CHAPTER 24

299 13 0
                                    

I stare at the soldiers preparing their armors for war against the giants. Lahat sila ay naghahanda na para sa pakikipag digma. Kanya-kanyang handa sa sarili para sa kanilang kaligtasan.

"Ten thousand soldiers will be marching to the front gate........."

Kanina pa tinatalakay ni Larco kong ano ang mangyayari pagsapit ng araw bukas kasama ang ilang mga heneral ng Elviticus. Naghahanda na rin si Verleen sa kanyang susuotin na armor bukas na kanina pa pinapakiusapan ni Cerberus na hindi sumama sa digmaan.

"I am born for this Cerberus, you should understand."

Ilang daang beses naba sinabi ni Verleen ang mga salitang iyan sa araw na ito. Habang ilang daang beses na ring pilit na sinasang-ayonan ni Cerberus ang saad ni Verleen pero bumabalik pa rin sa kanyang tanong.

I turn my gaze to the people of Elviticus. Sana hindi umabot sa punto na maging ganito ang syudad. Maraming mga buhay ang masasayang dahil sa kasakiman sa kapangyarihan.

"Priestess Agnes."

I turn around and saw the same two young women who have served me for a couple of days in Elviticus. May dala silang armor na sa tingin ko ay mabigat base na rin sa kanilang mga pilit na ngiti habang pinapakita sa akin ang susuotin ko daw ayon sa hari.

"She don't need it."

Pagtataboy sa kanilang dalawa ni Angus na ngayon ay natatawang nakatingin sa kanilang pagtalikod na halos ibagsak na ang mga armor sa bigat. Mahina niyang tinapik ang ulo ni Draco nasa aking mga bisig. Tiningnan lamang siya nito ng panandalian at inilipat ang kanyang mukha sa ibang bahagi na hindi siya kita nito.

"He is a snob just like his mom." natatawang saad ni Angus sabay akbay sa akin.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa hindi na siya katulad nina Eulises at Larco na nakasuot na ng damit pandigma. He look at me with the same intensity of glares maybe trying to read what I am thinking.

"Its just so weird because I can't read your thoughts anymore."

Napakunot ang aking noo, kaya pala hindi ko na nakita ang kanyang mapang-asar na tingin kapag may naisip akong hindi maganda lalong-lalo na siguro kong nakita niya ang nangyari sa pagitan namin ni Larco.

"Bakit hindi kapa nakasuot ng armor?'' tanong ko sa kanya.

He snorted.

"Why would I need it?"

I roll my eyes.

Bahagya akong napatingin sa likuran ni Angus. I raise my brows. Tinutulungan ni Larco na magsuot ng armor si Ophelia dahil halatang nahihirapan siya. Hindi sanay si Ophelia sa mga ganitong bagay dahil lumaki siyang normal na mamamayan ng syudad pero hindi ito naging hadlang para mahasa niya ang paggamit ng kanyang kapangyarihan na malaki rin ang naitutulong sa aming paglalakbay.

I look at the huge number of elves waiting for their commander's orders. Walang kinukunsente pagdating sa digmaan. Maraming namamatay, may mga asawang nabibyuda, mga anak na nawawalan ng magulang. Either for the people, for survival, or for freedom. Either they stand victorious, got defeated, lost their comrades. War is war. Death is death.

And the people of Elviticus is not just fighting for themselves but for their survival. Believing in the power of goodness will lead them victorious against the one who kill the innocent just to attain power, sovereignty, and respect.

Kasama ang ilang mga heneral tumayo sa isang nakataas na plataporma si Larco at humarap sa sampung libong sundalo na umaasa sa tagumpay ng kanyang pamumuno.

"Tomorrow before the sun sets, the kingdom of giants will fall." malakas niyang sigaw sabay taas ng mga sundalo ng kanilang sandata bilang pagbigay pugay sa kanyang sinabi.

Isang madilim at tahimik na gabi ang bumungad sa akin. Kakalubog lamang ng araw pero wala ng masyadong elves ang naglalakad sa mga kalsada ng Elviticus. Lahat sila ay ninanamnam ang huling gabi bago sumabak sa isang matinding digmaan. War is cruel but the soldiers are innocent. They should at least live before they offer themselves in the vestibule to death.

Tahimik kong tinahak ang kahabaan ng pasilyo. May ilang tagapamahala ng palasyo ang aking nadaanan. Pawang ngiti at pagbati ang aking natanggap mula sa kanila.

Suot ang aking damit sa syudad tinahak ko ang daan patungo sa labas ng palasyo kong saan namin naisipang magtipon-tipon. Naabutan kong nakasuot na ng armor si Ophelia habang may sinasabi si Larco sa kanya. Sinalubong ako ni Angus sabay kuha kay Draco na nasa aking mga bisig.

"Take good care of him brother."

He held him tightly and look at me in a serious manner. "Don't worry about him Agnes, he's in good hands. Please take good care of yourself."

"I'll be here before you say my name." I give him my brightest smile assuring him everything is going to be according to plan.

Nakatingin silang lahat sa akin, ang tagapag-salita ng palasyo, ang hari at reyna, ang aking mga kasama pero ibang tingin ang hinahanap ng aking mata. I slightly gaze at him, he is busy reminding Ophelia what to do and don't. I close my eyes and look away.

Nasasaktan ako pero hindi tulad noon na hindi ko alam kong bakit. Ngayon alam ko na pero ano bang magagawa ko?

Naunang naglakad si Ophelia sa akin patungo sa daan patungong main gate ng palasyo. I inhale deeply and follow her path.

"Priestess Agnes."

Natigil ang aking paglalakad ng tinawag niya ang aking pangalan. If I look back, I'll start to fantasize about love, hope and the word us. Kaya pinili kong manatiling nakatalikod sa kanya. Ilang minutong katahimikan bago siya nagsalita.

"Mag-ingat ka."

I just nod as an answer and left him in his post. Mabilis kong naabutan si Ophelia na kakalabas lang ng gate.

"Let's go."

Isang tango lamang ang sagot niya kasabay nun ay ang paghatak ko sa kanyang kamay. Mabilis naming nilakbay ang daan patungo sa kaharian ng higante. Malayo-layo ang aming nilakbay na inabot kami ng hating gabi kahit pa gamit ko na ang pinakamabilis kong takbo. Walang hintuan ang naging pagtakbo ko na hawak-hawak si Ophelia.

Mabilis akong napahinto ng makarinig ng malalakas na kalabog galing sa likod ng mataas na bundok na nasa aming harapan. Biglang napatitig si Ophelia sa akin na halatang nagdadalawang-isip sa aming gagawin.

"Be strong." the only word that I hope will give her courage.

She inhale deeply and hold my hand. Isang tango lamang ang aking iginawad sa kanya sabay talon patungo sa pinakatuktok ng bundok. Isang malaki at mataas na gate ang bumungad sa amin sa hindi kalayuan. Tahimik naming nilakbay ang daan patungo sa harap ng kaharian ng higante.

Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko habang nakaharap sa dambuhalang tarangkahan. Kung hindi ko malaman ang kanilang kahinaan, mamamatay ang mga sundalo ng Elviticus na walang kalaban-laban.

"You remember it all?" I whisper. She just nod and look at me worriedly.

"Take them here before the sun rise." saad ko sabay talikod pero bago pa ako makaalis ay hinawakan niya ang aking braso na nagpahinto sa aking paglalakad.

"Priestess Agnes, mag-ingat kayo." seryoso niyang saad sabay yuko ng bahagya sa aking harapan.

"Salamat."

She just nod and chanted a spell softly. A portal appear in front of her, she look at me one last time and went back to Elviticus to prepare them for war before the sun rise on the moutains of the kingdom of elves. I inhale deeply before running towards the south gate of the kingdom.

This is going to be a long bloody night.

Darklight: Journey To The Empyrean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon