19

4 0 0
                                    

Coleen


Nu'ng narinig kong nakaalis na sila Tristan lumabas na ako ng kwarto para kumain at maligo. Nakita ko si Anton kaya tinanguan ko lang siya. Kumain ako ng tinapay na nandito sa kusina tapos naligo lang.


Pagkatapos ko nag-blower lang ako at nag-work-work na ulit kasama si Anton. Nandito na din ang buong Supreme Band kaya binati nila ako, binati ko din sila.


"Coco." Tawag ni Amy at tinignan ko siya, inabot niya sa akin ang hashbrown, bacon atsaka itlog.


"Kumain ka, niluto ko 'yan, baka mamaya hindi ka kumain eh." Sabi niya at inilapag ang pagkain, nag-thank you ako sa kanya tapos nagpunta na sila sa sala para mag-usap-usap ng set nila ngayon.


Kumain na ako habang nag-aasikaso ng nasa laptop ko. Pagkatapos ay pumunta na kami agad sa school para mag-asikaso na. Pagdating namin nagsimula na agad kami na mag-asikaso dito.


Hanggang sa lumipas ang tatlong araw na laging wala si Tristan kaya nasanay na lang din ako na wala siya dito. Lagi niya din akong hindi naaabutan sa dito, pagdating niya laging naka-lock na ako sa kwarto, tapos kapag umaalis na sila saka lang ako lumalabas ng kwarto.


Ngayon nandito ako sa sala kasama ko si Anton na nag-aasikaso ng pictures at videos, last day na bukas ng Intrams at di na namin inaasahan na mag-take over siya pero nagulat kami ng bigla siyang pumasok. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang.


"Pres, bibili lang akong dinner." Sabi niya at magsaslita pa sana siya ng bigla siyang lumabas saka isinara ang pinto, babayaran ko na lang siguro siya pagbalik niya.


"Cole." Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.


"Cole." Tawag ulit niya pero hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa kwarto. Bago ko pa maisara ang pinto naharang niya na 'yun kaya hinayaan ko na siya.


"Cole, pansinin mo ako." Sabi niya pero hindi ko pa din siya kinakausap. Tatayo na sana ulit ako pero napigilan niya ako kaya umupo ulit ako. Bumuntong-hininga siya at yinakap ako.


"Sorry." Sabi niya kaya bumuntong-hininga ako.


"Tristan, kasi sana hindi ka na nag-commit na ikaw ang mag-video para si Anton na agad in-assign ko. Pwede mo naman sabihin na makikipag-date ka kay Belle o sa mga kaibigan niya. Wala naman akong pakealam kung mahilig ka sa mga beauty queen." Sabi ko. Huminga siya ng malalim saka siya umayos ng upo.


"Sorry, hindi ko naman alam na hahatakin nila ako. Atsaka, Cole, hindi ko sila type." Sabi niya.


"Hindi mo sila type pero limang araw sila ang kasama mo, pwede ka naman tumanggi ah." Sabi ko naman at tumungo siya.


"Sorry, Coleen. Sorry, hindi ko na uulitin. Please, patawarin mo na ako." Sabi niya at biglang lumuhod sa harap ko.


"Tristan, wag ka sa'kin mag-sorry. SP ang hindi mo sinisipot pati na din ang attendance mo." Sabi ko naman. "Atsaka mukhang nag-enjoy ka naman."


"Coleen, hindi ako nag-e-enjoy. They're forcing me to do things." Sabi niya at napatingin ako sa kanya.


"Kung ang iniisip is 'yung rated spg, no, hindi 'yon, I swear." Sabi niya at tumango ako.


"Coleen, please." Sabi niya habang nakaluhod pa din at hinawakan niya ang tuhod ko.


"Fine, basta wag mo na uulitin and hindi pa tayo sobrang bati. Hayaan mo ako bumwelo." Sabi ko at lumiwanag ang mata niya, tumayo na ako para maggawa na ulit. Paglabas niya sakto dumating na si Anton.


"Ok na kayo?" Tanong niya at nagtinginan kami saka tumingin sa kanya.


"Please lang magbati na kayo. Ang hirap kaya! Nagtataka na ang buong SP! Pati ako na-li-link na kay Coleen." Sabi niya at tumingin siya kay Tristan na matalim ang tingin sa kanya. Lah? Kala mo talaga.


"Tapos ikaw! Sabi nila ginagamit mo lang si Coleen at si Belle talaga ang gusto mo! Babaero ka din daw kasi ang dami mong kasamang babae!" Sabi niya kay Tristan at inilapag ang pagkain sa mesa sa sofa.


"Magbati na kayo!" Sabi niya at namaywang pa.


"Ikaw, Tristan! Umayos ka nga! Kung ayaw mo talaga sumama sa kanila wag ka sumama! Hindi lang si Coleen ang nasasaktan pati ang SP! Diba banned na nga dito si Belle? Baka mamaya kaya lang sumasama sa'yo 'yon dahill gusto niyang bumalik dito. Baka iniisip niya na makakaya mong baliin 'yung batas natin na gano'n." Sabi ni Anton at naupo.


Nakatingin lang kami sa kanya tapos umupo si Tristan sa tabi niya. Inakbayan niya si Anton.


"Pre, kalma, bati na kami pero kailangan ko bumawi." Sabi ni Tristan at tumingin siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.


"Kaya wag ka na magwala diyan." Sabi ko at natawa ng kaunti. Tinignan niya kami ng salitan ni Tristan.


"Lintek, di niyo naman sinabi agad!" Sabi niya at inabot ang binili niyang dinner sa amin. Nag-abot ako ng bayad pero tinanggihan niya kaya di ko na siya kinulit, nag-thank you ako.


"Aba! Ikaw diyan ang biglang nagsisisigaw!" Sabi ni Tristan habang inaayos ang pagkain niya.


"Aba! Sino ba dito may kasalanan bakit ako nagsisisigaw?" Sabi naman ni Anton at natahimik si Tristan kaya pinigilan ko ang tawa ko. Napatingin sila sa akin pero nagtinginan ulit.


"Sorry na, Anton. Wag ka na magselos." Sabi ni Tristan habang yinayakap si Anton kaya tinutulak naman siya ni Anton.


"Hoy! Tigilan mo nga ako!" Sabi ni Anton habang tinutulak pa din siya, pero tumigil si Tristan ng bigla siyang may naisip.


"Baka nalilimutan mo may kasalanan ka din sa akin." Sabi ni Tristan at nagtitigan na naman sila.


"Sorry na, Tristan. Wag ka na magselos. Spare my life." Sabi niya at lumuhod pa sa harap ni Tristan.


"Sige na, quits na tayo." Sabi ni Tristan at nag-away na naman sila dito sa harap ko.


Hay nako, makapag-harutan talaga sa harap ko mga bwisit.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon