[18]

6.7K 234 10
                                    

IORI

hinintay ko si pomee dito sa school sinipat ko ang aking relo
9:30 am na ng umaga

cling(message tone).

agad kong binuksan ang text na ikinadismaya ko paasa talaga ang babaeng 'yon

boi pomee

"sorry boi may lakad kami ng team, bawi ako bukas" text nya

dismayado kong ibinulsa ang selpon ko at sumakay sa bike ko

tahimik kong binaybay ang daan papuntang stanburgh medyo malayo pa, boring talaga pag wala kang kasama at kausap

nang makarating nadatnan ko si manong guard na nagmerienda

"sarap nyan manong ha?" tanong ko

tumango naman sya inalokan ako na agad kong tinanggihan

"naku busog pa ako kuya! sige pasok na po ako" nakangiting turan ko

binuksan naman nya ang gate

"goodluck neneng" ani nya

nangunot ang noo ko sa sinabi nya

nilibot ko ang lugar marami ding mga students pati mga representative sa kanya-kanyang campus ay naglibot-libot narin pinayagan naman kami ng headmistress

mag-isa kong linibot hindi lang pala highschool ang nag-aaral dito may mga college pero iba ang building nila sa pinakadulo

libot-libot lang ang ginawa ko hanggang sa mapunta na ako sa department ng college ,nginingitian ko nalang ang mga nadadaanan kong napapanganga at gulat

BOGGSSH!!

"shit!" daing nya habang hawak ang ulong nagkauntugan kami

"sorry po!" paumanhin ko

maingat ko syang itinayo at pinagpapagpag ang skirt nyang nadumihan

"iori?" kunot-noong ani nya

tumingin ako sa kanya na nagtataka,  "waaah!! ang ganda mo iori!!!" ani nya sabay yakap sa akin

bigla ko syang naitulak dahil sa pagkabigla ko sa kanyang pagyakap

"sorry hindi kita kilala mauuna na ako" magalang kong paalam nakakagulat yayakap nalang ng hindi nagpapaalam

hindi pa man ako nakakalayo bigla nya akong tinawag,    "nyeta ka loucky mata!!!" sigaw nya

nanlalaki ang aking mga matang humarap sa kanya ,paanong alam nya ang palayaw ko na 'yon?

"budang?" kunot-noong tanong ko

she smiled at tumango,   "waaaahh!!! ikaw pala yan budang namiss kitang pangit ka!!" balik kong sigaw at dinambaan sya ng yakap

"punyeta ka iori ang ganda ng pangalan ko wag mong ipagsigawan ang bantot non!" inis nyang turan

humiwalay ako ng yakap at kinamot ang batok sa kahihiyang ginawa namin

Finding My Mate (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon