CHAPTER 25

289 12 0
                                    

I bite an apple which happens to be the only thing I brought from Elviticus while looking at this ugly giants playing a game only they can understand. Kanina pa ako nakapasok sa loob ng kaharian ng mga higante habang pilit na minamasdan kong ano ang kanilang kahinaan. Ilang oras nalang at sasapit na ang araw pero wala parin akong makitang magiging dahilan ng kanilang pagbagsak.

Then an idea pop into my mind. I shrug at the thought of it. Well this better be worth it.

Tumayo ako at hinayaan ang aking sariling bumagsak sa kanilang mesa kong saan sila nagkatipon. A loud thud made their attention averted into mine.

"Ahhhhhhhhhhh......"

Sigaw ako ng sigaw para magmukhang natatakot sa kanila. Nang may isang higante ang lumapit sa akin at pabalya akong hinablot. Totoo nga sinasabi ng tagapagsalita ng Elviticus nakakatakot nga ang itsura ng mga higante.

"Saan yan nanggaling?"

"Galing yan sa bubong. Kawawa naman."

"Tara dalhin natin kay Epoh."

Bahagyang napakunot ang aking noo sa narinig. Hindi ito ang aking inaasahan. Base sa pagkakasabi ng hari ay mababagsik at walang awa ang mga higante pero sa paraan ng pagkakahawak nila sa akin ay kabaliktaran sa aking mga naririnig galing sa bibig ng mamamayan ng Elviticus.

Pumasok kami sa isang malawak na pasilyo. Sa dulo nito ay isang malaking pinto na sa tingin ko ay kanilang bulwagan. Isang malakas na pagtawa ang bumungad sa amin pagkapasok sa loob. Nakaupo sa pinakagitna ang sa palagay ko ay kanilang hari habang may isang elf na kausap.

I know that guy!

"Hindi kakayanin ng mga taga Elviticus ang pagsira sa aming kaharian, malalaki kami at mas mabibigat ang aming sandata...."

"May mga manlalakbay ang tutulong sa kanila Epoh. Mga tinatawag nilang bampira, mga nilalang na namumuno sa kaharian ng kadiliman at ilang tao na mataas ang posisyon sa kanilang kaharian. May dalang majika ang Elviticus sa muli nilang pag-atake sa inyo." hysterical niyang saad habang nakatingin sa isang higante na nagngangalang Epoh.

"Wag kang mag-alala Lucious, hindi tayo pababayaan ng majika ng Empyrea. Maghahari ang kong sino mang gumagawa ng kabutihan sa kapwa at hindi ang mga taong pagpapalawak lamang ng kaharian ang nalalaman." mahinahon niyang sagot sa elf na nagngangalang Lucious.

Napabaling ang kanilang tingin sa mga kasama kong pumasok. Nagbigay galang ang aking mga kasama sa higanteng nasa gitna.

"Nakita ho namin mahal na hari sa ibabaw ng mesa nalaglag galing sa kong saan." pasiuna ng isang higante habang maingat akong iniharap sa kanilang pinuno.

Natutop ng elf ang kaniyang bibig ng makita akong kasama ng higante. Pautal-utal siyang nagsalita habang tinuturo ako. I think this will be the end of my act.

"Siya! Siya! Kasama siya sa mga bampirang mamumuno sa digmaan laban sa iyo Epoh." malakas na sigaw ni Lucious na ikinagulat ng mga nasa loob ng bulwagan.

"Magandang gabi, magandang binibini." kalmadong saad ng hari na hindi katulad ng kanyang kasama na parang natataranta.

"Base sa pagpunta mo dito ay malapit ng lulusob ang mga taga Elviticus, tama?" Dagdag ng hari na ipinagwalang-bahala ko lang dahil mas may malalalim na tanong ang bumabagabag sa akin pero hindi ako nagsalita o sumagot sa kanyang mga katanungan. Pilit kong tinitimbang kong alin ang totoo at alin ang isang malaking kasinungalingan sa pagitan ng higante at ng Elviticus.

"Ilang taon na ang nakararaan ng pilit angkinin ng Elviticus ang buong nasasakupan ng Empyrean. Nagawa ng lipulin ng hari ang kanyang sariling angkan ang mga taga Elvaña dahil sa kanyang kasakiman. Kilala ang aming kaharian bilang isa sa sumusuporta sa pamumuno ng Camelot kaya pilit niyang ginugulo ang aming katahimikan." salaysay ng hari.

"Wala nang syudad ang namumuno sa buong Empyrean simula ng magwatak-watak ang mga kaharian dahil may ilan na nadala sa linglang ng salamangka." dagdag ng hari.

Salamangka?

"Bakit nasali ang salamangka sa mga taga Elviticus?" tanong ko sa kanilang hari na bahagyang napatingin kay Lucious na siyang magpapaliwanag sa kabuuan ng kwento.

"Para makasali ang Elviticus sa mga syudad na sakop ng mga salamangkero. Dapat mapatumba nila ang kaharian ng mga higante sa kahit na anong paraan. Dahil naging abala ang mga salamangkero sa pagpapatumba sa pader ng Camelot na hindi nila magawa-gawa ay walang tumulong sa mga taga-Elviticus na gawin ang kanilang masamang hangarin maliban nalang nang dumating kayo." malakas na saad ni Lucious na mas lalong nagpagulo ng aking utak.

Mas lalo pang gumulo ang aking paniniwala ng may ilang elves na lumabas galing sa isang gusali. May ilang inalalayan ang mga may katandaan at ang ilang mga naputulan ng binti. Karamihan sa mga narito ay pawang mga matatanda, kababaihan at mga bata. Young, innocent eyes pierce into mine. They are too young to experience the cruelty of greed.

"Sila ay ang ilang nakaligtas sa digmaan laban sa kasakiman ng kanilang sariling angkan." Malumay na saad ng hari habang pinapakita ang ilang mga elves na nasa ilalim ng kanyang pamumuno.

Isang matinding katahimikan ang bumalot sa amin. Isang mahinang hikbi galing sa grupo ng taga Elvaña ang kumuha ng aking atensyon.

"Namatay ho ang panganay at asawa ko dahil sa pag-atake ng taga Elviticus sa aming tahimik at payapang kaharian." umiiyak niyang saad na nagpadurog ng aking puso.

If that is the case then we are siding with the wrong people. We are defending the wrong side of the story.

Bigla kong naalala ang mga inosenteng bata sa Elviticus. Mga asawang naghihintay sa pag-uwi ng kanilang katuwang sa buhay, mga magulang na umaasa sa pag-uwi ng kanilang mga anak. Mga sundalong sumusunod lamang sa utos ng nakakataas. Indeed, war is brutal. It already killed you even before you go into war.

I sigh.

"Hindi ko kayo matutulungan sa inyong digmaan ngayon laban sa kanila. May mga anak, asawa, magulang rin silang naghihintay sa kanilang pagbabalik." saad ko sabay lakad patungo sa harap ng mga naulila ng digmaan.

"Hindi kon rin sila matutulungan sa gusto nilang ipagawa sa akin para sa digmaang ito dahil may mga pamilya rin kayo at may mga taong umaasa sa inyo para sa kanilang kaligtasan." I added and turn my gaze towards the king.

"So, anong gagawin mo?" saad ni Lucious na katulad ng iba ay hinihintay rin ang aking sasabihin.

"Kailangan namin ang manggagamot sa bundok ng Vernon." saad ko sa mismong harapan ng hari na ikinagulat niya.

Isang mabilis na iling lamang ang kanyang ginawa. "Ang bundok ng Vernon ay puno ng kakaibang salamangka. Walang pumupunta doon maliban nalang sa mga gustong pumunta sa Camelot."

Nang matugma-tugma niya kung saan ang patutunguhan ng aming paglalakbay ay isang malakas na kalabog ang ginawa ng tinabig niya ang mga pagkaing nakahain sa kanyang mesa na ikinagulat ng lahat.

"May plano kayong pabagsakin ang Camelot at tulungan ang mga salamangkero na maghasik ng lagim sa buong Empyrean." malakas niyang sigaw na halos ikabasag ng aking tenga.


"Hindi."


Nagsinghapan ang ilang mga nakarinig dahil sa aking maikling sagot. I look directly at the king. I need more information from him. Before I could even think of anything, he clear his throat and sigh.

"Ang bundok ng Vernon ay pag-aari ng salamangkerong manggagamot na walang pinapanigan sa digmaan. Sasagutin niya ang lahat ng iyong mga katanungan at ang hindi mo naitatanong na nakatago sa iyong puso lamang. Siya ang nagpatalo sa mga salamangkero sa digmaan laban sa Camelot ilang daan na ang nakalipas, at kamakailan lang, siya rin ang nagturo kong saan ang daan patungong Camelot na ngayon ay nilulusob na ng mga salamangkero." salaysay ng hari na ngayon ay kalmado na.

"Maaaring ituro ng hari ng Elviticus kong saan ang manggagamot. Maari ko ring ituro sa iyo kong saan ang bundok ng Vernon. Ngayon bampira, sino ang tutulungan mo sa digmaang ito?"


"Lumaki akong sinisiguro ang kaligtasan ng nakararami. Kaya masisiguro ko sa iyo, hari. Kung may maganap man na digmaan bago sumapit ang araw, hindi iyon nanggaling sa aking pamumuno kundi sa hari ng Elviticus at sa inyo." malinaw kong saad na ikinatahimik ng lahat.


I always believe that it is the decision that makes a war and not war alone takes action without the leader's command.

Darklight: Journey To The Empyrean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon