Chapter 14

6.8K 364 5
                                    

Bumungad sa akin ang napakalawak na bakuran ng mansyon ng mga Aragon. Malaki ito sa malayo subalit literal na mansyon ito sa malapitan. Maka luma ang disenyo pero tila bago ito dahil sa maayos na pag aalaga.

"Ang mga katiwala at manggagawa ay may sariling tuluyan sa bandang likuran ng mansyon. Doon tayo tutungo ngayon at mamaya ay pupunta tayo sa opisina ng Don." pangaral ni Tiyang na gumising sa aking diwa.

Ilang araw na ang lumipas simula ng pangyayaring iyon ay nasang ayunan namin na maninilbihan ako sa Hacienda para makatulong sa gastusin. Hindi payag rito si Lola subalit pumayag din sa kondisyong mapapanatili ko ang mataas na grado sa pag-aaral.

Ito ang panibagong bukas na kailangan kong harapin. Batid kong madaming mangyayari subalit sa ngayon ang dapat kong iisipin ay ang makatulong kina Lola.

"Iilan lang tayong tumutuloy rito dahil malapit lang ang bahay ng iba."sabay giya ni Tiyang sa tuluyan ng mga katiwala.

Pumasok kami sa loob ng mansyon at sa likuran kami dumaan.

"Tandaan mo 'Nak alas kwatro ng umaga ang gawain mo bago ka pumasok sa iskul. Sa hapon naman ay alas singko hanggang gabi na. Tuwing sabado naman ay buong araw ang ating serbisyo at sa linggo naman ang araw ng pahinga pero minsan kailangan ding magtrabaho kung importante. Sana ay di ka mahirapan..."

Di ko na nasundan si Tiyang dahil masyado akong namangha sa loob dahil puro ginto at pilak ang nakikita ko. Madaming pasikot sikot sa loob na aakalain mong mawawala ka pag pinag tripan kang iwala rito. Nagkalat rin ang ibang mga katulong na may mga ginagawa. Nakatingin ang iilan na may halong kyuryosidad.

Sa malaking bulwagan ay napadako ang aking tingin sa malaking larawan ng pamilya. Napapalibutan ito ng mga maliliit pang iba at tila ngayon lang ito kinuha. Ang Donya ay sopistikadang nakaupo katabi ang Don na sumisigaw ng kapangyarihan. Aakalain mung wala itong mga anak dahil sa ang babata pa ng mga mukha. Naka upo naman sa sahig ang nag iisang anak na babae na si Selena tila prinsesang mayumi. Habang sa likuran ng mag asawa ay ang tatlong anak na lalaki na naka itim na americana. Sa gilid ay ang panganay na si Anthony na may seryoso subalit may multo ng ngiti sa mga labi. Sa kabila ay ang bunsong si Drake na may malawak na ngiti, ang mukha nito ay nakuha niya sa Donya. At sa gitna ay si Dreyfus na seryoso lamang ang tingin. Nasa lahi na siguro nila ang pinagpala. Gusto ko mang itanggi subalit may ipagmamalaki rin itong si Aragon, masama ngalang ang ugali!

"Halos lahat ng gawain natin ay dito sa unang palapag dahil sa itaas ay may naka toka na riyan at halos pribado ang mga yan." putol sakin ni Tiyang sabay tingin sa ikalawang palapag ng bahay.

"Mamaya ko na ipagpapatuloy ang mga dapat mong malaman." putol niya sa akin at tumigil kami sa harap ng isang pintuan.

Kumatok ng tatlong beses si Tiyang.

"Ako ho ito si Becca."

Saka naghintay ng ilang segundo saka ito binuksan. Sumunod ako kay Tiyang papasok at bumungad sa akin ang nakaupong Don na naka salamin na tila may inaasikasong papeles.

Umangat ito ng tingin at inilapat niya ang tingin sa akin ng matagal saka kinuha ang salamin at umupo ng maayos.

"Siya ho Don Antonio ang aking pamangkin na sinasabi ko sa inyo." wika ni Tiyang.

"Di ba siya masyadong bata para magtrabaho Becca." malamig na tugon ng Don. Kinabahan naman ako bigla.

"Kasing edad niya ho si Sir Dreyfus at sanay na po siya sa mga gawain." tumango naman ang Don.

"Sabihin mo, bakit nais mong magtrabaho sa Hacienda?"tanong nito at halos mangisay ako sa kaba ng dumako ang tingin niya sa akin.

"A-ah kailangan po namin ng panustos sa aking pag aaral at pambayad narin ho sa utang kaya gagawin ko ang lahat makatulong man lang kina Tiyang." kinakaba subalit tapat kong sagot.

She Who Was A He (Hacienda Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon