"Nagreview ka ba kagabi Seff?" tanong ni Mam Pelaez
"Ah opo. Yung libro po na binigay niyo saka yung mga notes ko ang nireview ko."
"Pasensya ka na at kahapon ko lang na nasabi sa iyo tungkol sa Science Quiz Bee. Late narin kasi na naipadala ang memo rito kasi malayo sa bayan." ani Mam.
Bumaba kami ni Mam ng traysikel at bumungad sa amin ng Paaralang Sentral ng Culasi. Dito gaganapin ang contest at kahapon lng kami ni Mam nag ugnayan. Dahil busy sa pag practice para sa graduation next week at dahil di nakadating nang maaga ang sulat paanyaya.
Suot ang aking unipormeng kupas ay sumunod ako kay mam. Nakasalubong namin ang mga estudyanteng taga rito at di ko mapigilang mamangha sa ganda ng kanilang uniporme at paaralan.
"He must be from other school."
"Look at his clothes. Eww!"
"Taga bukid yan."
"For sure talo yan kay Drey."
Rinig ko sa kanila. Nakayuko lang ako hanggang sa tumigil si Mam.
"Naku Mrs. Pelaez akala ko di na kayo sasali." Nakangiting asong sabi ng bading na titser
"Akala ko nga rin Sir. Pero narito na rin lang kami. Gusto naming subukan." sagot ni Mam.
"Baka matalo lang kayo. Anak pa naman ni Don Antonio ang representative ng Paaralang Sentral. Matalino daw yon." proud na sabi ng isang babaeng titser.
"Talaga? Pero kampante naman ako sa alaga kong ito." Nakangiting sabi ni Mam sabay hawak sa aking balikat.
"O eto ang kanyang numero at isabit mo sa kanyang uniporme. Saka paki fill up nitong form Mam."
Kinuha ni Mam ang bilog na papel na may nakalagay na numerong forty-four at ipinadikit sa aking uniporme.
Habang sumusulat si Mam ay may tumigil na dalawang SUV sa gate at lumabas ang walong na naka unipormeng lalaki na tila mga bantay at bumaba ang mag asawang na nasa edad forty five pataas. Kasabay nito ang tatlong batang lalaki at isang babae. Nag ingay ng kaunti ang mga estudyanteng babae.
Tila nasa kolehiyo na ang isang lalaki. Ang babae naman ay nasa highschool. Ang isang batang lalaki na may barbers cut na buhok ay mas bata sakin ng isang taon. At ang isang batang lalaki naman nakataas na buhok na tila pinuno ng gel at mahahalintulad sa buhok ng bida sa dragon balls. Siguro'y kaedad ko.
Napatingin ang lahat sa kanilang daraanan. At nakangiting bumabati.
Bawat parte ng kanilang katawan ay sumisigaw ng karangyaan at awtoridad. Simula sa damit at tindig. Ibang iba sa akin, sa aming mga dukha.
Nakatulala lang ako sa kanila habang palapit sa amin. Seryoso ang matandang lalaki na nakikipag kamay sa bawat lumalapit. Para itong Presidente ng bansa.
Hanggang tumigil sila sa di kalayuan.
"Magandang umaga po Don Antonio at Donya Elena." bati ng mga titser.
Umayos sa pagkakatayo si Mam Pelaez iginiya ang aking balikat para tumabi ng konti.
"Yan si Don Antonio Aragon at kanyang maybahay na si Donya Elena na may ari ng Hacienda Aragon at yan ang kaniyang mga anak." Sabay turo sa mga batang Aragon.
"Si Anthony Aragon ang panganay. Tapos sinundan ni Selena Aragon, ang nag iisang babae. Tapos ang bunso si Drake" turo ni Mam sa lalaking bata na nakangiti at barbers ang buhok.
"Ang pangatlo pala, nakalimutan ko. Si Dreyfus. Siya ang makakalaban mo mamaya sa contest." Tinignan ko ang batang lalaking tila walis na binaliktad ang buhok na seryosong nakatingin lang sa harapan na tila manununtok.
BINABASA MO ANG
She Who Was A He (Hacienda Series #1)
RomanceEvery pain demands a payback. He taught me how to Love. He taught me how to bend the Rules. He taught me Pain. And pain... And pain. Again and again. I always knew na walang "love" sa story ko. It was just pure story. But still, sumugal ako. Hangga...