kaming yapak ng mga paa na papalapit sa may gawi namin.
Napatayo agad ako kasi sa mga naririnig kong yapak ng paa ay sigurado kong nagmamadali ang mga ito. Napatingin ako sa likod namin at biglang nanlaki ang mata ko ng makita ang tatlong lalaki na may mga hawak na baril.
Nabigla ako at medyo kinabahan pero nakita ko nalang ang sarili ko na hila-hila ng babaeng to ang kamay ko. Yung ngiti niya parang normal lang na kala mo sanay na siya sa ganitong bagay.
"Wait hinihingal na ko. Baka pwede naman tayo magtago pansamantala?" Hinihingal na tanong ko.
Lilinga-linga naman ito at parang may hinahanap at bigla nalang tumakbo ulit. Huminto kami sa may likod ng isang medyo may kalakihang puno.
"Umali-" pinutol na niya ang sasabihin ko
"Manahimik ka nga muna para naman hindi tayo mamatay agad." Taas kilay na sabi niya.
Kalahating mukha lang talaga niya ang nakikita ko. Ano ba namang hair style ang trip ng babaeng to? Napaka baduy! Walang kalatoy-latoy.
"Nako naka takas sila lagot tayo nito." Rinig kong sabi ng isa sa mga lalaki.
Meron ng may balak agad na patayin ako? Ano bang kailangan nila?
"Tara na baka naiinip na si ma'am Andrea talagang malilintikan tayo don." Rinig naming sabi ng isa sa tatlong lalaki. And who's Andrea who wants to kill me?
"Pasensiya ka na" sabi nitong babaeng katabi ko. Nagtatakang napalingon naman ako sa kanya.
"What?" Tanong ko
"Pasensiya ka na kung nadamay ka pa sa paghabol sakin ng mga bodyguard ni Andrea." Malumanay na sabi niya. Pero imbis na magalit ako ay mas nangibabaw ang hiya kaya napayuko ako.
Nyeta! Assuming lang pala ako na ako ang pakay ng mga siraulong yon!
"O-okay lang. Kala ko nga ako ang hinahabol nila para patayin yun pala may mga gusto din sayong pumatay." Mahinang sabi ko habang nakayuko. Napaangat naman ako bigla ng mukha dahil sa tanong niya.
"May gusto pumatay sayo? Sino?" Gulat na tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko. Oh f*ck! What the hell?
"Ha? Wa-wala ah." Kabadong sabi ko. Ayokong may makaalam ng tungkol sa pagtatangka sa buhay ko dahil ayoko ng mag tiwala. Baka magkaroon pa siya ng idea para mapatay ako agad at yon ay ang mapalapit sakin. Nagawa ko na yun dati at yun ang dahilan ng muntikan na naming ikamatay at ayoko ng maulit yon.
"Kakasabi mo lang." Kunot noong sabi niya
"Bingi ka ata eh. Wala akong sinabing ganon. Dyan ka na nga!" Singhal ko sabay talikod at lakad na palayo sa kanya.
"Princess! Princess Garcia" sigaw niya kaya napatigil at napalingon ako.
"Yan ang pangalan ko." Nakangiting sabi niya.
"Shiela! Shiela Jane Bienvidino" sigaw ko sabay talikod pero hindi nakaligtas saakin ang matamis na ngiti ng babaeng yon.
"Teka" pigil niya sakin habang hawak ang balikat ko. Napalingon ako ulit at nakita ko siyang hinihingal tanda ng tumakbo siya.
"Friends?" Nakangiting tanong niya. Tumango na lang ako. Hindi ko alam pero parang gusto ko mapalapit sa kanya. Parang sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Ito nanaman ba ako?
Napangiti naman siya ng malawak at Sabay sabi ng "yes" with hand gestures pa. Natitigan ko bigla ang mukha niya na agad naman niyang napansin kaya tumalikod agad.
She looks familiar. Pinanood ko lang siya habang tumatakbo papalayo saakin. Anong meron sa kanya at bakit parang may tinatago siya? Is she a friend or enemy again? And what's with her face? A burn? Mayroon kase siyang peklat na sigurado akong gawa ng sunog na natatakpan ng kanyang buhok sa kanang pisngi. Para tuloy siyang nag suot na hating mascara. And i can say that she's really ugly. Geez!

BINABASA MO ANG
FEARLESS KYOUMOU(on-hold)
Aksiwag po muna basahin. tapusin ko po muna ang "A sacrifice" thanks