Chapter 7

0 0 0
                                    


Parang nanigas na ang paa ko ng makilala ko kung sino ang nanghila sakin, si Zack. Dali dali ko naman binawi ang kamay ko mula sa hawak niya at napaatras. Seryuso niya akong tinignan, kinabahan naman ako ng maalala ko ang nangyari kagabi, baka may napagsabihan siya sa nakita niya.

Hindi pwede!! Sigaw ng isip ko.

Kailangan kong makaisip ng paraan. Hindi ko malaman kung ano sasabihin ko sa kanya parang may bikig sa lalamunan ko habang nakatingin ako sa nakakatunaw niyang titig.

Asan na ang tapang mo ngayon Natasha!! Sigaw na naman ng isip ko.

Huminga ako ng malalim at saka matapang ko siyang tinitigan, kaya ko to.

"A-ahh, y-yung k-kagabi a-ano... "shit, why im stuttering. Napaiwas na lang ako ng tingin at kitang kita ko sa peripheral vision ko na seryuso pa din siyang nakatitig sakin habang nakapamulsa. Napatingin naman ako sa kanya ng magsalita siya.

" Sorry, if i drag you here. I know may klase ka pa, i just want to... Nakita ko pa muna siya napalunok saka pinagpatuloy ang sasabihin niya na mas lalong nakapagbigay ng kaba sa akin. "I just want to clarify the meaning about what  i saw last night. A-are y-you.. Di ko na siya pinatapos alam ko na ang itatanong niya sakin kaya sinagot ko na.

" Yes, i am."Kitang kita ko naman ang gulat niyang mukha na animo'y hindi makapaniwala. " So please don't tell anyone about it. Walang pwedeng makaalam nito."

"W-what!? You know what, its so earth shuttering of your confession! Hindi talaga ako makapaniwala na isang katulad mo na babae ay ganun, hindi lang yun nabibilang ka pa sa kilalang pamilya. Pano nalang kaya na kumalat to at ang pamilya nyo...

"Kaya nga nakikiusap ako sayo na wag mong ipagsasabi sa iba, dahil hindi maaaring kumalat ito, masisira ang pangalan ng magulang ko!. So please lang, sumunod ka nalang. "nakikiusap na pahayag ko sa kanya. Napakunot noo naman ako ng bigla siyang tumawa.

" Hahahahahahahahaha. " sarap na sarap siya sa tawa niya ah tss. Napamewang naman ako ng wala sa oras, mukhang nahagilap ko na ang confidence ko kaya nawala na ang nararamdaman ko kaninang takot at kaba, napalitan ng inis. Napansin na niya siguro na inis na inis na ako ay tumigil na siya pero nakikita ko pa din na nagpipigil pa din siya ng tawa. "Sorry, pfft hahaha. Nakakatawa ka kasi eh, you expect me na susunod ako sa gusto mo?? Hahaha sorry pero hindi eh, its a N.O.." tinignan niya akong nang - aasar. Aba't, kung wala lang akong sabit ngayon, kanina ko pa to binigwasan ehh. Naku, pasalamat ka talaga hinayupak ka, sinamaan ko nalang siya ng tingin. Pero ang putik hindi man lang nadala tss.

(^_-) - Zack

(- -) - me

Hinga ng malalim saka ako nagsalita.
"Nasabi ko na ang dapat kung sabihin, so inaasahan kong susunod ka sa sinabi ko. Napahugot naman ako ng hininga saka tingin sa relong pambisig, napailing nalang ako ng makita kong 5 minutes nalang natitira matatapos na ang papasukan ko dapat na klase. " kalimutan mo nalang kong ano nakita mo kagabi. Isipin mo nalang na wala lang yun at sana manatiling sekreto ito. Mauna na ako sayo." he just shrugged his shoulder. Tatalikod na sana ako ng marinig ko siyang biglang sumigaw na nakapagpatigil sakin.

"Natasha Mendez! Sa tingin mo ba matatago mo ang totoong pagkatao mo?! "

Napapikit ako sa inis at sabay hugot ng hininga at sabay sabing " Hoy! MalibogAso Subukan mo lang ipagkalat yan tignan ko lang kung magagamit mo pa yang alaga mo!

"Ouch, naman wag naman ganun honney at isa pa madali lang naman ako kausap eh..(sabay wink and smirk)" Hindi ko ipagkakalat ang sikreto mo pero sa isang kundisyon, kailangan mong sundin ang lahat ng kundisyon ko sayo.. sabay tawa at tumalikod. " Simula sa araw na to alipin na kita at lahat ng gusto ko gagawin mo." at saka siya tuluyang umalis.

Naiwan akong nakatayo at natulala, matagal bago ko na digest sa utak ko ang mga sinabi niya.

What the hell!!

Tristan's POV.

"Class didmiss! "

Natapos na din ang second class ko. Nanatili pa muna akong nakaupo sa upuan ko, bago kong mapag desisyonang bumaba. Dederetso na sana ako sa Canteen para bumili sana ng snacks ng makita ko si Kate na may kasamang lalaki. Para naman nilamukos ang puso ko ng makita ko na masaya siyang nakikipagtawanan sa iba. Ang sakit, bakit ba kasing hindi ko masabi na mahal ko siya. Yes, tama kayo ng nabasa, mahal ko nga siya pero natotorpe akong umamin sa kanya. Natatakot akong mabusted at baka masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya imbis na pumunta ng canteen lumihis nalang ako ng daan at pumunta sa may soccer field, dito ang pangalawang tambayan ko. Umupo naman ako sa may malaking ugat ng puno at nagmukmok. Naalala ko na naman kung kailan ko siya naging crush hanggang sa minahal ko siya. It's been 4 years simula ng magkagusto ako sa kaniya, magkaklase kaming lima since high school,ngayon lang kami magkakaiba ng schedule at klase. Naalala ko pa nun, lagi siyang nagpapatulong sakin sa mga projects at assignment niya, tuwing may problema siya, saakin siya naunang lumalapit. Siya din ang ka partner in crime ko pagdating sa kalukuhan, kahit magkakaibigan kaming lahat, mas close ko siya kesa sa tatlo.

Malapit talaga kaming dalawa simula pa nung una, mabait siya, masiyahin, maaalahanin, halos lahat ng ideal girl ko nasa sa kanya na ang lahat. Hindi siya mahirap mahalin, dahil kitang kita pa lang sa katauhan niya kung anong klaseng babae talaga siya, kaya nga binansagan siyang sweet heart princess dahil sa attitude niya. Mahal na mahal ko siya, wala lang akong magawa hanggang kaibigan nalang ata ako. Napabuntong hininga nalang ako at napatungo, matalino nga ako pagdating naman sa pag-ibig bagsak ako.

"Sinasabi ko na nga ba, nandito ka lang eh."natigilan naman ako ng marinig ko ang boses babae. Napatunghay ako ng wala sa oras at nakita ko siya nakatayo sa tabi ko. Ngumiti naman siya at umupo sa tabi ko. "Ano na naman ba gumugulo sa isipan mo at nandito ka na naman? Sa pagkakaalam ko kasi, pumupunta ka lang dito kung may problema ka o may gumugulo sa isip mo. So tell me, may problema ba Mark? Napangiti naman ako sa pangalan na tinawag niya sakin, siya lang talaga tumatawag sakin niyan bukod sa mom ko.

"Alam na alam mo talaga ah, hahaha"

"Of course, I'm your best friend remember? Unti unti naman nawala ang maganda kong ngiti, napangiti nalang ako ng mapait, yeah best friend." At saka sa tagal na natin magkakilala noh,  pano ko naman hindi malalaman, aber. So ano nga?? "nakataas kilay na aniya, nagtataray na naman siya gawain niya yan pag may gusto siyang asusain.

" I'm ok, it's just that, iniisip ko lang kung anong gagawin ko sa task na binigay sa amin ni dean."i lied, it's because of you.

" Ah yeah, i heard na magkakaroon ng welcome party for freshmen students. Ok lang yan, i know naman na kaya mo yan, ikaw pa haha. Vice President. " natawa nalang din ako, pero hindi abot sa mata ang tawa. Habang tumatagal nararamdaman ko na naman yung sakit. Napatingin naman kami sa taong sumigaw, si Zack nakasimangot ang mukha.

" Hoyy!!  Kayong dalawa diyan! Kanina ko pa kayo hinahanap, andito lang pala kayo eh!! Natawa nalang kami ng makita namin ang mukha ni Zack na nakasimangot. "Sige tawa pa kayo!, tignan lang natin makatawa pa kayo kay Cedric mamaya hahahahhahahahahaha" sabay bunghalit ng tawa siraulo talaga. Tumayo na kami at pinagpagan ang sarili at pumunta na sa secret room namin, beast mode na naman siguro si Cedric.

~To be continued -~

Lesbian meets Casanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon