[7]

8.5K 282 10
                                    

IORI

"hayy. sa wakas natapos din" nakahinga ng maluwag na ani pomee

inayos ko na lahat ng mga gamit katatapos lang namin gawin ang article tungkol sa national meet kahapon

"nakakapagod! ano gusto nyo?" alyein

"kahit ano! basta pagkain" ani ko

tumango naman si alyein at umalis para bumili ng makakain

"nga pala iori kamusta yong mga nakilala mong mga babae?" tanong sa akin ni pomee

itinigil ko ang pag-aayos ng mga gamit at inayos ang salamin kong tumabingi nag-unat narin dahil sa nararamdaman kung ngalay

"hmm. okay lang sila ano sama kayo sa linggo?" tanong ko

"saan ang punta?" yannah na kararating lang

"san ka nanggaling? bakit pawis na pawis ka?" nagtatakang tanong ko

.pawis na pawis akala mo hinabol ng kwarentang demonyo😂

"bwesit kasi yong aso ng nakasabay ko" hinihingal nyang ani

"oh. tapos?" kararating ding alyein na may dalang pagkain

"ang maldita pinahabol ba naman sa akin yong aso ,sarap sabunutan gaga kasi ang arte-arte ayaw hawakan yong tali" inis nyang kwento

napahagalpak kami sa tawa

"hahaha. huta! sana andon kami kawawang yannah pinahabol ng aso ,hahah." hagalpak ang tawa na aniya ko

natawa kami kasi hindi mo yan mauutusan kung walang suhol, nakakatawa dahil yung babaeng iyon ang nakapagpautos sa kanya

"tumawa kayo mabilaukan sana kayo ng sariling laway nyo!" asar nitong singhal sa amin

hindi parin kami tumigil,  "ha. ha. ha. ang sakit ng tyan ko kakatawa huta! epic ang itsura mo yannah" alyein nakahawak pa sa tyan habang tumatawa

"tawa ka lang alyein akala mo ha? babawi ako at sisiguraduhin kong kawawa ka" inis na ani ni yannah

"sus! uunahan kita!" natatawang ani ni alyein

itinuloy ko ang pag-aayos ng gamit at nagsimula na silang lantakan ang pagkain

"asan yung jacket mo iori?" pomee

"nasa bahay bakit?" pagsisinungaling ko

"may nakakita na may nakasuot sa jacket mo,ayyie lumalandi ng pasekreto" kantyaw ni pomee

namula ako ng maalalang suot-suot nya iyon kahapon at bagay na bagay sa kanya

"aysus namumula ang puta!" pang-aasar nila

napasimangot ako dahil sa pang-aasar nila

"naku! naku! ekspeksyon sa linggo ,siguraduhin mong may sasabihin ka ,mahirap ang maissue na wala naman palang maganda sagot" pomee

"tumigil kayo! pinahiram ko lang, anong issue issue pinagsasabi nyo? tarantado talaga kayo ginawa nyo pa akong artista" natatawang ani ko

Finding My Mate (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon