ops! puso.. puso.. huminahon ka
ayan, kinikilig ka nanaman
baka maiihi ka sa salawal mo nyan..
hinay lang, naiintindihan kita
ingat lang, baka maglaslas, er, baka atakihin ka, kapag nasaktan..
ikaw din, sige ka
baka magkabanggaan na naman kayo ng isip
alam mo naman yun, superyor, mataas,
eh kase nga nasa tuktok..
at alam ko mahirap kalaban ang isip
pinuproteksyunan ka lang nun..
di naman masamang makinig
eh may pagkabingi ka pa naman, sutil pa..
may tama ako di ba, puso?
minsan naman, nasasaktan tayo dahil sa katigasan ng sarili nating ulo
tapos isisisi natin sa puso ng ibang tao
kasalanan natin yun, di nila sagot yun..
hay sakit sa ulo, sakit pa sa puso!
teka, kalma lang muna
pwede magpahinga..
limiin, isipin, arukin
kung bakit, paanu at saan nagkamali..
timbangin ang puso't isipan
para alam mo na,
sa susunod na masaktan ka
este, magmahal pala..
ayan, sige na, puso't isip
batu bato pik na..
matalo, kawawa
iiyak pa, iiyak lang yan..
manalo, eh di masaya!
magpakaligaya sa piling ng isa't isa..
>senti_jhie101219
BINABASA MO ANG
bugso ng damdamin
Poetry'...ang mga luha ay mga salitang kailangang isulat at ilathala' (Paulo Coelho - inspirasyon ng mga nasabing salita)