Chained Fox
Muling umaalingasaw sa pang-amoy ni Jana ang matatapang na bango ng ilang vape sa table na nararaanan niya.
"Doon tayo sa may sulok!"
Napatingin siya sa kasamahan nang magmadali itong pumunta sa sulok. Wala siyang nagawa kung hindi ay sumunod sa mga ito. Ano pa ba ang magagawa niya? Sumama siya sa mga ito kaya papanindigan niya ang desisyon.
"Matagal ko na talagang gusto ang spot na to! Kitang kita mo kasi talaga ang kabuuan ng bar, right?" Maarteng saad ni Amethy nang maupo sila.
Pabilog ang couch na napili nila. Sadyang nagpahuli si Jana maupo at tumabi sa kaibigang si Freya.
"Right! Ang daming tao! May event ba ngayon? Or talagang dagsaan ang mga tao rito tuwing Sunday?" Tanong ni Camilla.
Inilibot ni Jana ang paningin at natantong mas marami nga ang tao ngayon sa Demeter's Bar kung ikukumpara mo tuwing weekdays.
"Ganiyan daw talaga kapag Sunday." Sagot ng kararating lang na si Sheena na dala dala ang isang bote ng alak at tatlong uri ng chichirya. Kasabay nito ang isang attendee ng bar na dala-dala ang isang baso at isang bucket ng ice cubes.
"Diba kuya?" pagkukumpirma naman ni Sheena sa lalaki. Tumango ito at pilit hindi pinapakita ang nagmumultong ngiti sa mga labi habang naglalagay ng dala-dalang ice cubes.
Hindi mapigilang mapataas ang kilay ni Jana nang makitang kinindatan din ito ni Sheena. Napailing-iling na lamang siya. Isa na naman kasi ito sa mabibiktima ng kaibigan. Ano pa ba ang aasahan niya rito? Bulgaran ang mga ginagawa nito at parang wala lang sa kaniya kapag napaguusapan sa school kung gaano ito kahabulin ng mga lalaki. To the point na, na-issue na ito sa isang teacher sa university nila.
Nang makaalis ang lalaki ay napuno ng tukso si Sheena mula kina Camilla, Amethy at Freya. Tahimik lang na nakikinig si Jana sa tuksuan ng apat. Dumako ang paningin niya kay Chloe na prente lang na nakikinig sa isang tabi.
Kanina, nang magkita-kita sila sa tagpuan nilang magkakaibigan ay nagtaka siya sa presensya nito. Tinanong pa niya si Freya kung bakit sinama nila ito. Isa sa mga mahinhin at mabait sa batch nila si Chloe. Tipong hindi kakakitaan ng posibilidad na sasama sa mga gala na gaya nito. Pero ngayon, ito raw mismo ang sumama sa kanila.
For almost seven weeks, tuwing linggo ng gabi silang umiinom na magkakaibigan at lasing na kung uuwi ng bahay. Not minding the early schedule they had every Monday morning.
This was been Jana's Sunday night after what happened.
Tahimik niyang iniinom ang isang baso ng alak habang nakikinig lang sa usapan.
"What happened ba kasi?" Tanong ni Amethy kay Camilla na busangot ang magandang pagmumukha.
Tahimik na nagsalin ng alak si Jana sa baso at kaagad na ibinigay ito sa kaharap na si Chloe, na kanina pa ring walang imik.
"Ewan ko kay Mom! Mahina lang naman ang naging usapan namin ni Sheena kanina sa simbahan eh. Ayun, pagdating sa bahay ay napagsabihan ako. Sa harap pa ng bago niyang pamilya! Ngiti-ngiti pa 'yung anak ng lalaki niya! Ang sarap tusukin sa mata, kainis!"
"Oh chill! Ang puso mo!" Natatawang saad ni Freya.
"You know the rules, no chitchatting while listening to the Father's homily." Saad ni Amethy sa katabing si Sheena.
"Stop me with the rules, Amethy. Saka pa, mahina lang naman ang mga boses namin kanina ni Camilla. Didn't knew na malakas pandinig ng Mom niya."
"It was Rhea's fault."
