Chapter 3
The Bar
Nasa library kami ni Satana ngayon para mag aral sa quiz. Tahimik akong nagbabasa at nagsusulat habang si Satana naman ay may earphones sa magkabilang tenga na natutulog. Wala raw siyang pake sa quiz dahil paniguradong may masasagot naman daw siya kahit di siya nag review. Nakikinig naman daw siya. Kaya ko rin naman na hindi mag review pero para na rin makasigurado ay nilulubos ko na.
Mamaya rin ay malilate kami ng uwi dahil may meeting ang student council para sa paparating na intramurals na annually ginagawa. Kaming mga officers ang magiging officials sa intrams. Secretary ang pinsan ko kaya naman ay kasama ko pa rin siya.
Ang intramurals ay nagrerevolve sa sports. Magkakalaban ang bawat year level. Basketball, volleyball, table tennis, badminton, at e-games. Lahat ng estudyante ay excited sa nalalapit na event. Nag iisip rin ako ng panibagong rule para hindi unfair sa iba. Na ibukod ang grade 11 at 12 sa mga lower levels. Sa school na ito kasi, ang grade 11 at 12 ang seniors. Ang grade 7 to 10 ay mga juniors. Bale, ang grade 11 at 12 lang ang magkalaban. Still, I still don't know if they're going to approve of this but I'll try my best.
Bumangon na si Satana at nag unat siya. Anito ay ginugutom raw siya at nag yaya pumunta ng cafeteria. Niligpit ko muna ang mga gamit ko at nagpatianod na sa hatak niya saakin.
Absent kasi ang teacher namin na magtuturo dapat ngayon, kaya naging vacant hour nalang namin ito at ginugol ang oras sa pag aaral sa quiz next subject.
Napatigil siya sa pagkaladkad saakin na ipinagtaka ko dahil wala pa naman kami sa cafeteria ng school. Nasa harap ko kasi siya at hindi ko makita kung ano yung nakikita niya kasi magkasing tangkad lang kami. Kumunot ang noo ko at humakbang papalapit kay Satana. Humigpit ang hawak niya saakin.
Nanlaki ang mata ko na nakita ko sa harap namin si Duke at si.. Devillian na napatigil rin sa paglalakad. Si Duke ay simpleng nakatayo lang at ang mga kamay niya ay nasa likod ng kaniyang ulo. Si Devillian naman ay cool lang habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa niya. He's in his usual cold looks and messy hair. Napalunok ako at tinanguan ko lang sila bilang pagbati at ako na ang humatak kay Satana paalis. Dammit! Ang bilis nanaman ng hataw ng puso ko.
Nilingon ko si Satana na tulala pa rin. "Huy.. Are you alright?" Nag aalalang tanong ko sa pinsan ko. Nabigla naman siya sa tanong ko at inayos ang sarili. She's back in her usual self now. Thank God.
"I-i was too shocked to m-move!" Aniya sa balisang boses. "Bigla bigla silang sumusulpot sa gilid. Hindi ko sila nakita na nang galing sa kaliwa." Pumula ang kaniyang pisngi na ikinatawa ko. Now that I know she likes Duke, mas nagiging transparent na siya sa nararamdaman niya. May nangyari ba sakanila na hindi sinasabi saakin ni Satana kaya ganto ito kumilos?
Now that I've mentioned it, impossible naman na maging like mo ang isang tao kung hanggang tingin ka lang diba? I don't know if it's impossible or possible, but one thing's I know for sure. May hindi sinasabi saakin si Satana.
Mabilis lang rin kami naka order ni Satana ng pagkain namin dahil isang subject lang rin naman ay dismissal na. Kung wala lang kaming meeting ay hindi na kami bibili ng pagkain.
Nakabalik na rin kami sa classroom at saktong dumating rin ang teacher at nagpa quiz na. Madali lang natapos ang quiz dahil madali lang naman at pumasa kaming lahat na ikinatuwa ng teacher namin. Maaga rin kaming dinismiss aniya'y may kailangan pa raw siyang gawin.
Pumunta na kami sa benches ng covered court ng school dahil don ang meeting place ng mga officers. Kalaunan ay nagsidatingan na rin ang iba at pinag usapan na iyong intramurals next week. Sinabi ko na rin sakanila ang plano ko, maraming umangal dahil malaking adjustments daw ang gagawin sa schedule pero narealize din nila na magandang ideya yon para na rin sa pagiging fair sa lahat. Ilalakad muna namin ito sa adviser ng student council bago maging official ang plano.

BINABASA MO ANG
The Devil falls for Heaven
RomanceCelestiel Nevaeh Evans is very kind. She follows the rules, very down to earth, not a saint but people always look up to her. Devillian Lucci Myatt was the complete opposite of her. He was never a saint. He breaks rules, broke hearts, and was never...