Part 4: Ang Una at Aking Huli

54 0 0
                                    

Part 4: Ang Una at Aking Huli

Totoo nga ba ang salitang FOREVER? Alam kong napaka-exagerrated naman nito sa istoryang itatampok ko. Sa kuwento, nagsumpaan ang dalawang tao na sila raw hanggang sa huli. Pero may kumalas sa sumpaang ito. Kaya lang ba nagkaka-forever dahil sa mga pangako? Maituturing bang endless ang sumpaan niyo kung ikaw na lang ang tumutupad dito.

Chapter 1 - O.P

Tahimik lang sa isang tabi si Ivan sapagkat wala pa syang gasinong kakilala sa mga taong nandoroon.

Nakita niya ang ilang kaklase noong elem. Ngunit di siya nito pinansin, kaya di na rin nya ito inimikan. Maya maya'y pinahanay na ang mga estudyante dahil idadaos na ang flag ceremony, Pinilit nyang pumunta sa unahan para mas maintindihan kung ano man ang iannounce ng principal pero binalya siya ng ilang kalalakihan na mas malaki sa kanya at napadpad siya sa hulihan.

             Sa tabi niya ay may grupo ng mga kababaihang  sobrang ingay at tawanan ng tawanan. Hindi na lang ito pinansin ni Ivan at hanggang sa matapos ang seremonya ay di pa rin tumitigil ang mga babae sa katatalak. Tumahimik lamang ang mga ito nang mag-aannounce na ang kanilang principal.... Winelcome nito ang mga bagong pasok... Bumati... Nagspeeechh... Bla bla blah...

            Sinabi ng prin. ang mga apelyido ng mga estudyante sa isang section at kung saang room sila pupunta. Di na nagtaka si Ivan at sa higher section siya napapunta kasi naman Salutatorian siya nung elem. Nagdumali siyang pumunta sa room dahil gusto niyang umupo sa hulihan. Ngunit pagdating niya ay marami na kaagad ang nagsiupo dito kaya sa may parteng gitna na lang siya pumuwesto. Maya-maya'y dumating ang mga kababaihang sobrang ingay sa pila..

                    Umupo sila sa unahan ni Ivan, samantalang ang isang kasamahan ay sa tabi niya naupo, dahil pang tatlo lamang ang hanay ng bangko.

Chapter 2 - 1st aquaintance

                    Habang wala pa ang guro ay daldalan ng daldalan ang mga mag-aaral, ang iba ay parang tagabundok kung tumawa. Isa na roon si Cate Villaverde, kasama sa mga babaeng nasa unahan ni Ivan.

           Nakatulala naman sa kawalan si Ivan dahil nao O.P. ito sa mga kaklase niya. Maya-maya'y tumawa na lang nang tumawa ang grupo nila Cate at mistulang pinagtatawanan si Ivan. Hindi na natiis ni Ivan ang kaingayan ng mga ito at nagsalita, '' Anong nakakatawa?''. Sumagot si Cate, ''Akala kasi namin pipi ka.... Buti naman umimik ka na.''

"Wala pa kasi akong kakilala kaya wala akong makausap." tugon niya. "Eh kami nakikipagkilala kami sayo suplado ka naman... Di ka namamansin." sabi ni Cate. "Paano ko kayo pakikisamahan .. Ang iingay ninyo ...lalo na ikaw kamukha yung nagtitinda ng isda sa amin, tuwing umaga laging nasigaw ng ...(Galunggong kayo dyan........,,,,!!!)" sabi ni Ivan. "Ewan ko sayo!!!" galit na sagot ni Cate.

"Ikaw naman wala kang sense of humor... wag kang sumimangot lalo kang napangit..." sabi ni Ivan. "Ah by the way... ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Cate. "Secret...." sagot ni Ivan. "Ok Secret... Ako si Cate Villaverde, at eto naman si Carla, Janice at iyang katabi mo si Jenny."   

                Nahinto ang kanilang paguusapan kasi dumating na ang kanilang adviser, inorient niya ang kanyang mga estudyante sa mga rules and regulations ng school, mga teacher sa iba't-ibang subject  at iba pa.

Pinakuha sila ng 1/4 sheet of paper at sinabihan sila na isulat ang buong pangalan, address, magulang at contact info. Sapagkat mamaya isa isa silang magpapakilala sa unahan at babasahin nila ang kanilang isinulat. Naghalungkat si Ivan sa bag niya ngunit di pa pala siya nakakabili ng papel. Nakita niya yung iba nyang klasmeyts sa kapirasong pilas ng notebook isinulat ang pinapagawa ng kanilang titser, syempre di naman sya ganun kadesperado. Humingi sya sa katabi nyang si Jenny at binigyan naman siya nito. Sinilip ni Cate ang papel ni Ivan at nalaman niya ang pangalan nito. "Ah... Johann Ivan Ortega alyas JIO... Yan pala ang pangalan mo pasecret secret ka pa.... Eh sasabihin mo din naman yan." sabi ni Cate. Pinasa na ng mga estudyante ang kanilang papel at binunot ng titser ang papel ng unang magpapakilala. Si Ivan ang unang nabunot at kahit kinakabahan ay pumunta ito sa unahan. "Ahhhh... Ako...." di sya nakaimik dahil nakatitig lang siya kay Cate at ang babae rin naman ay nakatitig sa kanya. "Mr. Ortega, hello..." sabi ng kanilang titser. Mistulang natauhan siya at tinapos ang pagpapakilala. Bumunot uli ang titser at si Cate naman ang tinawag. Natatawa naman ito dahil nakatitig pa rin sa kanya si Ivan, di na lang niya ito uli pinansin at nagpatuloy.

My Highschool DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon