nais kong magsulat
bumuo ng tula
ilabas ang saloobin
magbahagi ng katha
iluha sa papel ang bawat kataga
ng lahat ne emosyon at nararamdaman
ngunit lutang ang isip
sarado ang diwa
kinailangan ko pang manuod ng mga pelikula
namnamin ang mga nobela
magbasa ng mga aklat, tula't sulatin
kumuha't maghanap ng inspirasyon sa iba
titigan ang iyong mga larawan
isipin ang masasaya nating alaala
ngunit nakaligtaan kong kamustahin ang puso ko
kung saan dapat magmumula
ang mga salitang bubuo sa aking obra
pusanggala! namamanhid ako
tila nawawala
di alam san at panu magsisimula
blangko ang papel
ngunit basa ng luha
sa lahat ng bagay, ikaw ang nakikita
subalit di pa rin ako
makabuo ng magandang tulang
tutugma sa ating istorya
nahan ka na, mahal ko
kailangan kita dito...
>senti_jhie
BINABASA MO ANG
bugso ng damdamin
Poetry'...ang mga luha ay mga salitang kailangang isulat at ilathala' (Paulo Coelho - inspirasyon ng mga nasabing salita)