Prologue

1.6K 28 4
                                    

Maliliit na kamay ang gumising sa mahimbing niyang pagkakatulog.

"Daddy! Daddy! Milk!".

He smile at tiningnan ang anak niya na humihila sa polo niya. He kissed her forehead,"Baby kakainum mo palang ah gutom na agad".

"Eee Daddy! milk, baby is hungry again". Napatawa siya ng hawakan pa nito ang maliit nitong tummy.

Hinawakan niya na din ang tiyan nito," Baby maybe there's a dragon inside of this little belly."

She giggled. May kiliti kasi ito sa tiyan. Tinigil niya na pagkiliti dito at pinagtitinginan na sila malakas pa naman umirit ito.

Bumulong ito sa kanya,"Daddy crush ka nung beautiful stewardess. I saw her keeps looking at you".

Napatawa siya. Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis alam na kasi nito ang salitang crush, eh 3 yeas old lamang ito. Parang gusto niyang balikan ang nanny nito sa Ohio. Filipino rin kasi nanny nito at nasa early 20's pa.

Binigyan niya na ito ng milk dahil alam niyang dadaldal na naman ito.

Tumingin siya sa wrist watch niya, 1 hour na lamang at siguradong maglaland na ang sinasakyan nilang eroplano sa Pilipinas.

Handa na ba siya? Almost 4 years siya ng nawala sa bansa at ngayon lamang babalik.

Tiningnan niya ang kanyang anak, kamukhang kamuka nito ang ina, kulay ng mata lang siguro ang nakuha sa kanya. Even her hair and color of her skin, and red lips minana din ng kanilang anak. Parang may mukhang rumehistro sa kailaliman ng isip niya, at umigting ang bagang niya...iniiwas niya ang tingin sa kanyang anak ng tumingin ito sa kanya ayaw niyang makita nito ang galit mula sa mga mata niya...

***********

Pasensya na po sa mga typo at gratimmacal errors, kapag natapos edit agad.

Second Chance of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon