Nagising ako ng madaling araw. The sound of the bullfrog echoed inside the cave. And my head is a little bit heavy. Tumila na rin ang ulan.
I removed the jacket wrapped around me... his jacket. When did he put this on me? I glanced at him and he's still on his last position last night, still asleep.
Dahan dahan kong kinuha ang aking tshirt na ngayo'y hindi na basa at sinuot ko ito. Si Samyr naman ay nakahiga subalit nakadungaw ang ulo nitong nakatingin sa akin.
"We should go." wika ni Aragon saka tumayo ito at inalis ang alikabok na nakadikit sa katawan. His biceps moved and I looked away. Kasabay non ang alala sa nangyari kagabi.
"A-ah tungkol pala sa nagyar-."
"Let's forget it." malamig nitong sabi na di man lang tumingin sa aking gawi.
"Right." sabi ko. So last night was just like a dream. A product of our blurry thoughts and worried minds.
Sumunod ako sa kanya palabas habang hawak nito si Samyr.
Nakapagtataka lang dahil kung gaano ka ingay kagabi ay siyang sobrang payapa naman ngayon. The chirping birds are everywhere. May mga maliliit na sanga na naputol at ang langit na ngayo'y tila pininta ng isang tanyag na pintor.
Sumampa ito kay Samyr at inilahad ang kamay sa akin.
"Let's go. Hinahanap na nila tayo." marami mang bumabagabag sa aking isip ay mas importanteng umuwi na kami dahil nag aalala na marahil sila sa amin.
Pinatakbo na niya si Samyr. He is right behind me and I can smell his manly scent na mabango pa rin. I feel conscious dahil di pa ako nakaligo.
Paglabas namin sa maliit na gubat ay sumabay sa amin ang pagbukangliwayway at ang boses ng ilang kalalakihan na papalapit sa amin.
"Naku! Mabuti nalang at maayos kayo. Kagabi pa nag aalala ang mga tao sa mansyon." Wika ng lalaking sumalubong sa amin. Nag aala naman ako dahil baka inatake ng nerbyos si Tiyang.
Mabilis na pinaharurot ni Aragon si Samyr kaya di ko na namalayang nasa paanan na kami ng mansyon.
Mula roon ay lumabas si Donya Elena kasunod nito ang asawa at mga anak.
Nakita ko namang halos madapa na si Tiyang sa kakatakbo kasama si Jelay."Ano bang nangyaring bata ka at kung saan saan ka napunta? Pinag alala mo ako." Naiiyak na sabi ni Tiyang saka ako sinuri kung may sugat.
"Pasensya na ho Tiyang."
"That was foolish Seff. Sana hinayaan mo nalang ang paghahanap sa kabayo. It's your life at stake." Madiing sabi ni Drake na lubos na nag aalala at ng tumingin ito kay Aragon ay bakas ang galit.
"Bakit mo kasi siya pinagalitan! You just accuse Seff all of a sudden!" Galit nitong turan na parang susugudin ang kapatid.
"Look. I'm really sorry. I really am." Aragon uttered.
"Sorry? What if something bad happened!" Drake fired. Sinuway naman ito ni Kuya Anthony.
"Mang Andoy told us what happened. And I'm sorry kasi di ko nasarado ang tarangkahan." Ate Selena apologized to me sincerely.
"Okay ka lang Iha?" tanong ng nag aalalang Donya sabay tapik nito sa aking balikat.
"O-ho. Pasensya na ho p-pinag alala ko k-kayo." pilit kong sabi kahit na parang umiikot ang mundo ko.
BINABASA MO ANG
She Who Was A He (Hacienda Series #1)
RomanceEvery pain demands a payback. He taught me how to Love. He taught me how to bend the Rules. He taught me Pain. And pain... And pain. Again and again. I always knew na walang "love" sa story ko. It was just pure story. But still, sumugal ako. Hangga...