2

8 0 0
                                    

Coleen

Pagdating namin sa isang overlooking tumigil na siya at ipinarada ang motor niya. Bumaba na kami at parehong tumingin sa malayo.

"Mas maganda dito sa gabi kaso ang tagal pa natin maghihintay ang aga pa." Sabi niya pagkatabi niya sa akin.

"Ok lang, atsaka peaceful naman tignan." Sabi ko at tumingin sa malayo. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nag-decide ako na mag-kwento.

"Ang sarap pala sa feeling na napalaya ko 'yung sarili ko sa isang nakakasakal na relasyon. I mean hindi na ako masaya, I don't feel loved anymore, pero pinagpatuloy ko kasi akala ko magbabago, pero tangina hindi pala." Sabi ko at huminga ng malalim.

"I didn't know what to do anymore." Naramdaman kong inakbayan niya ako na para niya akong yinakap.

"Alam mo 'yon, sa dami ng pinagdaanan ko noon sa love ewan ko ba, hindi pa din ako natututo."

"Kalma ka na, basta ngayon wag ka muna pumasok ulit sa relationship, enjoy ka lang." Sabi niya at tumingala ako para tignan siya. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako. Tumingin siya sa malayo.

"Basta kahit anong mangyari dito lang ako sa tabi mo, di kita pababayaan, pro-protektahan kita sa lahat." Patuloy niya at ginulo ang buhok ko kaya hinamapas ko siya at tumawa kami pareho.

"Tara kain tayo." Yaya niya at naglakad na.

"Libre mo?" Tanong ko sa kanya at binelatan niya lang ako. "Ano ba 'yan." Tinawanan niya at sumakay na kami ng motor para umalis at kumain.









Pagdating ko sa bahay ng Supreme Performers agad akong pumunta sa practice room number 1, kasi nga may performance ang Supreme Performers namin. Inayos ko na 'yung lugar na pagsasayawan ng mga dancers. Ako ang president nito and si Tristan ang vice president. Maya-maya pa dumating na si Tristan na may dalang burger.

"Di ka na naman nag-almusal no?" Tanong ko sa kanya at tumawa siya.

"Yeah, atsaka sa'yo 'yung isa diyan." Sabi niya.

"Thank you." Sabi ko at kumain din. Maya-maya nagdatingan naman ang mga mag-practice ng sayaw.

"Ang aga nag-da-date kayo diyan ha." Sabi ng isang member namin at natawa kaming lahat.

"Anong date? Mga sira, practice na." Natatawang sabi ko at nagsimula naman na sila.

Etong pinag-pra-practice-an namin kalapit lang siya ng school, pero hindi sa school 'to, ang alumni namin mismo ang nag-ipon para dito sa maliit na bahay.

May dalawang practice room dito, meron ding dalawa pang kwarto para sa mga matutulog dito at meron kaming kwarto para lang sa mga costumes namin.

"Cole, may inumin ka diyan?" Tanong niya at inabot ko naman ang inuman ko sa kanya, pagkatapos ako naman ang uminom.

"Ang sweet." Sabi ni Ate Mina pagpasok niya. Tumawa kaming tatlo. Binati siya ng mga member namin sa SP na nag-practice ngayon at gano'n din siya.

"So, kayo na?" Tanong ni Ate Mina at naupo sa gitna naming dalawa.

"Lah, si Ate." Sabi ni Tristan kaya natawa si Ate.

"Oh, bakit? Pwede naman na ah, single na naman si Coleen." Sabi ni Ate Mina.

"Ate Mina, kaka-break lang nila last month wag ka ngang magulo." Sabi ni Tristan at natawa si Ate Mina pati na rin ako.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon