Paunang Salita

143 3 3
                                    

Title: My Highschool Diaries:

Paunang Salita:

Pag-ibig,...... Pagmamahal...... Pagsinta.

Ano nga ba ang mga ito? Sabi ng iba ito ang pinakadakilang damdamin na inihandog ng Diyos. Damdaming nakapagbubuklod sa dalawang tao upang maging isa. Isang bagay na kapag nawala'y parang hindi kumpleto ang pang araw-araw  nating buhay. Isang damdaming hindi mo kayang itigil kahit alam mong nasasaktan ka na. Isang damdaming walang pinipili kahit sinuman. Damdaming kaya mong ipaglaban kahit ang buong mundo na ang iyong katunggali. Isang bagay na ninanais nating matikman subalit sa iba'y sadyang kay ilap. Isang damdaming maaaring ipagkait ng iba, lalong-lalo na iyong pinakamalapit sa iyo. Iyan ang pananaw at karanasan natin sa pag-ibig. Lahat ng timpla at sangkap na nagpapatingkad ng kulay sa damdaming ito ay matatagpuan sa aking akda. Matutuklasan niyo rito na ang pag-ibig ay maraming mukha - masaya,malungkot,mapait,nakakatuwa at nakaka-excite.

                 Ang Highschool Life ang pinakamasayang parte ng buhay estudyante. Dito marami tayong natutunan at nalasap natin ang pagiging kabataan sa yugtong ito. Tayo'y tumawa, sumaya, umiyak, nalungkot, nagalit, nagwagi, natalo at higit sa lahat natutong umibig. Nais ng akdang ito na bigyag diin ang mga pangyayaring iyon.

               Inaalay ko ang likhang ito sa mga taong nagbigay inspirasyon sa akin. Sa aking pamilya at mga kaibigan na walang sawang nagpadama sa akin ng pagmamahal... At sa mga piling tao na pinaghanguan ko ng mga istoryang ito.. Nawa ay magustuhan ninyo at kapulutan ninyo ng magagandang kaisipan ang akdang ito.... Salamat :D

           - JIMO

Karapatang ari 2014

Ang mga tauhan o pangyayari na nasasaad sa akdang ito ay bunga lamang ng imahinasyon ng awtor, kung mayroon mang tao o pangyayari na kapangalan o kahawig ng nabanggit  sa istorya ay malamang hindi kayo ang mga ito. Ang ilan pong pahayag at salita ay maaaring mali ang balarila o di kaya'y pagkakabaybay, paalala ko lang po na ako'y 15 taong gulang lamang nang sulatin ang akdang ito. Di tulad ng ibang e-book, isinulat ko ito ng maayos sa paraang pasalaysay upang mailahad at maibahagi ang mga kuwentong naglalaro sa malikot kong kaisipan.

My Highschool DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon