Chapter Ten

488 14 4
                                    

Ethan

"Parang akin lang, bilis din kasi ng heartbeat ko kapag nakikita kita."

Natulala siya ilang sandali.

Pagtingin niya dito siguradong tulog na ito. Bigla kasing bumigat ito sa pagkakasandal sa kanya.

Kinuha niya ang bag nito sa counter at hinanap ang cellphone nito doon.

Pero nung nakita niya bigla naman itong namatay. Shit! Empty battery, hindi niya matatawagan kahit isa man sa kaibigan nito. Ang cellphone naman niya hindi niya dala, magagamit niya sana para iinsert doon ang sim nito.

What to do?

He decided na dalhin na lamang ito sa condo nito.

Tinapik-tapik niya ang pisngi nito para magising. Pero wala talaga, tulog na tulog ito. Inihiga niya na muna ito.

Wala na siyang choice kailangang buhatin niya na ito, nilagay niya sa loob ang maliit na bag nito sa loob bagpack niya tapos isinukbit niya sa likod niya.

Umupo siya sa sahig at hindi niya napigilan ang sarili pagmasdan muna ang maamo nitong mukha, hinawi niya ang ilang hibla nitong buhok na nagkalat sa mukha nito.

She's really a beauty, mahihiya ang tagihawat na tumubo sa makinis na mukha nito. Her lips looks so soft and inviting, kahit nagfade na ang lipstick nito ang pula pa rin. And her upturned nose looks so cute kaya hindi niya napigilan itong pisilin.

She frowned and groaned aloud.

Napatawa siya ng kurutin nito ang kamay niya.

"Shit ang sakit!" mahinang bulalas niya dito ang hahaba pa naman ng kuko nito. "Gising ka ba?"

Tingin niya ay bumalik na ulit ito sa pagtulog. Hayssst..

Binuhat niya na ito, napapikit siya god forbid! Her strawberry scent assault his nostrils. Kahit nakainum ito hindi man lang nag-iba ang bango nito..

Ang lambot ng katawan nito against his hard body. Suddenly he can't help to think the bed sheet and thick blanket and the two of them doing-

He shooked his head nahahawa na siya kay Troy, damn! Hindi naman siya ganito sa ibang babae.

Kung hindi niya pipigilan ang sarili ay hindi pa man naibagsak niya na ito sa sahig.

Hindi naman ito mabigat, para lang siyang nagbubuhat ng limang unan, "Kumakain ka pa ba ha?"

Natatawa siya sa sarili tinatanung niya ito ay alam naman niyang tulog.

Pagkalabas niya buhat ito, bigla naman bumuhos ang malakas na ulan..shit!

Siguradong magkakaroon ng heavy traffic. Nung tiningnan niya kanina ang loob ng bag nito wala siyang nakitang car key kaya kailangan niyang pumara ng taxi.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring dumadaan, "Please naman Viviene wake up."

"Ethan? why are you lifting me?"

Sa wakas nagising din ito. Ibinaba niya ito pero inalalayan niya pa rin ito sa bewang at baka matumba.

"Iuuwi na sana kita kaya lang bumuhos ang malakas na ulan." sagot niya dito. Nahulasan na ito dahil sa minutong nakatulog ito.

"Stranded tayo?!" panic in her voice.

"Yeah."

Napayakap ito sa sarili. Hinubad niya ang jacket niya at nilagay sa likod nito.

"Isuot mo ang kamay mo sa sleeves para hindi ka mahirapan." sabi niya dito.

"Thanks." she murmured.

Second Chance of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon