18

4 0 0
                                    

Coleen


Intrams na nga ngayon at busy na ang lahat. Umiikot ako para kumuha ng pictures ng members namin, meron ding kumukuha ng pictures ayun naman 'yung mga kasama sa school paper namin.


Nu'ng natapos 'yung members namin na nag-perform, nilapitan ko sila at binati. Pinag-break time ko na muna sila tapos pinabalik ko din agad dito sa gym dahil kailangang manood dito.


Pagtingin ko sa pwesto ni Tristan hindi siya ang nakita ko, si Anton ang nandoon. Agad akong lumapit sa kanya.


"Tristan?" Tanong ko at kumamot agad siya sa batok niya.


"Sorry, Pres, hindi ko napigil sila Belle." Sabi niya na nakapagpakunot ng noo ko.


"Sila?" Tanong ko naman at tumango siya.


"Kasama ni Belle 'yung friends niya tapos isinama nila si Tristan." Sabi ni Anton at tumango na lang.


Nagpatuloy ang Intrams hanggang sa nag-lunch break kami. Hindi pa din bumabalik si Tristan. Kassabay ko ngayon sila Anton, Amy, at Lara.


"Ayaw niyo ba talaga mag-stay sa SP?" Tanong ko sa kanila habang kumakain kami.


"Hindi ako pwede, Sis." Sabi ni Lara.


"Ako din, Coco, walang kasama si Lola sa bahay." Sabi naman ni Amy at tinignan ko si Anton.


"Di ako pwede ngayong gabi but susubukan ko bukas." Sabi niya naman kaya nakahinga ako ng maluwag.


"Ok sige, bukas ha. Thank you, Anton." Sabi ko at tumango siya. Nararamdaman kong nagtitinginan sila at parang nag-uusap sila ng gamit ang mata.


"Wag na kayo magtinginan, sabihin niyo na." Sabi ko naman at uminom ng tubig. Narinig kong nagbuntong-hininga pa sila, tapos siniko ni Lara si Amy.


"Ano ba nangyari sa inyo ni Tristan?" Tanong ni Amy sa akin. Umiling ako.


"Wala naman, ayoko lang na bigla-bigla siyang umaalis ng walang paalam lalo na't may trabaho tayo dito." Sabi ko naman at kumain pa.


"Ahm. Coleen." Tumingin kami sa tumawag. Si Renzo pala, 'yung kaibigan ni Tristan, kasama din si Luis.


"Oh, hi, bakit?" Tanong ko sa kanya.


"Itatanong lang sana namin kung alam niyo kung nasaan si Tristan." Sabi ni Renzo ulit at ngumiti ako sa kanya.


"Hindi eh, pero kasama naman niya 'yung girlfriend niya." Sabi ko naman at halatang nagulat sila.


"Girlfriend? Eh diba-" Hindi natapos ni Luis ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Renzo ang bibig nito.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon