Chapter 5
Can I
Mabilis na nag daan ang sabado at linggo. Wala rin naman akong ginawa kung hindi pumunta kila Satana, kumain at matulog. Kelan kaya mababago ang routine ko?
Nasa school kami ngayon para pag usapan yung para sa intramurals. Binigyan rin kami ng mga t shirt para sa color coding, ang grade 11 ay color blue. Ngunit ang officials na katulad namin ni Satana ay gray ang nakuha. May kasamang pang pito para gamitin namin sa pagdi disiplina ng lahat.
Hinihintay ko ngayon si Satana sa gate ng school. May kukunin lang daw siya sa locker. Habang naghihintay ay may namataan akong lalaki na papalapit sa direksyon ko. Si Ronnie ito ah? Yung vice president ng student council.
"Hi, Celestiel..." nahihiyang bati ni Ronnie na nagkamot pa ng ulo.
Ngumiti ako. "Uy! Hello." bati ko.
Hindi ko maiwasang punahin ang chinito niyang mata na ngumingiti. His skin is between fair and moreno. Matangos rin ang kaniyang ilong pero hindi kasing tangos ng ilong ni Devillian. Ang buhok niyang nakatayo ay bumagay sa features niya.
Matangkad rin siya, pero hindi kasing tangkad ni Devillian. Devillian's very tall. 5'5 ang height ko, kailangan ko pang tumingala para lang makita ang mukha niya.
"Gusto mo bang ihatid na kita? Mukhang nag iisa ka, e," alok niya.
Agad akong umiling. "Ay, hindi na. I'm actually waiting for Satana. May kinuha lang sa locker," nahihiya akong tumingin sa malayo. Asan na ba si Satana? Ang tagal naman non.
"Ganoon ba?" kumamot siya sa ulo. "Next time, then?" anyaya niya at ngumiti ng malapad.
"Alright, Ronnie." ngumiti ako pabalik.
Umalis na si Ronnie. Pumunta siya sa tapat ng school para kunin ang kaniyang kotse.
Habang sinusundan ko siya ng tingin ay may namataan akong nakatitig saakin na nakasandal sa kotse, nakahalukipkip at madilim ang tingin.
Pinaningkit ko ang mata ko para makita kung sino iyon. It's Devillian! Nakatitig na siya ngayon sa papaalis na sasakyan ni Ronnie.
Nang magtama ang tingin naming dalawa ay umayos siya ng tayo. His perfectly structured jaw clenched. Papalapit na siya sa direksyon ko ngayon kaya agad na nanlaki ang mata ko. Shit!
Satana! Dalian mo!
Nag iwas ako ng tingin sakaniya. Naalala ko nanaman yung huli naming pagkikita. Nakalimutan niya na kaya yon?
Nang ibalik ko ang tingin ko sakaniya ay napatalon ako dahil nandito na siya sa harapan ko. Tiningala ko siya. Mariing nakatikom ang bibig niya.
"H-Hello!" nahihiya akong kumaway sakaniya.
Mas lalong umigting ang panga niya. "Boyfriend mo yon?" agarang tanong niya saakin.
Kumunot ang noo ko. Sinong? Ako? May boyfriend?
Napaturo ako sa sarili ko. "Huh? Boyfriend? A-Ako ba?" luminga ako sa paligid dahil baka hindi pala ako ang kausap niya. Mapahiya nanaman ako.
"Yeah. Yung lumapit sayo..." lumalim ang boses niya. Ah! Si Ronnie!
"Si Ronnie ba? Kaibigan ko lang yun." ngumiti ako. "Wala akong boyfriend, 'no," dagdag ko pa.
Umaliwalas ang kaniyang mukha sa aking sinabi. Pumungay rin ang kaniyang madilim na mata kanina.
"I see," tango niya. "What did he say to you?" aniya sa isang matigas na ingles. Mariing tumitig ang kaniyang mata saakin.
"Ah, nag alok lang siyang ihahatid ako pero hindi ako pumayag kasi hinihintay ko si Satana." kumagat ako sa labi.

BINABASA MO ANG
The Devil falls for Heaven
RomanceCelestiel Nevaeh Evans is very kind. She follows the rules, very down to earth, not a saint but people always look up to her. Devillian Lucci Myatt was the complete opposite of her. He was never a saint. He breaks rules, broke hearts, and was never...