Chapter 2

1 1 0
                                    


Paglingon ko mukhang alam ko na ang dahilan. Dumating na pala yung mga taong kinababaliwan ng mga estudyanteng nag - aaral dito sa LIU. Gusto niyong malaman kung sino sila? Sila ang ZACKATRIS, mga pinagsama-samang pangalan nila. Isang grupong binubuo ng tatlong lalaki at dalawang babae. Sunod-sunod sila nagsibabaan, nangunguna na duon ang leader nilang si Cedric Curpos the" badboy"kasunod naman niya si Mark Tristan Dela Cruz the "genius". Pumapangatlo naman si Shaira Flores the "lovely princess" at kasunod na si Kate Cruz the "sweet heart princess". And last but not the least Zack Stanford the "Casanova". Nakakabinging tilian naman ang namutawi ng dumating sila.

" ahhhh!! Andyan na sila! "

"wahh!! Cedric marry me!! "

" Tristan my loves!!

"woohh, pare ang ganda talaga ni shaira noh? "

" oo nga nakakainlove"

" at ang sexy ni kate pare"

" wahhh!!! Jenny si Zack!!

" Zack ko im here!! "

" i love you Zack!! "

Napakaingay talaga kahit kailan kala mo naman celebrity tss. Sikat na sikat lalo na yung isa diyan halos ialay na nung mga babae yung mga katawan nila mapansin lang. Napangiwi nalang ako.

" oh nakasimangot ka na naman diyan hahaha" natatawang sabi ni Bryan. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Oh easy lang hahaha" habang naka suko ang kamay. "Meron ka ba ngayon kaya ang sungit sungit mo?"

" Puwede ba tumigil ka na diyan baka pag hindi ako nakapagpigil ibalibag kita diyan tss" masama pa din akong nakatingin sa kanya. Hayst yan ang nangyayari sakin sa tuwing kulang ako sa tulog, mainitin ulo ko. "Tara na, 10 minutes nalang malalate nako sa first subject ko." sabay talikod. "Ay oo nga pala, shit late na ko. Kita nalang tayo mamaya nat nat" sabay tapik sa braso ko at tumakbo paalis. Tss, napailing na lang ako.

Naglalakad na ako papuntang BS building, first day of school as 2nd year college. Hayst, first day na, first day sira na agad mood ko. Yung totoo ayaw ko talaga sa course na kinuha ko ngayon, mas gusto ko yung criminology may barilan at bakbakan at mas exciting. Kaso lang hindi ako pinagbigyan ng parents ko, ako lang kasi nag-iisang tagapagmana ng Mendez Corp. I was junior high school that time when my brother died. Simula ng mamatay ang kapatid kong lalaki dahil sa leukemia, sa akin na napunta lahat ng atensyon nila. Yung mga bagay na gustong gusto ko laging ginagawa hindi ko na nagagawa dahil sa nililimitahan nila ang bawat kilos ko. Naging strikto na rin si mommy sakin, isang maling galaw ko lang napupuna at napapagalitan na agad ako. Nakakahinga lang ako ng maluwag pag wala siya sa bahay tuwing may business trip sila ni daddy.

Malapit na ko sa classroom, nang bigla nalang may bumunggo sakin. Buti nalang hindi ako na out balance. Muntik na ko dun ah, tss nilingon ko yung taong bumangga sakin. Kung minamalas ka nga naman oo tss.

" oh hi miss president " sabay wink at smirk." Pasensya ka na ah, masyado kasing malikot tong kasama ko eh" sabay lingon sa babaeng kalandian niya. Andito na naman yung taong kinaiinisan ko sa lahat, walang iba kundi si Zack Stanford. Sa lahat ng kinaiinisan kong tao siya lang naman ang top 1 dun.

"Mr Stanford, pwede ba sa susunod na makikipaglandian ka wag sa hallway ok nakakaistorbo kayo eh. At isa pa, pwede niyo naman siguro gawin yan in private not in public, nakakasuka kayo tss"sabay sinamaan sila ng tingin at tumalikod na. Narinig ko yung tawa ng sira ulo na yun bago ako nakalayo sa kanila. Grabe kadiri, maglalandian na ngalang sa hallway pa, hindi na nahiya. Isa pa yung babae na yun ang landi landi tss hindi na nahiya kababaing tao. Napabuntong hininga na lang ako sa inis, pagtingin ko sa relo ko, shit late na ko kaasar naman oh, kasalanan ng damuho na yun eh. Napatakbo tuloy ako ng wala sa oras, pagdating ko sa room, buti nalang tamang tama lang din dating ko nakasabayan ko pa si prof Aina papasok. Pumunta na ako sa upuan ko sa 3rd row malapit sa bintana, pagkaupo ko bigla nalang bumukas yung pinto at iniluwa nun ang taong kaaway ko kani-kanina lang. At as usual nagtilian na naman yung mga kaklase kong babae at bakla. Hayst ang ingay talaga.

"Quiet class, Mr Stanford you may sit down wag ka ng magpa cute pa diyan" masungit na sabi ni prof Aina. Hah!, buti nga sa kanya, sa lahat ng prof ko isa si prof Aina sa mga terror teacher kaya naman isa sya sa gusto kong prof dahil pagdating sa kanya walang nakakalusot kahit sikat ka pa.

"ok mam" napalinga linga naman siya kung saan may vacant seat pa at sa kamalas malasan pa talaga ang nag- iisang bakanti na upuan nalang ang nasa tabi ko. Hayst kaasar naman oh, bakit ba ang malas ko ngayong araw. Napasimangot nalang ako ng mapatingin siya sa upuan na nasa tabi ko. Nakangiti pa ang loko tss. "Oh, hi miss president. Your here, mukhang tinadhana talaga na magkita at magkatabi tayo ng upuan" ngiti ngiti pa aniya.
"Shut up" sinamaan ko lang siya ng tingin at kinindatan naman niya ako. Akala naman niya madadala ako sa mga pa cute niya tss, tumingin na lang ako sa harapan baka kasi sa inis ko masapak ko pa tong siraulo na to. Narinig ko lang siyang tumawa. Sana naman may magandang mangyari ngayong araw na to hindi yung puro kamalasan. Pagkaraan ng ilang minuto.

"Hey miss president, bakit ba laging mainit ulo mo sakin?"Harmless naman ako ah"sabay pa cute. Ano ba yan bakit ang tagal naman ata mag bell para sa next class ko, hindi ko na matagalan to. Napapikit nalang ako sa pagpipigil. Hindi ko siya pinansin bahala siya diyan. " Sa gwapo kong to hindi mo naman ako pinapansin. Maraming nagkakagusto sakin pero ikaw waepek parin sayo walang talab" hindi na ko nakapagtiis kaya naman sinagot ko na siya para matahimik na.

" Hindi purkit na gwapo ka o kung ano pa man papansinin na kita. Wala akong pakialam at hindi ako interesado sayo kaya pwede ba layuan mo ko nagkakairita ka tss" kasabay din nun pagtunog ng bell kaya naman inayos ko na gamit ko sabay tayo at lumabas na ko ng room. Hayy salamat naman....
"wait! " ay leche,, nagulat ako. Inis na hinarap ko siya pero wrong move pala dahil paglingon ko sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isat isa. Napakurap ako at ng makita kung ngumisi siya, sinamaan ko siya ng tingin sabay tulak ng malakas sa kaniya at sinipa ko siya sa binti niya kaya naman napaigik siya sa sakit. Sumama yung mukha niya kaya naman nung magsasalita na sana siya ng bigla nalang may tumawag sa pangalan ko.

" Miss natasha pinapatawag raw po kayo ng Dean sa office niya". Aniya ng estudyanteng babae. Ano naman kaya kailangan niya, tumango lang ako.

"Oh pano ba yan, una na ko huh haha" napatawa nalang ako sa mukha niya at nginitian ko siya ng mapang-asar at sabay iniwan ko na siya dun. Yan ang napapala niya siraulo kasi tss.












Hi guys!!! How was it? Sensya na kung lame scene pa lang yan. Basta abangan niyo lang.
Please vote and support my story... Thank you
~mgbesas~

Lesbian meets Casanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon