Time check 5:00pm, uwian na namin inaayos ko na mga gamit ko nang may tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko nakita ko si Bryan naghihintay sa labas, pagkatapos ko lumabas na ako ng classroom." Tara" tango lang sagot ko. Malapit na kami sa parking lot ng mapahinto si Bryan dahil sa nagriring ang cellphone niya. "Si mom pala, saglit lang sagutin ko lang to." tango lang din sagot ko. Mayamaya lang nakarinig ako ng mga taong nagtatawanan, paglingon ko nakita ko ang ZACKATRIS papunta na rin siguro sila sa parking lot.
" Hey nat, pasensya na natagalan."si Bryan
" Ok lang, lets go." nauna na akong naglakad sa kanya papuntang parking lot.
"Susunduin ka ba ng driver niyo? Kung wala ihahatid na lang kita."
" Oo" nakita ko naman si mang Nestor nakatayo sa tabi ng sasakyan. " Una na ko magkita na lang tayo mamaya" paalam ko sa kaniya.
"Ok ingat." nag ok sign lang ako sa kanya bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.
Pagdating ko sa bahay agad akong dumeretso sa kwarto ko, nilapag ko lang bag ko sa sofa at umupo sa kama. Inilibot ko naman tingin ko sa buong kwarto ko. Mula sa kulay ng buong kwarto na sky blue, may mini sala, malaking closet na kasing laki ng normal na kwarto, queen size bed at sa tapat naman nito ay may malaking flat screen TV at may mini library na kung saan nakalagay ang mga novel collection ko. At mula sa study table ko nakita ko ang picture frame namin ng kuya ko. Masayang masaya kami ng oras na yun, kuha nung 15th birthday ko. Nakaramdam naman ako ng lungkot at pangungulila kaya bago pa ko malunod sa nararamdaman ko tumayo na ako at pumunta ng banyo para maligo maghahanda na ako para sa party mamaya.
Suot ko itim na pantalon, white shirt with print sa harap na bad girl, pinatungan ko ng black leather jacket at pinarisan ko ng white snickers na sapatos. Tinali ko naman ang buhok ko in messy bun, kunting ayos lang, lagay ng pabango at pagkatapos bumaba na ako at hinanap ang driver namin. Nakita ko siya sa may garahe kausap ang asawa niya na isa din sa maids namin. Lumapit ako sa kanila nakita naman ako ng asawa niya.
" Mang Nestor nasan ang susi aalis ako."
" Ah young lady ihahatid ko na po kayo?"tanong ni Mang Nestor.
" Hindi na ako na ang magmamaneho akin na ang susi may lakad ako."
" Ah ok po, heto po" aniya sabay abot ng susi. Pumasok na ako sa loob ng kotse at binuksan ang makina at sabay pinaandar, binuksan naman ng guard ang gate. Habang binabagtas ko ang daan papuntang padi's point, tumunog naman cellphone ko pagtingin ko sa caller tumatawag pala si Bryan. Pinindot ko ang answer button.
"Oh?"
"Hahaha grabe yan agad salubong mo sakin, well anyway asan ka na?"
" Papunta na malapit na din ako."
"Ok sige aantayin kita dito sa may entrance."
"Ok. " binaba ko na ang tawag. Actually malapit lang naman ang padi's point sa subdivision namin, 15 minutes lang naman ang oras ng biyahe. Nang makarating na ako, pinark ko lang sa tabi ang kotse at mula rito natanaw ko na si Bryan nag aantay. Bumaba na ako at nakita niya naman ako agad papunta sa pwesto niya.
" Ayos ng pormahan mo ngayon ah haha maghahanap ka ba ng chick's?" birong tanong ni Bryan. Napatawa naman ako sa kaabnuyan niya.
" Pwede rin naman kung meron, tara na. " pagpasok namin sa loob, nakabibinging tugtugan naman ang sumalubong samin. Mga taong nagkakasiyahan, yung iba nagsasayawan, nag-iinuman, nakikipagkwentuhan at meron ding nag mamake-out. Hindi na bago sakin to, gaya ng sinabi ko kung saan saan ako dinadala ng magaling kong best friend at isa pa mas matindi pa nga yung nakikita ko dun sa States nung pinatapon ako ng mom ko dahil sa kapasawayan ko.
Nauuna sakin maglakad si Bryan, lumapit kami sa grupo ng mga lalakit babae na nagkakasiyahan. Huminto kami sa tapat nila at nakita ko naman ang kapatid ni Bryan nang makita niya ako kumaway naman siya sa akin. May isang lalaki namang lumapit samin na matangkad na singkit na maputi may lahi atang korean basi sa itsura niya, ngumiti naman siya saamin.
" Hi kuya Bryan buti naman nakapunta ka, kala ko hindi ka na darating eh" ani nung lalaki.
"Happy birthday Lance" nagfist bump naman sila.
Mm, well yeah bakit naman hindi, tsaka pasensya ka na wala akong dalang regalo naiwan ko sa bahay nagmamadali kasi ako kanina. Kunin mo nalang pag bumisita ka sa bahay." Bryan" ok " tumingin naman siya sakin" oh girlfriend mo kuya Bry?" inosente niyang tanong, nagulat naman ako sa tanong niya. Napatawa naman si Bryan, alam niya kasi tungkol sa sekreto ko. Gusto niyo malaman kung ano? Well ganito lang naman yan, i dont like boys because i prefer girls, in short i'm lesbian. Ilan lang nakakaalam ng sekreto ko ang parents ko at si Bryan lang ang nakakaalam, dahil hindi maaaring lumabas ito sa publiko bukod sa maaapektuhan ang career ko, pati na din ang Mendez Corp. malalagay sa alanganin dahil sakin nakasalalay ang lahat at ayoko ding mangyari yun. Kaya naman todo lecture sakin sila mommy para hindi ako makagawa ng kung anong gulo na maaaring makasira ng lahat na pinaghirapan ng magulang ko. Kaya naman laking pasasalamat ko kay Bryan dahil kahit may alam siya hindi niya pinagkakalat.
Tumingin naman sakin si Bryan bago sumagot. " Nope she's not my girlfriend, she's my best friend."
" Ahh ok so, hi by the way I'm Lance Santiago. " sabay abot ng kamay.
" I'm Natasha Mendez and happy birthday." nakipagkamay naman ako sa kanya.
" Thanks. Oh come on, join us kuya Bry and miss Natasha, have some fun guys."umupo naman kami. Nakipagkilala, nakipagkwentuhan at nakipag inuman kami sa kanila. Maya-maya nagtanong ang katabi kong babae si Clarisse.
" Ate Natasha sure ka ba talagang hindi mo boyfriend si kuya Bryan? Sa gwapo niyang yan hindi ka man lang nagka crush sa kanya?" napailing nalang ako kung alam lang niya i'm not interested when it comes to boys.
" Ayy ganun ba, pero ate may girlfriend ba si kuya? Kasi sa looks pa lang impossible naman na wala siyang girlfriend."aniya habang nakatingin kay Bryan. Hindi ko naman siya masisisi kung pagpantasyahan niya si Bryan, he's handsome, mabait, mayaman, etc. Dream boy kumbaga ng mga kababaihan, sa totoo lang may naging girlfriend na siya kaso lang may lahi atang linta at dumikit sa iba, iniwan na lang siya ng basta basta pagkatapos pagsawaan. Umabot rin sila ng isang taon, mahal na mahal siya ng best friend ko pero sinayang niya lang tss. Curse that girl sinaktan niya lang best friend ko.
" Meron naman pero ngayon single na. Wait, do you have a crush on him?"biro ko sa kanya at namula naman ang pisngi niya. "Ah ano ang gwapo niya kasi eh hehe." ngumiti naman ako sa kanya. " How old are you? Buti pinayagan ka ng parents mo na pumunta sa ganitong lugar."
"I'm 18. Yeah kasama ko kasi pinsan ko." sabay turo kay Lance. "Ah ok. napatango tango naman ako." Ahm excuse me lang huh cr lang ako. Sabay tayo, lumapit naman ako sa pwesto nila Bryan.
Kinalbit ko naman si Bryan na nakikipag usap kay Lance." Uyy Cr lang ako. " tango lang sagot niya. Umalis naman ako pa-deretso sa Cr, habang naiwas sa mga taong nakakasalubong ko bigla nalang may nanghila sakin." Uyy teka sandali, san mo ko dadalhin? " pero baliwala lang din naman dahil sa lakas ng tugtog hindi niya ko narinig, sino naman kaya tong babaeng to? Tss basta nalang nanghihila. Huminto kami sa medyo madilim na parte kung saan walang masyadong nadaan na tao, nakatalikod sakin ang taong humila sakin at nung lumingon siya, dun naman ako nagulat hindi ako makapaniwala."Astrid? " ngumiti naman siya ng matamis sakin. Gulat na gulat pa din ako, anong ginagawa niya rito. Nung nasa States ako naging kami ni Astrid, sya yung lagi kong nakakasama sa bar tuwing pumupunta ako dun.
" Hi nat, its been a long time since nung huli tayong nagkita. " lumapit naman siya sakin sabay lagay ng dalawang kamay niya sa batok ko." Miss me? Kasi ako miss na miss na kita."magsasalita na sana ako ng bigla niya akong halikan sa labi, nagulat ako sa ginawa niya kaya naman hindi agad ako nakapag react. Mas hinila niya pa ako palapit sa kanya kaya naman napasandal siya sa dingding at napahawak ang kaliwang kamay ko sa may ulunan niya. Nang bumalik ako sa ulirat hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at pilit inaalis at nagulat nalang ako ng makarinig ako ng taong nagmura, mabilis akong napahiwalay sa kanya, paglingon ko kung saan nanggaling ang ingay ay mas nagulantang ako ng may nakakita sa ginawa namin. Patay na.TO BE CONTINUED ~
BINABASA MO ANG
Lesbian meets Casanova King
Teen FictionSi Natasha Mendez isang babae nagmula sa mayamang pamilya, matalino, talented, maganda, matangkad, maputi, singkit ang mata at halos wala ka ng masabi dahil sa kagandahan niya pero paano kung sa likod ng ganyang itsura panlabas ay may sekrito pla s...