[23]

6.7K 219 9
                                    

IORI

"Iori!!"

lumingon ako sa sumigaw,  "oh. bakit gina?" nakangiting tanong ko

"nabalitaan namin nangyare sayo kahapon kamusta ka pres.?" tanong ni janna

"wala yon" sagot ko

umiwas ako ng tingin at bumalik sa paglalakad na agad naman silang sumunod sa 'kin

"alam mo pres. yan talaga ang problema pag maganda ka pag-aagawan ka talaga" rinig kong turan nila

natawa ako sa sinabi nila,  "naku! wala kong pera panlibre sa inyo" natatawang sagot ko

"kahit di ka manlibre nagsasabi lang kami ng totoo ,maganda ka na nga gwapo pa pati headmistress nahumaling" dagdag ni gina

napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanila,  "kilala nyo ba?" kunot-noong tanong ko

umiling lang sila

"hindi eh. kaya nga kami naparito para magtanong" nakangiting turan nila

napasimangot nalang ako ng marinig ang mga sinabi nila mga chismosa,  lumapit ako sa kanila at inakbayan silang dalawa

"kayo talaga napakachismosa nyo bumalik na nga kayo sa classroom" utos ko

humiwalay sila sa akin, "sus! ang sabihin mo kabitera ka kasi" pang-aasar nila bago tumakbo palayo sa akin

napangiti nalang ako sa kakulitan nila ,kahit may sachismosa sila may pakinabang din pag minsan

iiling-iling akong nagpatuloy maglakad pada pumasok sa classroom namin nadatnan ko sila alyein nagkukwentuhan

"kamusta ang nathug of war?" bungad ni alyein

umupo ako sa tabi ni yannah,  "thug of war lang ang tatanungin nyo? pano ako?" aniya kong nagtatampo

"alam mo boi wala kaming pakialam sayo" ani ni pomee

sinamaan ko silang tatlo ng tingin ang sasama talaga nila mga walang kwentang kaibigan!,  nagtawanan lang sila na tila hindi natatakot sa sobrang sama na ng tingin ko sa kanila

"sayang di namin nakita kahapon anong itsura mo kaya habang pinag-aagawan?" alyein sabay hawak sa baba na parang  nag-iimagine talaga

"ewan ko sa inyo ako na nga nasaktan thug of war pa talaga iniisip nyo" nakasimangot kong turan

tinapik ni yannah ang balikat ko saka humarap sa 'kin,  "boi kaya mo na yon ,iniisip lang namin kung sino ang susunod na papaiyakin mo" nakangising turan nya


"angas ng mukhang' to paarbor boi" dagdag ni yannah at hawak sa mukha ko


i rolled my eyes, pati ang nanahimik kong mukha pagdidiskitahan na

"puro nalang kayo babae" iiling-iling kong sagot at tapik sa kamay ni yannah

"hindi magkakagulo ang lahi natin dahil lang sa mga adan ,isipin mo boi eva ka pero eva din ang nagkakagusto oh. diba? kakaiba?" alyein na parang si einstein kong mag-explain sa nonsense nyang pinagsasabi

Finding My Mate (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon