Instrumento

55 7 4
                                        

INSTRUMENTO

GABI NOONG MULI ko siyang nakita. Nagsimula lahat sa isang parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan at kung saan ay kausap ko ang may-ari ng kumpanya na aking pinagtatrabauhan; may-ari ng kumpanya na aking din namang kaibigan.

"Sinasabi ko naman kasi sa iyo," medyo iritado kong pahayag habang nasa loob ako ng sasakyan. "Kailangan ko ng oras para mag-isip. Hindi naman kasi ganoon kadali gawin ang desisyon na ito."

"Pero bro', ayos na ang lahat," pagpupumilit niya. "Ang ticket, ang papers, ang pag-iistay-an mo. Sagot mo nalang ang kulang!"

"Isa pa, Canada iyon, dude!" dagdag pa niya. "Once in a lifetime opportunity lang! Kaya nga sa iyo ko na binigay eh. Anim na buwan lang... Pinakamatagal na iyong isang taon."

"Hindi matutuwa ang mga magulang ko kapag nalaman nila ang biglaan kong paglayo," sagot ko dito. "Ganito nalang. Papunta ako sa family dinner ngayon. Susubukan ko i-open up sa kanila ito. Tignan nalang natin ang mangyayari noon. I have to go. Update nalang kita."

Pagkatapos ay pinutol ko na ang linya. Kaagad kong tinawagan sina Mama at sinabi na nasa labas na ako ng condo kung saan sila naka-stay ngayon. Hindi rin nagtagal noong nakita ko sila na papalapit sa sasakyan.

Pinagbuksan ko sila ng pinto sa likod ng aking sasakyan at kaagad na naming tinahak ang papunta sa aming kakainan. "Ano na naman kaya ang mahalagang balita na sasabihin ng Kuya mo, Jayson?" tanong ni Papa sa akin.

"Oo nga, may nalalaman pa siyang 'Gusto niya lang kumain sa labas' pero ang kakainan naman natin ay iyong restaurant na lagi nating pinupuntahan kapag may mahalagang okasyon," sabi pa ni Mama.

Napangiti nalang ako. Tama sila. Kahit hindi sabihin ni Kuya Jack ay alam namin na mayroon siyang sasabihin sa amin, o hindi naman kaya ay may mahalagang nangyari sa buhay niya. Sinubukan ko siyang tanungin tungkol doon pero ngumisi lamang siya at sinabing, "Malalaman mo nalang".

Marami pa kaming napag-usapan habang nasa biyahe. Marami rin naman silang kwento. Hindi rin naman nagtagal noong nakarating na kami sa restaurant na iyon.

Nang makapasok kami ay kaagad kong sinabi sa receptionist ang pangalan ng aking kapatid. Tumingin naman siya sa kanyang listahan at nang makita ay sinamahan kami papunta sa aming lugar.

"Ihahanda na po namin ang pagkain, Sir," sabi ng isang waiter bago siya umalis, sa pag-aakala siguro na ako ang aking kapatid. Kaagad ko naman tinext si Kuya para tanungin kung nasaan na siya at sumagot naman ito nasa parking lot na. Ibinahagi ko iyon kina Mama at Papa.

Hindi rin naman nagtagal nang makita namin siya, kasama ang isang babae na nakapula. Hindi ko mapigilan na bumilis ang tibok ng aking puso, itinatanong kung bakit sila magkasama. Alam ko naman ang sagot base sa kanilang ngiti sa mukha at pag-angkla niya sa kamay ng aking kapatid, ngunit gusto ko lang makasigurado.

"'Ma, 'Pa, Jace," pagtawag ni Kuya isa-isa sa amin. "Si Aubrey nga pala... Ang girlfriend ko."

Kasabay ng hiyaw ng aking ama at saya ng aking ina ay ang pagpira-piraso ng aking puso. Tinignan ko ang kanyang mukha at kita ko rin ang lungkot niya; lungkot na marahil ay dahil alam niya ang aking nararamdaman.

Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay at ang kirot sa aking dibdib, kung kaya naman ay nag-desisyon akong magpaalam para magpunta sa banyo.

Nang makarating ay kaagad akong nagpunta sa lababo at hinilamusan ang aking mukha, pilit na ginigising ang aking sarili sa bangungot na ito. Ngunit ito'y hindi isang bangungot— hindi isang masamang panaginip na mawawala sa oras na magising. Totoo ang lahat ng nangyayari. Ang babaeng pinakamamahal ko mula noon hanggang ngayon, ay ipinakilala ng aking kapatid bilang kanya.

War of Writing OutbreakStories to obsess over. Discover now