[1]

22.4K 452 35
                                    

IORI

hi guys i'm IORI LOUCK LAXTHON astig ng name ko diba? sa name lang pangmayaman pero sa nagmamay-ari ng pangalan mahirap,18 yrs. old, grade 12, nag-aaral sa pampublikong paaralan

simple lang ang buhay ko nakakakain ng tatlong beses sa isang araw ,actually wala na akong parents namatay sila dahil sa aksidente kaya sariling kayod ako

mahirap magtrabaho pero masaya! kasi ung feeling na magsasahod ka is sariling sikap mo

"iori! trabaho mo!" ate jemma

"oho anjan na po!" sigaw ko

patakbo akong pumunta sa stock room upang kumuha ng softdrinks

nagtatrabaho ako sa isang mini mart kila ate jema

"naku! iori kumain ka muna ,hayaan mo si ate jema mo kaya na nya yon" tita lina

i smiled ,mababait ang mga amo ko kahit minsan makulit ako heheh. nasa lahi ko na ata ang makulit

"naku tita iuuwi ko nalang po ,pauwi narin po kasi ako" ani ko

tumango naman ito at inabot sa akin ang plastic na may lamang ulam at kanin

"iori pag may kailangan ka sabihan mo kami ni mama ha?" ate jemma

"opo ate ,sige uuwi na po ako" paalam ko

nagkapaalaman kami, 7:30 pm ng gabi

pansing maraming mga studyante ang pauwi palang ,malapit kasi sa mini mart nila ate jemma ang isa pinakafamous na academy sa buong mundo ang pangarap kong eskwelahan na hangang pangarap nalang hahaha

patuloy ang pagsipol-sipol ko hanggang sa may maaninag akong umpok ng mga tao sa shed.

lumapit lang ako ng unti upang pakinggan ang pinag-uusapan nila, pasensya may sachismosa kasi ako

"sige na queen hatid na kita delikado sa daan"

"queen let me handle your things"

"tayo nalang ang natitira dito"rinig kong ani ng mga lalaki

naalarma ako dahil babae ata ang pinagkukumpulan nila,pinaandar ko ang aking bisikleta at pinadaan sa gitna na dahilan ng pagkahawi nila

" mga boss may problema?"magiliw kong tanong sa kanila

umayos sila ng tayo at itinuro sa akin ang nakaheadset na babae na nakaupo walang pakialam sa nangyayari

"naku mga boss di kayo maririnig nyan nakaheadset" ani ko at tinuro ang tenga ng babae

tinignan naman nila ang tenga ng babae

"i guess nanadya sya" ani ng katabi kong lalaki

iniatras ko sandali ang aking bike, nalingat lang ako nakita kong pwersahan nilang hinihila ang babae

"BITAWAN NYO KO! LEAVE ME ALONE!"

naalarma ako kaya agad akong lumapit sa pwesto nila

"mga boss baka pwedeng pag-usapan? nasasaktan sya?" mahinahon kong suhestyon

"hoy! wag kang makialam hinayaan ka namin kanina makialam pero ngayon labas ka na dito!"

nainis ako sa kanilang inasal "leave me alone!! nasasaktan ako!!" sigaw ng babae

i sighed,hinablot ko ang babae saka pinalikod na ikinainis nila

"miss kung ako sayo umalis ka na at wag ng babalik!"galit na singhal sa akin ng lalaking kulay yellow ang buhok nagmumukha tuloy syang mais tsk.bagay sa kanya ang kulay

"mayabang kayo harold make sure bukas na bukas ipakita nyo yan!" sigaw ng nasa likod ko, isa din 'to sya na nga dehado nagmamatapang pa hayys. nakisali pa ako aa gulo ng mga mayayaman

"hahah. oo handa kami pero sa ngayon sarap ang paghandaan mo dahil sisiguraduhin naming hindi ka na makakalakad bukas hahah!" manyak na sabi ng leader nila at dila pa sa gilid ng labi na ikinangiwi

punyetang pagmumukha na yan,kahit mahirap ako may ibubuga pa ako lalo na sa pagandahan

nagtawanan sila akala mo nakakatawa ,aabutin na sana ng lalaki ang kamay ng babae sa aking likuran

agad ko itong sinipa sa mukha at natumba nga ito tsk. mga lumpiang hindi na maiinit! ,agad ko namang hinila ang katabi ko

takbo lang kami ng takbo hanggang sa madaaanan namin ang bakanteng lote agad ko siyang hinila sa madilim na parte upang di kami makita

hinihingal kaming napaupo sa damuhan ,napangiti ako dahil naranasan ko na naman itong pagtatago dati-dati kasi kaya ko ginagawa 'to dahil sa paghabol sa akin ni mang rufino gagi! kahit matanda na 'yon mabilis parin tumakbo

"asan sila?"narinig naming nag-uusap ang mga lalaki sa bungad ng bakanteng lote

tinakpan ko ang bunganga ng katabi ko dahil sisigaw na naman sya tsk.napangiwi ako ng bigla nyang kagatin ang kamay

huta!! ang sakit ng kagat aso ba sya?

"andon nakita ko tara!" rinig kong ani nila

pinakiramdaman ko ang paligid nang marinig naming umalis na sila ,agad akong naghalungkat sa aking bag upang magpalit mahirap na baka makilala nila ako

"hey! what are you doing?" natataranta nyang tanong

"close your eyes magbibihis lang ako" ani ko

agad naman nya itong sinunod ,matapos magbihis hinila ko ulit sya  bumalik kami sa shed kanina at pinagkukuha ang mga gamit namin

"hey iiwan mo ko dito?" ramdam ang takot sa boses nya

natawa ako kanina ang tapang-tapang ngayon takot na takot

kinuha ko ang aking bike at sinenyasang sumakay dito

"seriously? sasakay ako jan?" crossed arm nyang tanong

masaya naman akong tumango na ikinakunot ng noo nya, alam kong anak mayaman sya kung gusto nyang makaalis dito wag na syang mag-inarte

"sorry pero hinding-hindi ako sasakay jan sa bulok na yan!" nandidiring ani nya

aba't! nanginsulto pa! sya na nga isasakay sya pa nagiinarte,yan na ang sinasabi ko eh. nainis ako sa inasal nya

"miss kung ayaw mo edi wag! bahala ka jan!" inis kong ani

aalis na sana ako ng hilain nya ang laylayan ng damit ko

"fine!. fine.! sasakay na!" iritang ani nya

sya pa ang maarte? tinutulungan na nga eh, natawa nalang ako dahil halatang hindi sya marunong sumakay

"ganito kasi oh." turo ko

sinunod naman nya pero ang arte ng pagkakahawak nya kainis to! iiwan kita jang marape tsk. ang arte

nagsimula kong paandarin ang aking bisekleta medyo gumigewang kami kasi ang likot nya,kinukurot pa ang tagiliran ko shemay! ang sakit ehhhhhh

"wag ka ngang malikot hindi ako makaconcentrate!" ani ko

hindi sya sumagot bagkos naramdaman ko naman ang pagsubsub ng mukha nya sa aking likod

"takot ka?" tanong ko

tumango ito. i sighed, kahit masungit sya may kinakatakutan pa pala sya kaya ang ginawa ko mabagal lang ang pagpapatakbo ko hanggang sa unti-unti na itong kumalma

itinuro nya sa akin ang village medyo nagulat pa ako hindi lang pala sya mayaman lang, huta sobrang yaman palaaaa

hanggang sa marating namin ang village nila medyo malayo ang bahay nila sa gate kaya natagalan pa kami

pagkatigil ko agad syang bumaba at sinenyasan ako ng kanilang guard na umalis ,naman! di pa ako nakakapagpahinga pinapaalis na agad tsk.

kainis babaeng yon hindi man lang nagthank you tsk.

Finding My Mate (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon