'...nang di mo namalayang tumulo na ang luha mo sa "pagwawala" ni Jay Contreras (Kamikazee)'
nakakapraning
mga ngiting sinungaling
nanghuhumaling
ika'y pakikiligin
aakitin, aarukin
mabubulaklak na salita
kumakatha ang dila
paghanga daw idaan sa tula
wag ka, may pakanta-kanta pa
gumigita-gitara, nanghaharana
araw-araw ang pagdalaw
kahit sinu binubulahaw
ikaw lamang daw ang titighaw
sa puso niyang nauuhaw
sagutin mo na daw, 'yan ang palahaw
ikaw naman, puso'y nasasaling
mga mata'y di maibaling
natutuwa na sa kuno'y kanyang galing
hindi mo na maipagkaling
sa kanya na ay nahuhumaling
puso mo'y di mo na napigilan
naging kayo na nga kalaunan
pag-ibig mo'y kanya lang
handang ipaglaban
akala mo ay may magpakailanman
lahat ay ibinigay mo
walang kulang, buong-buo
ang lahat kamo ay kakayanin mo
at sa harap ng lahat ng tao
"akin lang siya," ang sabi mo
naging kampante ka
akala'y siya na nga
sa kanya'y liligaya
di mo nakikita mga pagkakamali niya
lalo pa ang mga kasinungalingan niya
bigla umayaw na siya
nawala na ang pagkagiliw niya
pagmamahal daw sa'yo ay wala na
nasasakal na daw siya
anu ba ang iyong nagawa?
ganu'n ba talaga sila?
iiwan ka kapag nagsawa na
o may nakita nang iba
sasabihin pang ikaw ang may sala
ngayon ika'y lumuluha
kaligayahan ay nawala...
>senti_jhie
A/N: video ctto
BINABASA MO ANG
bugso ng damdamin
Poetry'...ang mga luha ay mga salitang kailangang isulat at ilathala' (Paulo Coelho - inspirasyon ng mga nasabing salita)