hindi ko na alam kung ano pa ba
ang dapat kong sabihin para
hindi ka na maging ganyan,
ang mga kasagutan ay manggagaling na sa'yo,
lahat na lang ay nagawa ko na,
siguro kung para sa'yo ay hindi pa,
patawad..
patawad,
dahil hanggang ngayon
pakiramdam mo ay hindi kita minahal,
ngunit gusto kong maging masaya ka,
kahit na nasa malayo ako,
sa mga paraang andyan ka naman
kasama ang mga mahal mo
kapag andito ka, mag-isa,
magugulat ka na lang na
mapagtanto mong ang pamilya
ay ang lahat-lahat para sa'yo
mahirap mag-isa,
ngunit kinakaya kong 'wag magpaapekto
-mahal (12 disyembre 2009)
>senti_jhie
BINABASA MO ANG
bugso ng damdamin
Puisi'...ang mga luha ay mga salitang kailangang isulat at ilathala' (Paulo Coelho - inspirasyon ng mga nasabing salita)