Chapter 2
Glances
Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pumasok sa office ni Ms. De Guzman, 'yong guidance counsellor ng school. Nagpaiwan si Satana sa labas.
May kausap sa telepono si Ms. De Guzman pero nong nakita ako na kasama si Devillian ay agad siyang nagpaalam sa kabilang linya at marahang pinaupo kami sa gilid ng kaniyang desk.
Umubo ako at tinignan si Devillian na nakatungo at pinaglalaruan ang kaniyang diamond earring sa kanang tenga niya. Kinuha naman ng counsellor ang atensyon naming dalawa.
"What's this all about, Ms. Evans?" Aniya na may awtoridad na boses. Lumunok ako bago nagsalita.
"Mr. Devillian Myatt got into a bloody fight earlier, Miss Counsellor. The guy he beaten is being treated at the clinic right now, unconscious." Sinulyapan ko si Devillian na nakanguso, ngunit nakatungo pa rin. Kumunot ang noo ko sa pagiging walang pakielam niya.
Inayos ni Miss Counsellor ang kaniyang glasses at may kinuhang papel sa drawer niya. "Is that true, Mr. Myatt?" Tanong ng Counsellor kay Devillian na nakatunghay na at pinasadahan ng daliri ang kaniyang magulo at medyo mahabang buhok. I bit my lip.
"Yeah." Tipid na sagot ni Devil.
"Why? What's the cause of the fight?" Mariing tanong ni Miss Counsellor.
"I don't know, I don't care. I beaten a guy, that's it. Can we just get over with-"
"Manners, Mr. Devillian Lucci Myatt." Pigil ko kay Devillian na umawang ang bibig at napatitig saakin.
Umiling ang Counsellor at inayos ang glasses. "I'll call your brother regarding your behaviour, Mr. Myatt. Hindi porque anak ka ng may-ari ng school ay ganito na ang mga ipinapakita mo."
Dumilim ang titig ni Devillian at tumingin sa sahig.
"Miss Counsellor, hindi naman po si Mr. Myatt ang nauna." Biglang sabi ko na ikinabigla ni Devillian. Napatingin naman sakin ang Counsellor na nakakunot ang noo. "I was there, Miss. Bigla nalang po siya hinarang nung lalake." Pagpapatuloy ko.
Naningkit ang mata ng Counsellor sa sinabi ko. "Still, the guy's lying at the school clinic bed unconscious because of Mr. Myatt's repulsive behaviour." Kumunot ang noo ko sa Counsellor na ngayon ay may dinadial na sa telepono.
"But-" Agad tinaas ni Miss ang kaniyang kamay na senyales na tapos na ang usapan. Kumuyom ang kamao ko.
That's unfair! Ilang beses inambaan ng lalake si Devillian! Tinulak pa nga ako. As the president of the student council, I'm being fair here. The guy's at fault too. Bigla akong nakaramdam ng awa kay Devillian.
"You may now go, Miss President." Ani Miss Counsellor. Kinagat ko ang labi ko at nag-bow ng bahagya. Tumayo ako at binalingan ko muna si Devillian na nakatitig saakin gamit ang mapupungay na mata. What's that supposed to mean?
Tumango rin ako sakaniya bago lumabas ng office ng Guidance. Bumuntong hininga ako. Napatalon ako sa gulat nang napagtanto na may tao sa gilid ng office na nakasandal. It's Duke.
Umayos siya ng tayo at saka ako binalingan. Blanko ang kaniyang titig kaya di ko mahulaan kung ano nasa isip niya. Galit ba siya dahil sinumbong ko ang kaniyang kaibigan? I was just doing my job.
Pero napatalon ako ng bigla siyang tipid na ngumiti sakin. Lumitaw ang malalim niyang dimple sa gilid ng kaniyang bibig. Nahihiya akong tumango sakaniya bago ko siya tinalikuran. Agad hinanap ng mata ko si Satana.
"Nev!" Narinig kong sigaw ng pinsan ko galing sa labas ng comfort room. Nagpapagpag siya ng kamay at nag half run siya papunta sakin.
"How did it go?" Tanong niya saakin na ngayon ay nakatingin na sa likuran ko. Bahagyang nanlaki ang mata niya at mabilis na akong hinila pabalik sa classroom.
"S-si Duke pala iyon. Kanina pa siya doon?" Manghang tanong niya. Nagkibit balikat ako sakaniya dahil siya itong nasa labas kanina pero hindi siguro sila nagkita ni Duke dahil nag-cr siya.
"So ano na nga? Ano sabi nung Counsellor?" Kinwento ko sakaniya ang mga napagusapan sa office. Ngumiwi ang mukha niya at nainis dahil ang unfair daw ni Miss Guidance kay Devillian. Wala na rin akong masyadong naging react dahil hindi ko rin matanggap 'yong nangyari. Ganoon ba talaga kapag nasa masyadong kilalang pamilya ka? Kailangan mo imeet ang expectations ng lahat para tanggapin ka? I sighed. I suddenly feel bad for Devillian.
Mabilis na natapos ang class hours. Kinakailangan ko na ring umuwi para magpahinga. May gagawin pa ako para sa school at student council. Nakakastress.
Sabay kaming naglalakad ni Satana palabas ng school nang namataan ko sa gilid ng aking mata ang kakalabas lang na si Devillian at ang kuya niya na si Sir Drake Myatt. Sinalubong sila ni Duke na sumisipol. Sinisiko ako ng pinsan ko at napabuntong hininga na lang ako.
"Ang gwapo rin talaga ni Sir Drake, 'no? Pero mas gwapo si Devillian!" Nanggigigil na bulong ni Satana saakin. Kinagat ko ang labi ko.
"Shh. H'wag kang maingay. Baka marinig ka." Bulong ko pabalik. Nasa gilid lang namin sina Devillian. Satana should control her feelings. Baka mabisto kami.
"Oh my Gosh. They're throwing glances at you, couz!" Mas nanggigil lalo si Satana at ramdam kong pulang pula na ang mukha ko sa kahihiyan. Binilisan ko ang lakad ko. Sumunod rin naman si Satana. Nakita ko na rin si Manong na magsusundo saamin at agad niya kaming pinagbuksan ng pinto 'nong nakita niya kami.
Ang bilis ng pintig ng puso ko! Feeling ko gusto niyang sumabog. Nagwawala rin ang mga paru paro ko sa tiyan lalo na 'nong narinig namin ni Satana ang halakhak ng kuya ni Devillian sa likod.
Mas naunang pumasok si Satana sa kotse bago ako. Mabilis kong sinara ang pinto. It's a good thing that the car's windows are tinted. Hindi nila makikita ang reaksyon namin ni Satana. Satana's going crazy about the glances she talked about. Paulit ulit niyang niyuyugyog ang aking balikat, habang ako ay nakahawak sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at sumandal sa upuan ng kotse.
"Shit! Tinitignan ka nila, Nev! Lalo na 'yong tingin sayo ni Devil? His eyes are usually cold, pero 'nong nakita ka ay parang nagkabuhay ang mata niya!" Tili niya at niyugyog ulit ako. Kinabahan agad ako sa naisip ni Satana. Baka kung ano isipin niya. I don't want her to be mad at me. I don't like seeing her hurt.
"G-galit ka ba?" Kabadong tanong ko sa pinsan kong malawak ang ngiti saakin. Nagulat siya sa tanong ko at mukhang naweirdohan.
"What? Why would I be mad?" Humalakhak siya. "Kinikilig pa nga ako kasi ganon sayo si Devillian! Though, medyo nakakainggit pero nakakakilig talaga! Yung crush mo tinitignan ka!" Nanlalaki ang mata ko sa sinasabi ni Satana. Ano? Pano niya nalaman?
"C-crush? Hindi ko crush si Devillian, 'no! What are you talking about?" pagtanggi ko. Kabado pa rin akong tinitignan si Satana. Medyo malapit na rin kami bago makarating sa bahay.
Umirap siya. "Duh! You can't hide anything from me, Celestiel Nevaeh. I've known you since birth. We're best friends since birth. I'm not numb to not notice your glances at Devil. Crush ko si Devil, pero hindi ako patay na patay. Besides," Mas lumapit siya sakin at muling nanggigil. "I-i think I like Duke." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Satana. Kinagat niya labi niya at binaon ang mukha sa kamay.
"Don't tell anyone about this, Nev or I'll kill you!" Nakatakip pa rin ang kaniyang mukha dahil siguro sa hiyang nararamdaman. God! My cousin likes someone? Puro lang siya crush noon! Hindi pa kami nagkaka boyfriend dalawa. Bantay sarado kasi kami ng kuya namin, or rather, kuya niya. Si kuya Blue na mas matanda ng limang taon samin na parang kapatid ko na rin.
Nakarating na kami sa bahay pero natatawa pa rin ako sa itsura niya. Kinukurot kurot niya na ko pero di ko mapigilan na matuwa. Akala ko kasi magagalit siya sakin. And she likes Duke! Kaya pala ganon na lamang reaction niya kapag nakikita niya si Duke. Laging nag-iiwas ng tingin. Napapatalon. Now, it's all clear to me.
Umuwi na rin si Satana sa bahay nila. Magkita nalang daw kami bukas.
Pumanhik na rin ako sa kwarto ko para maligo ulit at magbihis. Pagkatapos ay nilabas ko na ang mga kailangan kong tapusin para sa school. But I can't concentrate because of Devillian's actions earlier. Hindi naman niya ako pinapansin since grade 7. Bakit ngayon, tinitignan na niya ako? Anong meron? May nagawa ba ako para mapansin niya?
Ginulo ko ang basang buhok ko at binaon ang mukha sa study table. I need to focus. Mas mahalaga ang studies ko kesa kay Devillian. Focus, Nev. Concentrate.

BINABASA MO ANG
The Devil falls for Heaven
RomanceCelestiel Nevaeh Evans is very kind. She follows the rules, very down to earth, not a saint but people always look up to her. Devillian Lucci Myatt was the complete opposite of her. He was never a saint. He breaks rules, broke hearts, and was never...