20

3 0 0
                                    

Coleen


Paggising ko agad akong nakaamoy ng nagluluto kaya agad akong bumangon at lumabas. Pumunta agad ako sa kusina at nakita ko si Tristan na nagluluto. Ang seryoso niya tignan sa ginagawa niya.


Maya-maya pa tumingin na siya sa akin kaya agad siyang nag-ayos ng lamesa.


"Good morning, Cole. Upo ka na, malapit na 'to." Sabi naman niya kaya umupo ako. Maya-maya pa nakarinig na ako ng pumapasok ng bahay kaya sumilip ako habang nakaupo kasi kita ang pinto mula dito. Binabati nila ako kaya kinakawayan ko sila.


Pumapasok na sila sa practice room nila tapos biglang dumating si Amy at Lara na sumisinghot pa. Naaamoy nila siguro niluluto ni Tristan. Agad silang pumunta dito at tinignan nila ako na parang gets na nila.


"Hoy, Tristan!" Tawag ni Lara kay Tristan kaya tumingin siya. Sinamaan nila ng tingin si Tristan kaya napakamot siya sa batok niya.


"Sorry, Amy and Lara. Thank you din kasi hindi niyo pinabayaan si Coleen nu'ng wala ako." Sincere na sabi niya naman at nag-thumbs up 'yung dalawa pero masama pa din ang tingin pagkalabas nila tinignan nila ako at inaasar ako dahil hindi na naman sila kita ni Tristan.


"Ay, Guys! Pasara ng pinto baka may pumasok na langaw!" Sigaw ni Tristan na siniguro niyang rinig hanggang labas. Medyo natawa ako sa sinabi niya, pero pinigilan ko.


"Sorry, langaw, you can go now." Sabi ni Amy at ini-lock ang pinto. May code naman sa katok ng SP atsaka kita sa bintana kung sino ang kumakatok.


Tumingin sila sa akin at nag-thumbs up. Mga sira talaga, nag-practice na sila ng banda sa sala kasama ng ibang singers. Sila din bantay sa pinto, hindi nila pinapansin ang nagwawalang Belle sa labas.


"Hindi mo ba kakausapin si Belle?" Tanong ko naman at umiling siya kaagad.


"Ayaw." Sabi at inayos na ang lahat ng niluto niya. Kaya naman pala ang tagal. Kimbap, ramen, at egg rolls ang niluluto. Tinatago pa niya sa akin kanina, pero 'yung ramen hindi niya natago kasi naaamoy ko.


"Ubusin mo 'yan ha." Sabi niya at ipinagkanaw ako ng hot choco. Nagsimula na ako kumain at biglang may nagsigawan na parang nagwagi sila dito sa kusina. May nagyayakapan pa kunwari at nag-iiyakan.


"Hey! Hey! Kalma! What happened?" Sigaw ko at tumahimik sila.


"Bati na kayo!" Sigaw nila at nagyayakapan naman kaya napa-face palm ako.


"Kuya! Kakalbuhin ko na 'yung babaeng 'yon!" Sabi ng isa dito kaya natawa ako.


"Oy, shhh. Bad 'yon ha." Natatawang sabi ko kaya tumawa sila.


"Bumalik na kayo doon, kumain kayo kung hindi pa nag-aalmusal." Sabi nila at ginawa naman nila. May mga kumukuha ng tinapay dito at kumakain.


ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon