Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1

Devil

"Nev, may gawa ka na sa Literature?" Tanong ni Satana, kaibigan ko.

Kumakain ako ng breakfast nang biglang dumating si Satana. Aniya'y sabay daw kami pumasok. Wala naman iyon sakin dahil unang una, best friend ko siya slash pinsan at magkalapit lang ang bahay naming dalawa. Lagi rin kaming sabay pumasok at siya ang madalas dumalaw sakin sa bahay.

Tinanguan ko siya bilang sagot. Uminom ako ng tubig at nagpunas ng bibig bago tumayo. Binuhat ko na rin ang backpack ko at inaya na si Satana dahil nakakahiyang paghintayin si Manong na maghahatid samin sa school.

"Bakit nga pa ako nagtanong pa?" Nguso niya. "Tinatamad ako. Bukas ko nalang gagawin since sa isang araw pa naman ang pasahan."

Nag-bow ako ng bahagya kay Manong dahil sa hiya na pinaghintay ko siya. Ngumiti lang siya at pinagbuksan na kami ng pinto.

Tahimik akong nakatingin sa bintana ng kotse habang pinapakinggan ang mga kwento ng pinsan ko sa nakakainis daw na teacher namin na boring. Tumatawa lang ako dahil sa pagiging judgmental niya.

Sampung minuto lang ang naging byahe patungong school dahil hindi naman kalayuan ang bahay namin dito. Nagpasalamat lang ako kay Manong at saka bumaba na sa kotse.

Naglalakad kami ni Satana papuntang classroom namin at panay bati ang mga tao sa gilid. My cheeks reddened and I shyly smiled back at them. Ang pinsan ko naman ay walang pakielam sa mga tao sa gilid niya.

"I heard na may pinaiyak nanaman si Devil." Ani Satana sa maliit na boses. Nakita ko rin na lumungkot ang aura niya dahil sa binalita niya.

"We can't do anything about it, Satana. It's Devillian's life." Sabi ko sakaniya para maibsan ang lungkot niya. She should be used to it already. She knows Devillian's like that ever since.

I can't blame her, though. He's her crush. Well, our crush but she doesn't know anything about my little crush about Devillian. Baka magalit lang siya sakin because she might think na inaagaw ko ang crush niya, which isn't true. Dahil hindi ko naman pinapansin si Devillian, and he's not paying attention to me, too.

"You're right, Nev." Bumaling siya sakin at ngumiti. Hinawakan niya ang pulso ko at kinaladkad na 'ko papuntang classroom.

Unang subject namin ay Literature na mabilis naman natapos dahil may pinasagutan lang ang teacher namin. Sunod ay Math na puro discussion lang ang nangyare kaya ngayon ay breaktime na namin.

Ginising ko si Satana na nasa tabi ko para ayain sa cafeteria. She hates math. Buti nga ay hindi siya napapansin 'nong teacher namin sa math. Terror pa naman yun.

Nag-unat muna siya at kinuha na ang kaniyang wallet at cellphone sa bag. Mabilis kaming nakapunta sa cafeteria at agad umupo sa pwesto namin malapit sa bintana.

"Ako na ang bibili ng pagkain. Anong sayo?" Tanong ko kay Satana na humihikab.

Napako ang tingin niya sa entrance ng cafeteria kaya napatingin rin ako doon. Devillian's making his way in the cafeteria while his both hands are in his pockets. Sa likod niya ay si Duke Alyzon Montemayor na madilim ang titig at diretso lang ang tingin sa dinadaanan. Bumuntong hininga ako at binalingan si Satana.

Kinalabit ko siya para maagaw ko ang atensyon niya. "Are you hungry?" Ngiti ko sa pinsan ko. Tumango siya at binigay na ang order niya at saka ako tumayo at pumuntang counter.

Habang nakapila ay may biglang kumalabog dahil sa pagbagsak ng upuan malapit sa gawi nila Devillian. Napatingin ako roon at napakagat ako sa labi ko.

May humarang na lalake kay Devillian habang hinahatak ng babae ang humaharang. Napalunok ako. This is not good.

"Asshole! You flirted with my girl!" Sigaw nung lalake kay Devillian. Narinig ko pa ang pagmamakaawa nung babae sa lalake na tumigil na. Devillian's kept his cool but you can tell that he's annoyed. Si Duke ay tahimik lang na nakamasid na nakataas ang kilay.

"Ano! Magsalita ka! You fucking douchebag! Kala mo kung sino ka!" Nalaglag na ang panga ko nung nakita kong kinwelyuhan na si Devillian. Should I go there? Would it be okay if I go there? I'm the president of the student council so it's my responsibility.

Papalapit na sana ako nang natigilan ako dahil napunta saakin ang titig ni Devillian na ikinanigas ko. My lips and hands are trembling.

Madaling hinawi ni Devillian ang pagkakahawak sakaniya nung lalake at umaambang paalis. Pero bago pa niya magawa iyon ay mabilis na sinuntok siya ng lalake na mabilis na sinalag niya rin gamit ang kaniyang kamay.

Tinitigan niya ng madilim ang lalake habang hawak parin ang kamao. Pilit tinatanggal nung lalake yung kamay niya pero hindi siya hinahayaan ni Devillian.

"I don't give a damn about you. Move away or I will crush your skull."

Lumunok ako at kumaripas na sa nag-aaway para pigilan.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatayo si Satana sa kaniyang inuupuan. Lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin saamin. Nagbubulungan sila.

"Guys, can we please settle this fight in a right manner, please?" Ngiti ko sakanilang dalawa. Hinawakan ko ang kanilang mga balikat para kumalma sila.

Binalingan ko si Devillian na tahimik na nakatingin saakin. His piercing blue green eyes makes my heart pound fast. Nakita kong kumalma si Devillian at nag-iwas ng tingin. Binalingan ko naman ang lalake na nag-aalab pa rin ang mata sa galit.

Tinanggal na ni Devillian ang hawak niya sa kamao ng lalake, while Duke's just standing there, whistling.

I was about to speak when I felt an impact and landed on the floor. Nagtilian ang mga babae sa ginawa saakin nung lalake. Narinig ko rin ang sigaw ni Satana. Nagulat si Devillian sa nangyare at nanlalaki ang kaniyang mata, pati na rin ang kay Duke na natigil sa pagsipol.

"What the fuck did you do!?" Devillian's suddenly raging in anger and he immediately punched the guy's face, hard. Mabilis akong napatayo para pigilan si Devillian na ngayon ay nakapatong na sa lalake habang paulit-ulit na sinusuntok ang mukha. Shit!

Malakas kong hinila si Devillian palayo. The guy lost his consciousness at narinig ko ang hagulgol nung babae na kasama niya. Oh my God!

"Bring this guy to the clinic immediately!" Sigaw ko sa mga guard na biglang dumating. Mabilis naman silang umaksyon at binuhat na ang lalakeng duguan at maga ang mukha na walang malay. Napahawak ako sa bibig ko at tumulo ang luha ko. I've never seen a guy beaten like this before!

I looked at Devillian's face. Pumungay agad ang madilim niyang mata sakin at kumalma. Nag-iwas ako ng tingin at agad na pinawi ang luha. Naramdaman ko rin sa likod ko si Satana na pinapakalma ako.

"Mr. Myatt, please come with me to the guidance office." I said firmly and walked away. Sinundan ako ni Satana. Naramdaman ko rin ang pagsunod ni Devillian sa likod.

This is the first time I've encountered him with a situation like this since it's the first that I joined the student council. I've never been so close to him before, ever. I've seen him fight with my schoolmates when I'm still just a regular student, but I've never meddle with his business. Not until I became the president of the student council. I loudly sighed.

Ano ba itong pinasok ko?

The Devil falls for HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon