Chapter Twenty Two (part 2)

406 12 4
                                    

Alana Vivienne

"Vienne!"

Tumaas ang dibdib niya sa galit. Sinalubong niya ang lalaki.

"Mali ang inii-" hindi na natapos ni Ethan ang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito.

"At ikaw! Napakalandi mo talaga hindi mo ba alam na boyfriend ko yang hinahalikan mo!" sigaw niya sa nakatulalang si Stephanie.

Susugurin niya sana ang babae ng hawakan siya ni Ethan sa bewang. "Please Vienne mali ang iniisip mo!"

"Hwag mo akong hawakan! Nakakadiri ka!" she hissed. Tinulak niya ito. Pain crossed his eyes.

Naguguluhan umiiling si Ethan. "P-please Vienne makinig ka muna."

Meron ng ilang tao ang nakikiusyoso sa kanila.

"Huwag kang magmaang-maangan, Ethan!" She said angrily. "I saw both of you with my own eyes! Bakit mas masarap ba siyang humalik?!"

"And you miss, you're cheap! Wala na bang pumapatol sayo at para kang nauubasan!" nanginginig ang tinig niya.

"Vienne-

"No Ethan, sarado na isip niya wala kang magagawa kahit mag explain ka pa buong araw." Stephanie said calmly. "Nakakatawa ka miss navarro, lagi mong sinasabi na boyfriend mo siya but you don't even know the word relationship!"

Nilingon ng lalaki si Alana. "Nagconclude ka kaagad sa nakita mo, wala ka bang tiwala sa akin?" anitong may hinanakit ang boses.

Natahimik siya. Tama ba ang ginawa niya? Aaminin niyang hindi talaga niya na nakita na magkadikit ang mga labi ng mga ito, pero nakita niyang nakayakap ang babae at magkadikit ang mga mukha nila.

Nakita niyang malalim na bumuntong hininga ang lalaki. At umiiling na iniwan siya, sumunod rito si stephanie.

Nanghihinang napasandal siya sa shelf at hinayaan ng bumagsak ang mga luha niya sa mata na kanina pa niya pinipigilan.

***

Maaga siyang gumising kakausapin niya ang lalaki. Ngayon niya naisip na napakatanga niya, bakit ba hindi niya muna pinakinggan ito?

Dali-dali siyang naligo at nagbihis at simple lang sinuot niyang damit.

Binati siya ni Julia at ni Rhea, yung mga gay na sinamahan siya dati papuntang talyer.

Dinala niya na ang kanyang kotse, dumaan siya sa may isa pang daananan para makapasok siya sa lugar. Noon kasi ng ihatid siya ng tricycle driver, one way lang pala yon at mga tricycle lang ang nakakadaan.

Kumatok siya sa pinto ng apartment ng lalaki pero walang sumasagot siguradong walang tao.

Umupo siya sa hagdanan, napapikit siya. Where are you na ba?

Mabilis lumipas ang oras, pagtingin niya sa wrist watch ay anim na oras na siya roon, masakit na ang kasu-kasuan niya. Pinagtitinginan na siya ng mga taong dun din nakatira. They glanced at her with curiousity in their eyes.

She bit her lip. Nasaan na kaya siya? Nagtanung siya kanina kay mang tomas yung may-ari ng talyer na pinagtatrabahuhan nito pero hindi rin daw nito alam, araw daw kasi ng pahinga ngayon ng lalaki.

Gustong gusto niya na ito makausap. Nakahanda siyang tanggapin ang anumang sasabihin nito, magpakumbaba at humingi ng patawad. Alam niya naman sa sarili na minsan may pagkakitid ang isip niya.

***

"Vienne.."

Naalimpungatan siya ng may mga kamay na mahinang yumugyog sa balikat niya.

"Vienne gising..." gising sa kanya ng isang boses.

Vienne? Nawala ang hibla ng antok niya ng marinig ang boses at ang pangalawang pangalan niya.

"Ethan!" mabilis niya itong niyakap at ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Napahagulhol na siya. "I-I'm sorry...

"Sshh." wika nito. Hinapit pa lalo ang dalaga.

"I'm sorry... I didn't let you explained your side...i jump-

Tinakpan ng lalaki ang labi niya para patigilin sa pagsasalita.

"I love you..." he said. His eyes caressed her face. "Tandaan mo ito wala akong gagawin bagay na makakasakit sayo."

Tumango siya rito. His knuckles gently brushed her tears away.

***

"Please...please Ethan.." pakiusap niya rito.

Bumuntong hininga ang lalaki. "Alam mo namang allergy ako sa mga ganyang event."

Pero hindi pa rin siya tumigil. "Pero hon.. Paano ako aattend ng student's night kung wala ka? Kung hindi lang talaga ako kailangan doon hindi na rin ako sasama...but i need you to be there...as my date."

Mamaya ng gabi ang student's night at ang coronation sa tatanghaling Mr and Miss CU 2014. Kailangan siya roon dahil magpapasa siya ng korona bukod pa sa kasali siya sa rampa ng mga contestants.

Pinipilit niya ang binata na sumama pero lagi itong tumatanggi. "Ethan naman! Paano kapag may gustong makipagsayaw sa akin doon?"

"Eh di tanggihan mo," anito at humiga sa papag at pumikit.

Kinurot niya ito sa tiyan, pero wala siyang makurot. Abs kasi ang meron ito, she tried to tickled him kung saan-saan pero wala itong reaction.

Umunan na lamang siya sa braso nito. "Ethan..."

"Hmmm..."

"Bakit ba ayaw mo umattend sa mga social events sa school?" nakakunot niyang tanung rito.

"Ayoko lang," simpleng sabi nito.

Bigla siyang bumangon at mahinang hinampas sa dibdib ang binata. "Yon lang ayaw mo lang?! Kakainis!"

"Bahala ka kapag maraming nakipagsayaw sa akin, remember ang dami ko kayang admirers." she said, pouting.

Bigla itong nagmulat ng mata at hinila siya pahiga. "Tinatakot mo ba ako miss navarro?"

"Hindi, sinasabi ko lang totoo." inirapan niya ito.

He deeply sighed at tumama ang hininga nito sa leeg niya. Napahugot siya ng hininga. He heard him chuckled at pinisil ang ilong niya. "Oo na nga, sasama na."

"Really?!" tumango ito. Bigla niya itong dinaganan. "Oh god thank Ethan, ilove you!" tuwang tuwa na sabi niya rito.

"Madaya ka eh, pinapagselos mo ako," sabi nito at tumawa.

Inirapan niya ang lalaki. "Ikaw jealous? Kelan?" sabi niya. "Wala ka ngang selos sa katawan!"

"Akala mo lang yon," mahinang sabi nito at tumayo at lumabas. Tama ba narinig niya?

Tumawa siya at hinabol ito. "Hon, pakinig ko yon! Kailan ka nagselos?"

"Hindi ko sasabihin," nakangisi nitong sabi.

She stomped her feet on the floor. "Kailan nga?"

Ngumingisi lang ito. "Isipin mo."

***

Please votes po and comments

Guys sa mga silent readers po dyan...

Second Chance of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon