Eya's POV:
Meet one of the memberJusko po! Bakit sa dinami dami pa ng tao siya pa talaga. Gosh! Kuya naman kung alam mo lang talaga kung ano ang ginagawa niyang gagong yan noong nasa resort pa tayo. Hayst wala na akong magagawa eh parte na siya ng barkada dati pa hayst!
"Hello, nice meeting you. "Sabi ko sabay ngiti.
Aba! Gagong to ang laki ng ngiti. Jusmeyo!
"Hahaha... So ikaw pala ang bunso sa tatlong ugok. Nice meeting you din. "Sabi niya sabay ngiti.
"Hahaha... Di ko akalain na maganda pala ang bunso ng tatlong to saan ka kaya nagmana? Buti nalang 'di ka nagmana kung saan nagmana yang mga ugok. "Sabi nito na ikinagalit namin nila ate at kuya.
Aba naman. Malamang mag-mamana kami sa magulang namin tapos sasabihin ng gagong to na pangit sila ate kaya pangit din kung saan ito nagmana. Tinapunan siya ni kuya ng mineral bottle na may kalahati ang alam kami naman ay nag deadly glare sa kanya. Dahilan para matawa ang gagong to. Hindi ko na talaga mapigilan ang aking sarili.
"Hoy ugok! Kahit na pangit din yang mga kapatid ko sa aking paningin eh, wag mo lang da-damayin ang kung sino ito nag-mana! "Inis na sigaw ko sa Mike na yun.
"Hahaha... Chill lang ito naman. Sila lang ang pangit di kasali magulang niyo. "Paliwanag nito.
Inikutan ko lang siya ng mata dahilan para bumalik siya sa usual face niya parating naka smirk. Tsk!
Umupo na ito at aba nananadya ata tong unggoy na to. Sa dinami dami ng upuan sa harap ko pa talag. Kainis!
"So, ano Mike sasama ka ba sa mga gala ngayong taon? Same parin ang makakasama itong mga nandito. "Sabi ni kuya.
"Syempre. Kung alam ko lang na sila ang makakasama natin sa gala pati na yang isa dito. "Sabi niya sabay tingin sa akin.
Ano bayan! Kainis! Hayst! Jusko pigilan mo ang sarili mo Eya! Bumuntong hininga nalang ako.
"OMO, gwapo mo talaga Mike. "Sabi ni Sophi. Yuck kadiri nito.
"Oo nga! Gwapo mo. "Isa pa tong si Rachael. Kadiri talaga ang dalawang to.
"Tsk! Alam ko naman yon." Sabi ng Mike na yon. Jusko ang hangin ni ugok.
"Haha... Gwapo? Saan banda? "Sarkastikong sabi ko. Totoo naman eh haha..
Tinignan niya ako ng masama pero wala lang para sa akin to. Mas nakakatakot kaya ako maka-deadly glare kesa sa kanya. Kala mo ah!
"Huy! Eya! Ano bayan bitter mo na besh! "Sabi ni Sophi.
"Mas okay na yon para iwas sakit no. Hindi kasi ako kagaya sa iyo di natututo. "Sabi ko kay Sophi.
"You shared?! "Inis na tanong nito.
"Pikon! "Sabay naming sabi no Rachael kay Sophi.
Nako naman pikon talaga tong si Sophi. Hahaha.... Nagpatuloy kaming kumain.
Pagkatapos naming kumain ay nag salita si kuya.
"Bahay muna tayo mag stambay. "Sabi nito.
"Eh... Di ako makakapunta mamimili pa ako ng case ng phone ko. "Sabi ni Rachael.
"Ako din... Mamimili pa ako ng make-up. "Sabi ni Sophi.
"Kami din ni Rich may pupuntahan kami. "Sabi ni ate Bell.
Ano bayan! Amp!
"Sige.. So tayo nalang? "Sabi ni kuya sa amin na natira. Tumango naman kami wala na naman kasi kaming magagawa eh.
BINABASA MO ANG
Strange Things Happens For a Purpose
Romancewhat if yung gusto mo at in-expect mo ay hindi nagka totoo. Pero yung hindi mo gusto at hindi mo in-expect ay nagkaka totoo? Do love conquers everything? Is first met a sign of the next thing to do? This is a story of Eya Maris Flores that met a guy...