Uulitin ko. NO SOFT COPY! THANKS :)
------------------------------------
"HUWAAAT?!!" halos mabingi ako sa sigaw ni Carnleigh. OA?."TOTOO?!!"
"Hinahan mo nga ang boses mo, andito lang ako sa harap mo oh" sabi ko at uminom ng soft drinks.
"So totoo nga?! My ghod! Paanong? HIN-" bago pa niya matapos ang pagsigaw niya ay tinampal ko ma siya ng tinapay na binili ko.
"Oo nga, totoo nga" aniya ko sa kanya.
Kung naguguluhan kayo sa pinaguusapan namin ay ieexplain ko sa inyo.
Kasi naman ang paborito naming boy band ni Carnleigh ay naghahanap ng bagong member kaya naman ang kuya or should I say na ang kambal ko ang napili dahil nga sa mala anghel niyang boses kaya siya napili.
Oh naka bold pa yan ha para alam na alam niyo.
"Waaaahh!! Magiging Fan narin ako ng kuya mo Shine!"aniya at sumubo ng isang malaking tinapay.
Napatawa na lang ako sa inasta niya. Ganito talaga kami. Maingay, walang paki alam sa paligid namin kung may naiinis na sa kaingayan namin, basta kami masaya kung anong ang ginagawa namin. Go lang! Keribels lang namin yan!
"OA nito, bukas na ang punta ni Kuya sa company ng 'CP Band' "
CP Band= Cookies Popcorn Band (A/N: bawal umangal papatayin ko. Joke)
"Waaah! Oh Em Gee! ang swerte natin dahil Kuya mo ang bagong member ng CP, so it means pwede tayong pumunta sa kinaroroonan nila. Waaaah!! I can't wait!"
Binatukan ko siya dahil sa ingay niya. My ghod! Andito kami sa Coffee Shop malapit sa bahay namin at pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa kabaliwan naming dalawa.
"Hinahan mo nga ang boses mong bobita ka, nakakahiya ka!" aniya ko sabay flip ng hair at kain ng tinapay na kinakain ko pa kanina.
"Masaya lang, ano ka ba! Maki ride ka naman"aniya at kumain narin.
Matapos ang pag uusap namin doon sa Coffee Shop ay napagpasyahan namin na pumunta sa Mall para magliwaliw sa aming sarili.
"Punta tayo sa bahay niyo mamaya girl!" aniya.
Napatingin ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.
"At bakit naman aber?!" tanong ko dito.
"Para makapagpapicture! Para kapag sumikat na ng husto ang Kuya mo may ipagmamayabang ako sa kapit bahay namin na may picture kami ng Kuya mo!" aniya. Kulang na lang tumalon siya sa harap ko dahil sa tuwa.
"Nababaliw ka ng babae ka" sabi ko.
Fan rin naman ako ng 'CP Band' pero hindi ganitong kabaliw sa kanila. Hindi iyong maglalagay ako ng picture nila sa kwarto ko at punuin ito, hindi tulad ako nito na punong puno ang litrato ng kwarto niya at ng phone niya. May time na pumunta ako sa bahay nila at pinapasok niya ako sa kwarto niya at pagbukas pa lang ay mga litrato na ng tatlong 'Hot' na lalaki ang bubulagtang sayo. May mga tshirt rin siya na pinagawa na puro mukha ng mga tatlong 'Hot' na lalaki ang nandun.
"Ano kaba girl. Chance na ito" aniya.
Napangiwi ako sa sinabi niyang iyon.
"Gawin mo ang gusto mo" aniya ko sa kanya. Halos mag ningning ang mga mata niya matapos ko iyong sabihin.
Wala naman kaming binili sa Mall. Kumain lang kami sa Food Court doon at pumunta kami sa bahay.
Halatang excited ang gaga dahil over kung maka lagay ng lipstick sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
He's a GIRL [COMPLETED]
JugendliteraturLalaki sa Lalaki pwede kaya? Hindi naman sa tunay na lalaki siya? Nagpapanggap lang para sa pangarap ng kakambal niya. Pwede kayang mainlove ang lalaki sa isang nagpapanggap na lalaki?