Preso ng Kahirapan
Kalsada ang aming tahanan at basurahan ang aming kainan
Kasuotan ay basahan lamang sa mga mayayaman
Hindi makawala sa kadena ng kahirapang matagal nang nilalabananSa problema ay nalunod at umasa sa gamot
Panandaliang pag takas sa malupit at magulong mundo
Ngunit ang gamot ay 'di lunas sa sakit ng mga mamamayan ditoProblema ay walang solusyon at pag asa ay di matanaw
"Kailangan ng matapos ang lahat." yan ang aking pananaw
Itinigil ang paghinga at ipinikit ang mga mata, kamatayan ay akin ng natatanaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/195587383-288-k341804.jpg)