Pagkarating na pagkarating namin sa tapat ng bahay ay ahad na akong bumaba habang hawak hawak ko ang mga bagahe ko. Nagpasalamat lang ako sa Driver at agad naring pumunta sa loob ng bahay.
Pagpasok ko ay nakita ko angvkabuuan ng bahay. Iginala ko ang mga mata ko dito. Ang tahimik hindi tulad sa bahay nila Brylle. Gustuhin ko mang hindi umalis pero kinakailangan, dahil hindi naman ako ang tunay na Sky.
Umupo muna ako sa sofa at napatunganga sa taas ng kisame. Back to normal nanaman ngayon. Walang mga lalaki, walang makukulit at walang maiingay.
Namimiss ko na agad ang tatlong iyon.
Tumunog nanaman ang Cell Phone ko kaya naman kinuha ko sa bulsa ko pero bago ko pa sagutin ay tinignan ko kung sino ang tumatawag.
Brylle Calling....
Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko pa ito, pero pinindot ko ang green botton at dahan dahan kong inilagay sa tainga ko para marinig ang sasabihin niya.
"Sky, where are you?mahinahon na tanong niya hindi tulad kanina. Tinatawa niya parin ako sa pangalan ng Kuya ko kahit alam na niya ang tunay kong pangalan.
"U-umuwi na ako... I'm sorry kung hindi ako nakapagpa alam sa inyo ayaw ko nang gambalain pa kayo"sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, pero baka sa nangyari lang kahapon sa mga nalaman ko tungkol sa mga magulang ko.
"what?"narinig kong bulong niya sa kabilang linya."Kailan ka babalik dito?"direstsong tanong niya.
Huminga ako ng malalim bago sinagot ang kanyang tanong.
"H-hindi na ako babalik pa jan dahil ang totoong Sky na ang pupunta jan"
Matapos ang pag uusap namin sa phone ay agad akong pumunta sa kwarto ko at agad binagsak ang sarili ko sa kama habang nakatingala ako sa kisame.
Brylle's Pov
Ganun na lang ba iyon?
Mag mamaka awa siya tapos aalis lang pala siya? Sana hindi na lang siya nag maka awa total aalis lang naman pala siya!
Nahiga na lang ulit ako sa kama ko habang hawak hawak ko ang phone ko at nakatitig ako sa screen nito, hoping na magtxt siya.
Paano kaya kung pumunta ako sa bahay nila ngayon? Napangisi na lang ako sa naisip ko. Agad akong tumayo at pumunta sa closet ko para pumili ng damit na isusuot ko. Yes, I like her so dapat ngayon pa dapat ako ang maun sa kanya baka ma agawan pa ako.
Nagbihis na ako. Simple lang ang suot ko. Kinuha ko ang cap na nasa gilid ng table ko at agad na lumabas. Bago ako pumunta sa bahay nila Sky ay pumunta muna ako sa mall para bumili ng Wig na para kay Sky gusto kong yayain siyang lumabas, kumai, mamasyal o ano pa basta kaming dalawa lang ang magkasama.
Bumili ako ng Wig na para sa kanya. Yung sakto sakto lang sa kanya. Nang natapos ko ng nakuha ang pinamili ko ay agad na akong pumunta sa bahay nila.
Pipindutin ko na sana ang door bell ng bigla siyang lumabas at nagulat siya ng nakita niya ako kaya naman agad niya akong pinuntahan at pianapasok sa loob ng bahay nila.
"What are you doing here?"tanong niya sa akin.
"I am going to court you"at kinindatan ko siya. Nakita ko namang namula siya.
-------------------------------------------
A/N: Short Update. Masakit ang ulo. Tomorrow hahabaan ko ang Update ko. :)
BINABASA MO ANG
He's a GIRL [COMPLETED]
Teen FictionLalaki sa Lalaki pwede kaya? Hindi naman sa tunay na lalaki siya? Nagpapanggap lang para sa pangarap ng kakambal niya. Pwede kayang mainlove ang lalaki sa isang nagpapanggap na lalaki?