Matapos naming mag ayos ng Designer ko ay lumabas na kami sa Dressing Room at pumunta kami sa Dance Room. Nakita namin ang mga kasamahan ko na naka upo at umiinom nh kanya kanya nilang tubig. Mukhang pagod na pagod sila sa pagprapraktis namin. Lumapit sa akin si Kevin habang may towel sya sa kanyang balikat.
"Nakita mo ba si Brylle?"tanong ni Kevin sa akin.
Lumilinga linga ako sa paligid para hanapin si Brylle pero wala akong makitang Brylle doon. Umiling ako sa kanya bilang pagsagot ng kanyang tanong.
"Asan ba yun?"tanong niya.
"Hindi ko alam baka nasa hmm.. sa Dressing room? or what? baka nag cr lang.. bakit mo siya hinahanap?'
"Wala lang."sabi niya. Tinapik niya ang balikat ko bago umalis sa harapan ko.
Mabilis na natapos ang praktis namin kaya nagpahinga muna sila. Lumapit sa akin ang manager ko. Tumingala ako sa kanya.
"Ma una kanang maligo. Doon ka sa 3rd floor wala namang masyadong gumagamit iyon"aniya. Tumango ako sa kanya at tumayo papunta sa bag pack ko para kunin iyon. Isinuot ko na ang bag ko at pumunta na ako sa 3rd floor.
Miggy's Pov
"Bro, sabay sabay na tayong maligo"sabi ng kasamahan namin na si daren. Tumango ako sa kanya. iginala ko ang paningin ko sa room.
'Asan si Sky?.Sana naman nauna na siyang maligo.'
Inayos ko muna ang gamit ko bago lumabas ng room.
"Hindi daw pwede ang liguan dito sa 1st floor sa 3rd floor daw tayo"ani nathan. napatingin ako sa kanila. Posible kayang nasa 3rd floor si Sky naliligo? Dapat ko silang maunahan para hindi siya mabuko. agad kong sinuot ang bag ko at tumakbo papuntang 3rd floor.
Huli na ang lahat. Andun na ang iilang mga kasamahan namin. nakahubad sila naka topless. Asan si Sky dito? Dapat ko siyang mahanap agad bago mahuli ang lahat.
Sky/Sunshine's Pov
Pinunasan ko ang buhok ko gamit ang maliit kong towel. Kinuha ko na rin ang maliit na balde kung nasaan nandun ang under wear ko na ginamit. Lumabas na ako ng banyo pero laking gulat ko nakita ko ang mga lalaking naka TOPLESS. gad akong tumalikod pero nagulat ako ng may naglagay sa ulo ko ng towel.
"You must be out of here right noe before your dirty little secret revealed"humalakhak siya ng mahina sa akin. Tinignan ko kung sino iyon. Si Miggy."Umalis ka na baka mabuko ka pa"aniya at pinat niya ang ulo ko at inalalayan ako patungo sa labas.
Yumuko ako sa kanya at nagpasalamat. Dumiretso ako sa pool para doon magpatuyo muna. Mejo madilim sa pool pero ok lang. Mas ok ito para walang makakita sa akin. Tinanggal ko ang damit ko kaya yung nakabarabad lang sa aking katawan ang suot ko at naka half pants ako. Sinampay ko sa isang bleachers ang damit ko. Kinuha ko naman ang maliit na balde at nilagyan ng tubig sa pool para lahan ng kaunti.
Habang naglalaba ako ay may narinig akong nagsasalita papunta sa pool.
"Dito ko ata nawala yun"ani ng isang lalaki.
Hindi na ako nag alinlangan pa kaya naman tumalon ako sa pool at lumubog. Wala rin lang naman akong pagtataguan kaya ito lang ng pwede. Pipigilan ko ang paghinga ko hangga't kaya ko. Hindi dapat ako mabuko. Hindi!
Pilit kong pinagkakasya ang hangin na nasa bibig ko. Sana umalis na sila!
Brylle's Pov
Agad akong nagtungo kung saan para hanapin ang Sky na iyon. Hindi mo na akmi maluluko dahil alam ko na kung sino ka. Alam ko na ang totoo mong pagktao. Magpakita ka.
BINABASA MO ANG
He's a GIRL [COMPLETED]
Teen FictionLalaki sa Lalaki pwede kaya? Hindi naman sa tunay na lalaki siya? Nagpapanggap lang para sa pangarap ng kakambal niya. Pwede kayang mainlove ang lalaki sa isang nagpapanggap na lalaki?