[9]

7.8K 281 17
                                    

IORI

nakakamangha ang bahay nila nakakahiya pang umapak sa sobrang linis at kintab ng inaapakan kong tiles

nadatnan namin na may nag-uusap sa sala ,napatingin sila sa amin napayuko naman ako dahil silang apat sinusuri ako

"margaux!!" sigaw ng dad nya

nagulat ako kasi sa sigaw ng dad nya ,nakakatakot napayuko ako

"saan ka nagpunta?!" mahinahon ngunit may pagbabanta ang boses ng matanda

"who cares?"pabalang na sagot ni tate

"naku!naku paktay kang bata ka ang tapang nya!" sigaw ng isip ko

bumalik sa pagkakaupo ang matanda at sa pakikipag-usap

hinila ako pataas ni margaux na alam kong kwarto nya ang kyut pink and violet ang kulay

nangalkal sya sa kanyang damitan na sobrang laki parang kasing laki pa ng kwarto ganito pala sila kayaman katakot makasira, nang makakuha mabilis nyang ibinigay sa akin

tinignan ko ito ,not bad?

mabilis akong naghubad ngunit isusuot ko na sana ng seryosong nakatingin sya sa aking katawan

tila nakaramdam ako ng hiya dahil nakatitig talaga sya

"babae ka ba talaga?" seryosong tanong nya

tila nawalan ako ng dugo sa buong katawan ,anong sasabihin ko? fuck! ayokong malaman nya ang sekreto ko!

"ah..m oo babae ako heheh. di lang talaga ako pinalad na magkameron nyan" ani ko at turo sa bandang dibdib nya na may kalakihan

agad naman nyang tinakpan ang dibdib nya na may namumulang mukha

"hahah. wag ka ng magtakip makikita ko din yan" biro ko

sinamaan nya ako ng tingin na biglang nagpaurong ng dila ko dahil sa sama ng tingin nya

"heheh. biro lang" ani ko

"tapos ka na naman na siguro? makakaalis ka na" bored nyang ani.

tignan mo to matapos ginamit ako basta-basta nalang ako papaalisin

"oo na!" ani ko

sinamahan nya ako hanggang sa labas tumigil lang kami sa gate nila

"kung kailangan mo ng makakausap tawagan mo lang ako" nakangiting ani ko habang binigay ang cellphone ko

maarte nyang hinawakan ang aking cellphone

"seriously cellphone mo ang bulok nato?" maarte nyang ani

hinablot ko ang keypad kong cellphone

"grabe ka naman makalait atleast may cellphone kesa sa wala" sagot ko

she rolled her eyes bago hablutin ang hawak kong cellphone at nagtipa-tipa sya doon

"here" ani nya at bigay sa akin ng cellphone ko

masayang kinuha ko naman ito at itinago sa aking pedal(ung maong na short na hanggang lagpas tuhod😂 yon ba yon?😂)

"salamat sa oras kong sinayang ko sayo" biro ko

sasapakin na sana ako dahil alisto ako agad kong pinaandar ang aking bike. hindi ko na nagawang magpaalam dahil malayo na ako sa kanila

Finding My Mate (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon