5

5 0 0
                                    

Tristan


Nag-decide kami na si Coleen muna ang mag-practice kasama mga cast doon pati na rin supporting, ayun naman kasi talaga forte niya. Ako nandito kasama ko si Anton kasi mamimili kami ng mga maaayos na pictures.


"Tol, baka naman pwedeng papasa." Sabi ko at natawa siya.


"Pasimple ka talaga, may gusto ka ba sa kanya?." Tanong niya habang tinitignan mga pictures namin.


"Wag tayo magmadali, ayusin na natin 'to." Sabi ko at natawa siya. Namili na kami ng pictures na i-po-post sa page, pati na din 'yung gagawan ng tarpulin at posters.


Nag-e-edit lang kaming dalawa dito ng bigla kong maalala si Coleen. Kaya agad akong tumayo, kumuha ako ng panibagong bimpo at pinuntahan siya.


Nagtuturo pa din siya ng sayaw, napaka-strikta na naman niya. Kinuha ko siya ng tubig tapos bumalik ako sa practice room.


"Cole, stop muna." Sabi ko sa kanya at tinignan ang oras.


"Water break, 5 minutes." Sabi niya at agad namang na-break ang lahat. Inabot ko sa kanya ang tubig habang pinupunasan siya ng pawis sa mukha niya.


"Thank you. Kumusta posters?" Tanong niya pagkatapos niyang uminom at kinuha niya ang bimpo niya sa akin.


"Nakapili na kami, nag-e-edit na kami ngayon. Pati pang-countdown inaayos na din namin, pati 'yung tickets na ibebenta." Sabi ko at nag-thumbs up siya.


"Kaya pa?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Sakto nagdatingan na lahat ng performers kaya nagpaalam na din ako na babalik na ako sa pag-edit.


"Huli!" Sabi ni Anton at ipinakita sa akin ang picture ng pinupunasan ko ng pawis si Coleen, kaya natawa ako at binatukan siya.


"Napakabilis talaga." Sabi ko at natawa siya. Nag-edit lang kami dito hanggang sa nag-5pm na, kaya nag-uwian na sila. Hindi na sila naihatid ni Coleen sa labas kaya ako na ang naghatid sa kanila. Pagbalik ko sa loob nakita ko si Coleen na nakahiga sa sahig.


"Pagod na pagod ah." Sabi ko sa kanya at tinignan niya ako saka ngumiti. "So kumusta pagtuturo mo?"


"Ayon, enjoy! I'm happy kasi bumabalik na 'yung passion ko." Naka-ngiting sabi niya at kita din sa mga mata niya na masaya siya kasi parang kumikislap ang mga ito.


"Gusto mong makita 'yung posters?" Tanong ko at tumango naman siya.


Tinulungan ko siyang tumayo at pumunta kami sa kwarto. Ako kasi ang incharge sa mga ganitong posters, videos, and etc. kasi nga eto ang forte ko. Kaya pagdating sa kanya ng mga templates ok na, ready to post na.


"Ganda!" Sabi niya habang pumapalakpak. Ang picture na ginamit sa poster is 'yung magkayakap kami tapos magkatinginan.


"Ready to post na sa social media sites natin 'yan, tapos 'yung mga kailangan ilagay sa board, pinadala na namin sa 1st years para maidikit bukas." Sabi ko naman tinignan niya ako.


"Bilis ah." Sabi niya at kinurot ang pisngi ko na parang nanggigigil, napa-aray ako at natawa kami.


"Magluto na ako." Sabi ko at tumayo na.


"Tawagin mo na lang ako, practice lang ako." Sabi niya at tumango ako. Kaya sa kusina ang diretso ko tapos siya sa practice room.


Narinig kong tumutugtog ang Rewrite The Stars. Ayun kasi ang higlight ng play kaya pinaghahandaan talaga. Na-practice na din namin kantahin, kung paano na lang namin i-act at sasayawin.


Nagluto lang ako ng tuna sisig atsaka ng ramyun kasi maghahanap na naman ng sabaw 'to. Pagkatapos kong magluto pumunta agad ako sa practice room.


Nandito lang ako sa may pinto, di ako pumasok at pinanood ko siyang gawin ang gagawin namin mula umpisa hanggang dulo, pumalakpak ako at napatingin siya sa akin.


"Ayos ba?" Agad na tanong niya pagkakita sa akin.


"Yes, sobrang ayos!" Sabi ko at natawa siya, yinaya ko na siya kumain. Tapos ako na din ang naghugas ng pinggan habang nagpapababa kami ng kinain.


"Tris, 7pm start na tayo." Sabi niya at tumango ako.


"May mga pasaway ba kanina?" Tanong ko habang naghuhugas.


"Wala naman, kailangan ko lang maging strict para seryosohin nila, sumusunod naman, tapos 'yung sa props kanina madami na ding natapos, pati stage design pinaasikaso ko na din, binigay ko na din naman mga kailangan." Sabi niya at huminga ng malalim.


"Buti na lang talaga kasali ako dito sa SP. I mean, bukod sa eto talaga gusto ko, na-i-improve ko ang talents ko, at higit sa lahat nakakakalimot ako sa problema." Sabi niya at tinignan ko siya. Naka-ngiti siya at mukhang naka-move on na. Mag-2 months na naman eh.


"Cole, ikaw ba, open ka kung may manliligaw sa'yo?" Tanong ko sa kanya habang naglalagay ng tubig sa ref namin.


"Hmmm. Sa ngayon, hindi pa. Nakakatakot kasi. I mean mamaya gano'n na naman, hindi na naman ako maiintindihan. Maybe I should be with someone na may same na hilig, or priorities. Tapos maiintindihan ako gano'n" Sabi niya at pumunta ako sa harap niya.


"Alam mo dapat naman kasi sa love lagi kang iniintindi. Ikaw, diba lagi mo siyang iniintindi? Gano'n dapat 'yon." Sabi ko sa kanya at ginulo ng buhok niya.


"Wag mo na nga isipin 'yon, malulungkot ka na naman eh." Sabi ko naman at ngumiti siya.


"Ang drama natin tara na nga." Sabi niya at tumawa kami. Nagpunta na kami sa practice room para mag-practice.


Tinuro niya sa akin lahat ng steps, at nu'ng nag-last pose kami, nagtititigan lang kaming dalawa. Nakahawak kami sa pisngi ng isa't isa, ang lakas ng tibok ng puso ko.


Nawawala ako sa sarili ko, gusto ko siyang halikan, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na importante siya sa akin para hindi na siya malungkot.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon