1

16 0 0
                                    

Coleen


"Kaya ka ba nanghingi ng space para diyan sa hayop na 'yan?" Sigaw ni Noel over the phone. Humiga ako sa kama ko at huminga ng malalim.


"No, kaya ako nanghingi ng space para mag-isip." Sabi ko.


"Tanginang 'yan, kung maglalandian kayo sana in-inform mo ako." Sabi niya at napahilamos na lang ako sa mukha ko.


"Alam mo 'yung pagkakaiba ng importante sa pakikipaglandian? Importante 'yung nilakad namin kanina dahil para sa Supreme Performers 'yon. Tangina naman lahat na lang." Sabi ko naman at napamasahe ako sa sentido ko.


"Kitang-kita ko lahat kaya wag ka na magkaila." Sabi niya naman at umirap ako.


"Kita mo naman pala lahat eh, ikaw lang nagbigay malisya. Bahala ka nga may gagawin pa ako." Sabi ko at ibinaba na ang tawag. Ch-in-at ko si Tristan sa ibang account ko kasi alam ni Noel 'yung isang account ko.


Tris, nainis na ako.


Tristan: Ha? Saan?


Nakikita niya nga pala 'yung

pictures na s-in-e-send ko.


Tristan: Oh, ano sabi? Inaaway

ka na naman no?


Yep, eh hayaan mo siya,

mag-asikaso na tayo ng gagawin.


Nag-ayos na kami ng mga kailangan para sa Supreme Performers namin. Nakipag-chat na ulit ako sa gc namin, gusto kong mag-focus pero nag-aalala ako para kay Tristan, baka mamaya makita siya ni Noel at saktan siya.


Pagkatapos namin mag-usap sa Supreme Performers, huminga ako ng malalim dahil nakita ko na naman ang chats niya.


Noel: Hindi mo talaga ako papansinin ano?


Ikaw, tumigil ka nga. Ang dami kong

kailangan gawin at isipin.


Noel: Dumadagdag pa ako?

Eh, malamang boyfriend mo ako.

Dapat nga ako inaasikaso mo.


Hindi pa naman kita asawa,

oo isa ka sa priority ko pero

tangina naman, kailan ko ba

mararamdaman 'yang suporta

mo sa lahat ng ginagawa ko?


Noel: Gusto mo 'yan diba?

Sinusuportahan ka naman.


Tangina, support ba 'yung halos

araw-araw mo akong sinusumbatan

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon