Chapter 19: Trizia's side

1.5K 9 0
                                    

Buong klase, imbis na nakikinig sa klase itong katabi ko, aba'y heto ang Macaroon, nakatitig lang sa akin.Ang swerte ko ba? Mukha nga! Kasi imbis na nakikinig din yung mga kaklase ko, heto pinapatay na nila ako sa titig.

Guys naman eh!!! Alam ko namang maganda ako. Alam ko na yan since the day I was born. Wag nyong masyadong ipahalata, baka ipagkalat ng mga nagbabasa. Kung yelo lang ako, malamang kanina pa ako natunaw at minop ng janitor. :(

Pagkaalis ni Ms. Camposano nagulat ako nang biglang tumayo si Cameron at pumunta sa harapan.

"Mika, can we go and eat lunch together?" tanong nya sa harap LANG naman ng buong klase.

"NOPE!" sagot ko. Hindi naman sa nagmamaganda ako (di ko na kailangan). Guys, nakalimutan nyo na bang may usapan kami ni Trish na magkikita kami mamaya. Mas bukal pa sa loob ko ang tanggihan si Cameron kaysa indianin si Trish no!

Nagulat ang lahat ng kaklase ko sa sagot ko at kahit ung ibang taong nasa labas ay nagulat din. Ano ba? Nakakagulat na ba ang kagandahan ko? Err. Bago pa makapagreact tong si kano, inunahan ko na.

"I have to go somewhere. It's urgent. I'll go first!" sabi ko sabay alis. 

"I am willing cam, you don't have to ask me."

"I can go lunch with you. Come on!"

"That effin' girl is crazy."

Rinig ko pa yung mga sinasabi ng mga classmaes ko. Alam nyo, hindi ko lubos maisip na sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa dyan kay Cam, eh ako pa ang ginusto. Although alam kong maganda ako...joke! Haaaaaaayyy Cameron Dallas, you deserve someone better, better than me.

Kumain muna ako ng lunch saglit at dumeretso na agad sa park. Kahit malapit lang yung bahay namin sa park, hindi muna ako umuwi. Baka kasi nandun na si Trish or worst baka kasi hampasin ako ng nanay ko dahil hindi ako nagpractice.

Nagulat ako nang pagdating ko, nakita kong nakaupo na doon si Trish. Aba, inaagaw ata ang korona ko bilang early bird.

"hey Trish! Kanina ka pa ba dito?" agad kong tanong sa kanya para maramdaman nya ang presence ko.

"ah hindi Miks! Kadadating dating ko lang din." sagot nya.

"Ah Trish kaya mo ba ako niyaya dito kasi namimiss mo na si Kiefer? Sorry ha? Wala kasi akong balita sa kanya eh." sabi ko sa kanya swinging my feet. 

"Actually Miks, it's not that. Obviously you dint know that we're over." sagot nya na parang natawa.

The Unspoken Words of Kiefer RavenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon