Chapter 5: Campus Crush

225 6 0
                                    

Sheena's POV

"Thanks dito na lang ako"

"Sure ka? hindi na kita ihahatid hanggang sa bahay nyo?"

"Yup! 100% sure! Malapit na lang naman bahay ko eh"

"Kung ganun, sige bye! ingat ah!"

"Opo!! bye. Ingat ka din"

Umalis na sya sakay ng sasakyan nya. Kaya hindi ako nagpahatid hanggang amin kasi tinext ako ni Jann kanina. Pumunta daw ako sa park.

Nakita ko syang nakaupo dun sa may swing. Teka nga gugulatin ko :D

Dahan dahan.

Dahan dahan

"Alam ko andyan ka na. wag ka ng manggulat" Napaayos ako bigla ng mag salita sya. Panira naman, lakas ng instincts.

"Panira ka talaga. "

"Alam mo ikaw para kang bata!"

"Atleast di ako tulad mo na mukhang matanda na! Gurang!"

"Hindi ah, cute ako!"

"Whatever! ano bat mo ako pinapunta dito?"

"Miss na kasi kita!!!"

"May libangan ka na nga mamimiss mo pa ako?"

"Sino si Kiyana?"

"Sino pa nga ba?"

"Uyyy.... nagseselos ang best friend ko!!!"

"Hindi ah! Sakanyang sakanya ka na!"

"Sakit! Pinapamigay mo na ako?"

"Di naman. Syempre joke un"

"Un oh! Thanks best friend!"

"Fine fine"

'' Kamusta kayo ng crush mo?"

"Alam mo?!" napatayo ako sa swing at sabay tura sa kanya.

"Yup!"

"Pero... pano?"

"Obvious kaya! tsaka nakita kita nun sa national, nakita ko kayo"

"Wag ka maingay ah! Ang cute nya diba?"

"Tss.. cute ba un? eh mas cute pa dun si barney!"

"Barney?! Hahahahahahaha! Ikaw ata ang bata sating dalawa eh! Hahahahaha!!"

"Pake mo? Makaalis na nga!"

"Hahahahaha! joke lang un!"

"Tara na nga. Iuwi na kita sa inyo"

"Hahaha! ok BARNEY!" Pagkasabi ko nun tumakbo ako kasi hinabol nya ako.

Kiyana's POV

"San ka galing?"

"Hinatid si Sheena"

"Mukhang ang bilis nyo naging close ah"

"Yup! "

"I hate that girl"

"And why?"

"Because she's the best friend of my boyfriend!"

"At anong problema dun?"

"Palagi na lang Sheena! Si sheena! ung bukambibig ni Jann pag magkasama kami"

"Best friend nya eh, baka naman natutuwa lang syang magkwento about kay Sheena"

"Asar!! Hoy! wag mong papalapitin yang Sheena na yan kay Jann ah"

"Wala ako sa posisyon"

"Edi pumosisyon ka. Court her! then make sure na mapapasagot mo sya. At tsaka mo sya palayuin kay Jann!"

"I can't do that Yana"

"Puro na lang tanggi! Tsss. lang kwenta! Makaalis na nga!"

Asar na kapatid na un! ayaw ako pag bigyan. Hmph! Well, makikipag laro na lang ako sa babaeng un. Hanggang sa makuha ko loob nya. At aagawin ko ang best friend nya. Ok ang evil ng plan ko. Pero i dont care!

Michael's POV

Hay nako. Ung kapatid kong un napakakontrabida talaga kahit kailan.

Pero ligawan si Shae? gusto ko din kaso di ko pa sya gaano nakikilala. I want to know her more. Actually, mas matanda ako sa kanila lahat. Dapat di na ako nag aaral ngayon kaso umulit ako. Kasi nahinto pag aaral ko last yr dahil sa pumunta kami ng ibang bansa. Sa Kindom University na ako nag aaral nun bago panman kami umalis ng bansa. 4th year college na ako ng makita ko si Shae sa school. 3rd yr pa lang sya nun. At kasama nya si Jann. Palagi. Nakita ko si Shae nun sa library namin. Natutulog sya nun. She's pretty, i liked her simula ng araw na un. Lalapitan ko sana sya. Kaso dumating ang best friend nya. Si Jann.

"Hey! Sheens! gising! aalis na tayo"

"Anong oras na ba?"

"Uwian na! Tulo laway ka pa oh!"

"Hindi kaya!" sabi nya ng pabulong

"Hahaha! joke lang, tara na nga." Ginulo pa nya ung buhok ni Shae nun. Umalis sila ng library at un na ang huling kita ko sa kanya. Kasi kinabukasan umalis na kami. Sa pagkakakita ko sa kanilang dalawa, halatang super close na nila. At ng bumalik kami dito. Un na ung nakita ko sya ulit sa National Bookstore. Nakita kong nalaglag ang panyo nya. Kaya kinuha ko toh

"Ate... Sa inyo po ba tong panyo na toh?" Halos kabahan ako kasi pano kung di nya ako pansinin? pano kung sungitan nya ako

"Oh. Opo thank you po." Pero ng sinagot nya ako. Natuwa ako kasi di nya ako tinarayan.

"Sige. Mauna na po ako." tinawag na kasi ako magaling kong kapatid kaya ayun.

Campus CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon