Prologue

29 0 0
                                    

Author's note:

Kung meron man pong nagaya na pangalan, lugar or kung ano man po hindi po iyon sinasadya. Maraming salamat! Enjoy reading!

If you want to answer some random questions for my upcoming stories and ask me some questions, follow me on my IG account @sonorousmind

Thank you!

~*~*~*~

Kadadating ko lang dito sa bahay ng makarinig ako ng nabasag sa loob kaya agad akong pumasok, at doon narinig ko na ang pag-iyak ni Coleen, nakita ko siyang nakaupo sa sahig ng kusina na katapat ng hallway. Agad ko siyang nilapitan bago pa siya makapagbasag ulit.

"Cole, anong nangyari?" Tanong ko agad pagkalapit ko kay Coleen. Pinaupo ko siya sa upuan sa kusina at ikinuha ng panibagong tubig.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Tristan. Pagod na pagod na ako." Sabi ni Coleen habang umiiyak.

"Wait lang ha." Sabi ko at pumunta agad ng pinto dahil narinig ko na papunta na ang mga member namin.

"Hi, Guys! Bukas na tayo mag-meeting maglilinis lang muna kami dito." Sabi ko at agad namang sumunod ang mga member namin kaya nakahinga ako ng maluwag. Pumasok na agad ako at ni-lock ang pinto.

Agad akong bumalik kay Coleen na kaninang pinigil ang iyak nu'ng narinig niyang may kausap ako sa labas.

"Now tell me what happened." Sabi ko pagkaupo ko sa tabi ni Coleen.

"Lagi na lang kaming nag-aaway tapos sa tuwing nag-aaway kami hindi naman naaayos kasi kapag nagsasabi ako ng problema lagi na lang niya akong pinababayaan, matutulog na lang daw siya at sinasabihan na ang sensitive ko, ang arte ko, iyakin." Sabi ni Coleen habang umiiyak siya.

"Ang sakit-sakit, Tristan." Huling sabi niya bago siyang humagulgol ulit.

Hinaplos ko ang likod niya para kumalma siya. Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak para kahit papaano kumalma siya.

Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak, napaka-gago naman ng boyfriend nito. Hindi niya alam na ibinibigay na niya lahat para sa kanya. Nakakabobo.

Gusto ko siyang iligtas.

Gusto ko siyang agawin sa boyfriend niya para hindi na siya nasasaktan ng ganito.





Will they fall in love with each other?

Or will they be forever be friends only?

Will he save her from pain?

Or will he be the one giving her another pain?

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon