Chapter 3: Campus Crush

270 9 2
                                    

Sheena's POV

"Sheens!"

"Oh? ano ginagawa mo dito? gabi na ah!"

"Dinadalaw ka!"

"Para san? eh simula kanina pa tayo magkasama"

"Hinahanap hanap ka ng puso't isipan ko. Kaya pati katawan ko sumasabay sa damdamin ng puso ko. Kaya ako napadpad dito"

"Ano kailangan mo? alam kong may kailngan ka. ano?"

"Ang matamis mong ngiti"

"Lumayas ka nga!"

"Joke lang! kaya ako nagpunta dito para sabihin na sabay tayo pumasok bukas ah!"

"Un lang?"

"At good night! "

"Sige good night na! alis na chupi!"

"Wala akong kiss?"

"Suntok meron"

"Sabi ko nga eh aalis na ako"

**

Matutulog na ako kaso biglang may tumatawag sa akin. Sino naman kaya toh?

"Oh"

"Sweet dreams"

"Huh?"

"Nakalimutan kong idagdag kanina. Good night, sweet dreams, sleep tight, and i love you!!"

"Yuk! bat ang sweet mo ngayon? ay di pala. Bat umOA ata ang pagiging sweet mo ngayon?"

"Dahil sa date ko kanina"

"Oh ano meron sa kanya?"

"Ang ganda nya!"

"Lahag ng nakakadate mo ganyan sinasabi mo"

"Basta maganda sya. Tas sa Kingdom University din sya nag aaral pala! Destiny kami best friend!"

"Good luck! Night" at binaba ko na phone ko. Hay nako sino kaya ung babaeng un? at nagawa nyang ganyanin ung best friend ko?

Naalala ko tuloy si kuyang cute kanina. :"> ano kaya name nya? Sana makita ko sya ulit! <3

***

*beep

"Oo andyan na!!"

Dali dali akong bumaba galing sa kwarto ko. Kasi naman andyan na si Jann ang aga nya lang ah? Kaya ayun di na ako kumain ng breakfast ko.

"Bat ang aga mo ata ngayon?"

"Bay late ka gumising?"

"Sagutin mo muna tanong ko"

"Aga?! malelate na nga tayo ng 15 minutes eh!"

"Sabi ko nga eh. Late ako nagising."

"Tumatakbo siguro ako sa isip ko buong gabi noh? Kaya di ka makatulog."

"Umagang umaga Jann"

"Nako. Pag pahingahin mo naman ako nyan. Mamaya di na ako makatakbo sa isip mo. Malulungkot ka nyan"

"Wag mo simulan please."

"Opo!!! tatahimik na!"

"Good boy!! Here's your treats!"

"Tingin mo sakin? aso?"

"Pwede din!"

"Bakit cute ba ako?" Sabi nya sabay kindat pa sakin

"May mali ba sa mata mo?"

"Wala naman, bakit?"

"Pacheck up mo na. Kasi napapadalas ang pag pikit ng isa mong mata -_-"

Campus CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon