Chapter 22: Campus Crush

142 5 0
                                    

Sheena's POV
May mawawala, may darating.. Totoo pala ang sinasabi nilang yan. Nawala sa akin si Jann, dumating naman si Michael. Gusto ko ng mag move on. Nakakasawa na din kasi ang ganitong situation. Pasukan na naman ngayon. Nasa bahay pa ako, si Michael daw kasi susunduin niya daw ako. Nakakapanibago man, kailangan kong masanay. Kasi kung hindi, wala ng mangyayari sa akin.

*ding dong
Baka si Michael na yun kaya naman agad agad akong pumunta sa may pintuan. Pero hindi si Michael ang nakita ko. Isang delivery boy.
"Good morning po maam"
"Good morning din, ano po kailangan niyo?"
"Kayo po ba si Sheena Mae Cruz?"
"Ah, opo ako nga po un, bakit?"
"May package po kayo. Galing US"
"Ganun po ba? thank you po."
"Paki pirmahan na lang po ito"
"Ok." Pagkapirma ko eh, umalis na ung lalaki. Galinh US? Siguro galing ito kay daddy. Tinignan ko ung laman, isang sulat? un lang?
Tinignan ko ung sulat at ito ang nakasulat:

"Anak, kamusta ka na? Miss ka na ni daddy, pero di na masyado. Kasi pupunta ka naman dito. Kukuhanin kita dyan muna sa mommy mo. Dito ka muna mag aaral ng college. Pwede din na dito ka na lang tumira. Ngayong next sem, aalis ka na dyan. Yun lang. Maghanda ka na ah!"

A-aalis ako? P-pero... ayokong iwan si mama dito, mga kaibigan ko.. Si Jann..
"Sheena"
"Ate Mitch! bakit?"
"Samahan mo ako, punta tayo sa mall"
"Sige, kaso may pasok ako"
"Ganun ba? sige hintayin na lang kita mamaya ^_^"
"Shae!" Napalingon kami ni ate sa likuran at nakita ko si Michael. Nandito na pala siya.
"Sino?" tanong sa akin ni ate Mitch
"Siya si Michael" tumango tangi lang siya habang tinitignan niya ng mabuti si Michael, parang ang weird tuloy ni ate tignan :"D
"Hello! Hello po ma'am"
"Nako, mukha na ba akong matanda sa yo?" sagot agad ni ate sa kanya. Nako sa lahat ng ayaw ni ate, ay yung aakaling matanda na siya.
"Nako, hindi po. Ang bata nyo nga pong tignan eh"
"Talaga?" Sabi ni ate na halos pati mata niya eh ngumingiti na din
"Opo!"
"Michael, siya si Ate Mitch pinsan ko"
"Ah, hello po ako po si--"
"Michael ^__^" hindi na natuloy ni Michael na sabihin ang pangalan niya kasi si ate na ang nag tuloy.
"Pano niyo po nalaman?"
"ID ^_^" hahaha! galing ni ate, hooo! buti di niya sinabi na kinekwento ko siya kay ate, nakakahiya kasi.
"Ah, opo. hehehe"
"Aalis na ba kayo?" Tanong ni ate sa amin.
"Opo eh, sige ate mamaya na lang tawagan na lang kita!"
"Ok bye! Ingat sa pag drive!" at umalis na kami ni Michael, habang nasa biyahe kami eh napag kwentuhan namin ang tungkol kay ate.
"So sang bansa siya galing?"
"America ^__^"
"Woah, astig may kuya sa america din siya nakatira ngayon"
"Talaga? Nice"
"Oo, may girlfriend nga siya dun eh"
"Oh? nakita mo na? amerikana?"
"Hindi pa eh, nope. Filipina siya ^__^"
"Talaga? galing naman, si ate Mitch din eh.." Napahinto ako at napatingin sa kanya, ganun din ginawa niya. Parehas ba kami ng iniisip??
"Hindi kaya.."- Michael
"Kuya mo ang.."
"Boyfriend ng pinsan mo??"
"Waaaah! ang cool kung ganun, matanong nga si ate mamaya!"
"Sige, balitaan mo ako pagkatapos ah"
"Sureeeeee!! " sabay apir pa naming dalawa. Sana ganito ako palagi masaya. Di ko namalayan, nandito na pala kami ngayon sa school. Pumasok ako sa room ko, at dun nakita ko si Hannah na nakaupo at may kausap sa phone niya. Si Jann un, hula ko -_-
"Oh, sige bye muna my prince!!"
"Okay! mamaya ah, ung date natin."
"Hmm.. Love you too!!"
Sabay baba ng phone niya. Pagkababa na pagkababa niya eh tumingin siya agad sa akin.
"Hello Sheens!!" bati niya na sobrang saya.
"Hello din!" sabe ko naman habang nakangiti.
"Good morning students, principal niyo toh. Wal munang klase ngayong araw na ito. Dahil may important meeting ang teachers, ung gusto ng umuwi. Pwede na kayong umuwi." Sabi ng principal na nagsalita sa may speaker! YAAAAY! WALANG PASOK! MAGDIWANG! Ay, kaso anong gagawin ko?
*ding!
Alam ko na! pupuntahan ko na lang si ate, punta na lang kami sa mall, sasamahan ko siya. Tama!
"Shae! may gagawin ka ba ngayon?"- Michael
"Oo eh, may plano kami ngayon ni ate Mitch"
"Ganun ba? sige hatid na lang kita."
"Nako, wag na. Baka may iba pa akong puntahan kasi eh."
"I see. Sige, kung ganun samahan na lang kita hanggang sa may labas ng gate ng school"
"Sige na nga" sabi ko habang medyo natatawa pa.
"Hello my princess!"
"Hello my prince!"
"Tara date na tayo?"
"Sige, buti na lang walang pasok noh?"
"Oo nga eh, ang dami nating time para mag sama. Madami din ang time na ipapakita ko sayo ang pag mamahal ko." sabay kindat pa kay Hannah. Tsk, may pa ganun ganun pa. Yuck! Dinaanan lang namin sila ni Michael. Di nila kami napansin, di niya ako napansin. Ay! ano ba yan Sheena! Sabi ko di ko na siya iisipin eh.
**
Ng nasa labas na kami ng gate, tinawagan ko na si ate Mitch.
"Hello ate"
"Napatawag ka? diba class hours nyo ngayon?"
"Yup! pero wala na daw klase eh sabi ng principal. "
"Waaah! ang saya naman!"
"I know right!"
"So pwede mo na akong samahan mag mall?"
"Syempre! san ba tayo magkikita?"
"Diya na lang sa school ko, hintayin mo ako. malapit lang ako ngayon sa school mo eh"
"Ok! sige intayin na lang kita dito. Bye"
"Ate Mitch mo?"- Michael
"Yup! dito na lang daw niya ako susunduin"
"Ganun ba? sige di muna ako aalis. Samahan muna kita"
"Eh? baka may gagawin ka"
"Wala, dito na muna ako sa tabi mo. Kung ok lang sayo?" ngumiti na lang ako sa kanya. Mabuti na toh may kasama ako habang nag hihintay. Mamaya kasi may tumigil na van, tapos kunin ako, tapos kunin ung laman loob ko.. Tapos tapos. WAAAAAHH !! kataoooot *O*
"Huh? anong nakakatakot?" Hala nasabi ko pala ng malakas un.
"Wala may iniisip lang ako."
"Hahaha! ang cute mo talaga!"
"Ngayon mo lang napansin?" biro kong sabi sa kanya
"Oo eh?"
"Bad, hahaha! Sa ganda kong toh ngayon mo lang napansin ang kacutan ko?"
"Hmm.. dati pa, kaya lang sa sobrang cute mo feeling ko lahat ng ginagawa ko eh cute na. Kaya di ki na manotice kung ano pinaka ginwa mong cute eh"
"Kaw ah, bumabanat ka na, san mo natutunan yan?"
"Inisip ko yan magdamag alam mo ba yun?"
"Kanina hindi pa, pero ngayon alam ko na" sabay tawa namin pareho.

Jann's POV
Papaalis na kami ni Hannah, ng nahagip ng mata ko si Sheens, kasama si Michael. Napapadalas na ang pag sama ng lalaking yan sa kanya ah, tsk ani ba naman tong iniisip ko? malamang girlfriend niya si Sheens eh, asar.

Sheena's POV

"Ayun na si ate!"
"Mukhang di na kita makakasama ng matagal. How sad.. :("
"Hahaha! para kang baby dyan. Oooohh, cute!!" sabay pisil sa pisngi niya. Hahaha! ang cute nyaaaaaa *^*

*beep
*beep
"Sheena, tara na? "
"Ok. Bye Michael!"
"Bye, ingat! Hello po ate!"
"Hello Michael, andyan ka pa pala"
"Opo eh, sinamahan ko muna siyang maghintay sa inyo. Mahirap na mamaya ano masama mangyari sa kanya"
"Aaawww, ang sweet mong bata ka! Sige alis na kame!"
"Opo! ingat kayo! Bye Shae!"
"Bye! ingat ka din" at yun umalis na si Michael. Papunta siya sa parking lot ng school, kasi nandun ang kotse niya.
"Ang cute ni Michael infairness. "
"Oo, para siyang baby kanina ate. Kung nakita mo lang nako"
"Hahaha! bagay kayo!"
"Tingin mo?"
"Oo, halos pareho kayo ng ugali. At caring pa sya! gwapo na cute pa!" Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.
"Nililigawan ka ba niya?"
"Nope, we're just friends"
"Friends? duuh, walang friend ang mag aala ng sobra noh! Sweet nga niya, tingin ko may gusto un sa iyo!"
"Wala noh!"
"Pero ikaw?"
"Crush, ganun hahaha!"
"See? pero Sheena pano kung ligawa ka nya? Papayag ka ba?" Kung liligawan niya ako? Pwede din, di din naman imposibleng hindi ako fall sa kanya eh. Actually he's almost perfect. Matalino, gwapo, cute, mabait oh ha? san ka pa!
"Hmm.. oo?"
"Nye, bat medyo patanong ang oo mo"
"Wala lang, as of now, siguro Pwede ang maisasagot ko sa tanong mong yan."
"As of now, edi pwede pang magbago?"
"Oo"
"Yieeeee. dalaga na si couz!"

A/N: hey guys! ^___^! ung ginamit kong para sa character ni Michael ay si JB diba? Pinalitan ko siya, si L na lang pala, or Kim Myung Soo. Member ng Infinite ^_^ sana magustuhan nyo pa din siya kahit pinalitan ko ^_^ gwapo kasi ni L eh! Hihihihihi <333 Un lang! keep supporting my story! sorry kung di ako. Nakapag ud Ng mga nakaraang araw! buy kase eh, yah know. Di ko din alam kung makakpag UD ako habang may pasok, busy kasi kami sure ako TT____TT kakaiyak! Sana ipakalat nyo po ung story! Gusto ko kasi siya umabot talaga ng thousand ung readers man lang eh XD thank you po pala sa mga nagvovote! Love yah guys!

Campus CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon