'...kumplikasyon'

6 0 0
                                    


di mo alam

gusto mo na ayaw mong gawin

mali kung papairalin lang ang kagustuhang di tama

pero gusto naman maging masaya, gagawin kahit mali


minsan o sa panahon ngayon eh kadalasan

masaya ka samali

maligaya ka sa sablay

binibigyang katwiran pa ang kalokohang taglay


ayus lang masaktan o makasakit

masasabi mo lang na nagmamahal ka lang

o kaya'y ang tangos ng ilong mo ikatwirang ikaw ang mahal kesa sa isa

pambihira! ipagmalaki ba?


seryoso

nabasa ko 'to

basahin mo din

lakasan mo para maintindihan ...natin


"Ga'no kahusto ang tama

para sabihing ito ay hindi mali

ngunit anu nga ba ang sukatan ng salitang tama

para masabi mong tama ka at ako'y mali

minsan ang kaligayahan ay nasa mali

at masakit tanggapin ang tama

ngunit magiging masaya ka nga ba kung alam mong mali?

o gawin momg mali ang nararamdaman mo masunod lang ang tama?


ahmm, kumplikado ba?

o sadyang tayo lang ang gumagawang sarili nating kumplikasyon?

sariling sakit ng ulo at dahilan para masaktan 

at makasakit


anu't anuman 'yan

ika nga ni Bob Ong;


"kung iiwas ka, di ka tatamaan,

pero nakita mo nang tatamaan ka,

pero di ka umiwas,

wala kang karapatang umaray, 

pag nasaktan ka'


aguy!


paumanhin sa mga napitik ng aking mga salita

tao lang, dumudula

ako man ay umaray sa sariling pilantik ng dila

kunsabagay, walang perpekto sa mundo


nangatwiran pa!


itagay na lang natin 'yan!


kampay!







>senti_jhie




A/N: pic ccto





bugso ng damdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon