Chapter 4
Magkita
"What is it, Satana?"
Naging balisa siya sa aking tanong. Naramdaman ko rin ang pagka pawis ng kaniyang kamay sa pulso ko.
Bumaling siya sakin. Ang kaniyang balisang mukha kanina ay huminahon na. Ngumisi siya sakin at umiling. "Anong sinasabi mo diyan? Halika na! Malilate na tayo." angil niya.
Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang mangyari. Hindi ko siya pipilitin mag open saakin gayong alam ko namang alam niya na andito lang ako palagi sa tabi niya para pakinggan at suportahan siya.
Mabilis ang naging takbo ng aming byahe patungong school. The ride was smooth and.. too quiet. Hindi umiimik ang katabi ko. Ipinagkibit balikat ko nalang para 'di siya mairita sakin.
Nag aral lang kami sa buong oras ng klase. Wala rin masyadong nangyari ngayong araw dahil abala ang mga head para sa intramurals.
Friday ngayon kaya bukas makakapag pahinga ako saglit sa school works. Sa monday ay may orientation para sa intrams sa tuesday hanggang friday. Kaya masasabi kong stress-free week, next week.
Inanyayahan ako ni Satana sa mall dahil nautusan siyang mag grocery ni kuya Blue. Walang problema iyon sakin dahil wala naman akong ibang gagawin. I need this diversion, too. Masyado akong nagkukulong sa bahay.
Nagpahatid kami kay Manong sa malapit na mall sa syudad. Bumalik na rin ang sigla ni Satana matapos matulog sa huling subject kanina. Medyo nawala na rin ang kaniyang eye bags. I wonder what's up with her? Ayos lang kaya siya?
Nag paalam saakin saglit ang pinsan ko na may titignan lang daw siya sa dulo ng market para sa mg spices. Inutusan naman niya ako na hanapin yung iba sa listahan na hindi pa napipili.
Habang naglilibot ay hindi pinalagpas ng mata ko ang matangkad na lalaking nakatalikod sakin na tumitingin ng chocolate drink. His built is so familiar. The broad shoulders, toned biceps, diamond earrings, and infamous messy hair. It's him. Narinig ko pa ang mahihinang mura niya na nagpa ngisi sakin. He looks cute.
Should I greet him? Would it be wise to greet him? After all, he's a schoolmate. Nevermind the part that he's my crush, though. Bahala na!
Lumapit ako sa kinatatayuan niya. He's too focused to even notice my presence. Dinungaw ko siya ngunit sa sobrang gulat niya ay muntik na magkanda hulog ang mga inumin na naka display. Uh-oh...
"Hala! Sorry! Hindi ko sinasadyang gulatin ka..." I shyly bowed my head.
Pumikit ako ng mariin. That was a dumb move, I know. Nag aalala ako kasi baka magalit siya.
Tumunghay na ako sa pagkakatungo pero nanlalaki pa rin ang kaniyang magagandang mata. Oh, I would give up everything just to have those beautiful, perfectly curved, long lashes and eyes.
Ilang sandali pa ay umayos siya sa pagkaka tayo at cinompose ang sarili.
"C-C-Celestiel..." aniya sa malalim na boses.
Ngumiti ako.
"Hi! Sorry talaga. I didn't mean to startle you."
Bahagyang umawang ang perpekto at mapulang labi niya. I bit my lip. Dammit. He's too perfect. Nakaka insecure.
"N-No! It's okay.." nag kamot siya ng ulo. Umangat ng onti ang gilid ng kaniyang labi. He's.. slightly smiling. Damn.
"Kamusta? I hoped naayos niyo na yung kaso kay Alex." tukoy ko sa lalaking naka away niya noong nakaraan.
Humalukipkip siya. "Ah, I'm good. Don't worry about it," aniya.
Tumikhim ako. Bigla kong naalala kung paano siya makipag basag ulo. Everyone's afraid of him. Kahit ang mga kaklase ko ay lagi siyang pinaguusapan dahil ang lapit daw masyado sa gulo, though my girl classmates couldn't care less. They are always fantasizing about how good looking he is, and I couldn't agree more.
BINABASA MO ANG
The Devil falls for Heaven
RomanceCelestiel Nevaeh Evans is very kind. She follows the rules, very down to earth, not a saint but people always look up to her. Devillian Lucci Myatt was the complete opposite of her. He was never a saint. He breaks rules, broke hearts, and was never...